12

96 7 2
                                    

"Love, kanina ka pa ba dito?" I asked Ethan as soon as I entered the car.

Umiling naman ang lalaki, "not really, may nadaanan akong incident kanina kaya traffic." Paliwanag niya bago simulang buhayin ang engine ng sasakyan.

A month ago we were in the habit of him taking me to school and picking me up. "Last day mo na ngayon dito kasama ko," I sadly said.

A week after new year, naki-usap siya na dito muna sakin habang wala pa daw siyang school. Pumayag naman sila Mamang kaya ayun sobrang saya ni Ethan that day.

"'Di ba nga sabi ko sayo, kapag may free time or walang pasok pupunta ako dito?" Pag pa-paintindi niya.

Naiintindihan ko naman iyon, kaso hindi ko ata talaga kaya na long distance relationship kami. Lalo na at nasanay ako na palagi kaming mag kadikit. Mahigit apat na buwan din kaming mag kasama, siguradong mahihirapan ako mag adjust.

"Last day ko dito kasama ang bebe kong malungkot ngayon kaya i-ti-treat ko siya ng all in overload sa greenwich," he said while smiling, I know that smile was just forced.

Ngumiti lang din ako bago dumukwang sa bintana. Hangga't andito pa siya, hindi ko na muna iisipin na mag kakalayo kami though medyo malapit lang naman ang Nueva Ecija sa Zambales. Mahigit anim na oras ang byahe.

"Say 'ahh'," parang bata na anas niya bago isubo sa akin ang sliced pizza. "Smile na ikaw."

Parang bata din naman akong sumunod na ngumiti. I'm sure na ma mimiss ko ang pagiging sweet at maalaga niya.

"Ethan, naka-handa na ba ang mga gamit mo?" Tanong ni Mamang habang kumakain kami ng sama-sama sa hapag, tumango naman si Ethan bago mag patuloy muli sa pag kain.

"Pahingi ng t-shirt, ahh." Sabi ko pagpasok namin sa kwarto, ngumisi pa ako.

"Bakit t-shirt pa? Ayaw mo ng brief?" Ethan asked with a grin on his lips.

I instantly rolled my eyes at him, "sana hindi nalang pala ako nag paalam kung alam ko ding may ihihirit kang ka-baliwan mo."

He laughed out loud before approaching me and hugging my back. "Hindi ako magagalit kahit kunin mo lahat ng brief ko... aww!"  He moaned as I pinched his side, "pero hindi talaga ako magagalit kahit kunin mo lahat ng damit ko o gamit ko, basta hindi na ako aalis bukas."

"Baliw! First day of school mo bukas," paalala ko.

Dahil nga hindi siya sumabay kila tita Ali umuwi nung january ay naki-suyo nalang siya sa kaibigan niya na sila na din kung pwede ang mag enroll kay Ethan.

"Tulog tayo?" He asked.

I immediately shook my head, "ayaw ko. Manood nalang tayo ng kdrama," I said before looking at him and raising my eyebrows, hindi ko pa natatapos ang pinapanood kong doctor strangers.

The edge of his lip rose as soon as he heard what I said, "wag na yun. Matulog nalang tayo," his insistence. "Mayayakap pa kita," dagdag niya sa pamamagitan ng mahinang boses.

"Narinig ko iyon!" Saad ko bago siya panglakihan ng mata.

He just laughed before hugging me tightly and then lying down on the bed, "hmm, bango." He said after sniffing my neck.

Mabilis ko namang inilayo ang mukha niya sakin, "anong mabango? Hindi pa ako nakakaligo ulit! Amoy pawis pa iyan." I said, totoo naman kasing amoy pawis pa ako dahil nga nawalan ng kuryente kanina sa university kaya ayun sa sobrang init syempre papawisan ka talaga.

"Hindi naman. Amoy cherries nga eh, hmm." Saad niya bago muling idikit ang mukha sa leeg ko.

Ampotek! Anong amoy cherries ka jan!? Pawis hindi cherries.

"Ethan! Ano ba!?" Inis na singhal ko matapos niyang dilaan ang aking leeg.

"What? Amoy cherries, kaya na curious ako kung lasang cherries din at hindi naman ako nag kamali." He said with a grin before dipping his face in my stomach.

Tangna! Tangna! Tangna! How many times have I been devalued in my mind.

"Ethan, maliligo na ako kaya tumayo ka muna." I said as I slowly removed his arm that was wrapped around my stomach.

Nang maka-tayo ay kaagad kong kinuha ang towel at damit bago mag tungo sa banyo. I can't even imagine him licking my neck!

Matapos maligo at makapag bihis ay agad na lumabas ako ng banyo. Umupo muna ako sa harap ng vanity table habang nag susuklay ng buhok.

I saw Ethan approach me before I could feel his chin resting on my shoulder, hindi ko siya pinansin at pinag patuloy na lamang ang ginagawang pag susuklay.

"Galit ka ba?" He asked pero hindi ko padin siya pinapansin, "sorry na po."

I immediately faced him before touching his both cheeks, "hanggang kiss lang, okay? Nothings more." I said there was a finality in my voice.

He nodded before smiling a little, alam ko kung ano ang pilit at totoo sa ngiti ni Ethan. At sa ngiti niyang pina-pakita ngayon ay alam kong pilit iyon. I can also see the disappointment in his eyes. "Okay, I love you," he said bago siya lumapit at halikan ang noo ko.

Mahigpit ko siyang niyakap pag tapos. "Tulog na tayo?" I asked, ngumiti naman siya bago tumango.

Saba'y kaming nahiga sa kama bago yakapin ang isa't-isa. Bukas ba-byahe na siya pauwi.

Pinag masdan kong maigi ang maamo niyang mukha bago ngumiti.

'Sorry, kung pinag-bawalan pa kita sa ginawa mong iyon kanina. Lalaki ka at babae ako, bilang isang babae natatakot padin ako na baka sobrang masanay ako sayo at sobra din masaktan kung iiwan mo ko'.  I said to myself.

Na trauma na kasi ako sa ginawang pag iwan sakin ng mga magulang ko, eh. Masyado din silang maalaga sakin at kay Levi noon, kaya ganoon nalang kasakit ang naramdaman ko nang iwan nila kami.

Siguro sila talaga ang rason kaya natatakot padin ako mag tiwala sa ibang tao, maski sa sariling kamag-anak ay natatakot na din ako.

Kaya siguro nagkaroon ako ng trust issue ay dahil iyon sa mga magulang ko.

Pilit ko namang tinatanggal ang issue na iyon, dahil alam kong mahal ako ni Ethan at hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira namin. Ramdam kong mahal niya ako at hindi iiwan.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now