18

94 6 0
                                    

Tulala ako habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. I was just next to Mamang's coffin. Until now I still can't believe she's gone.

Hindi ko alam na ang yakap na pinag saluhan namin ni Mamang noong nakaraang ayaw ay siyang huli na pala. Sana sinulit ko na.

"Lahari, Levi, andito ang papa. Sumama na kayo sakin, mag sasama-sama na tayong tatlo!" Agad akong napalingon sa pinto nang makita ang ama kong nag pupumiglas sa harang ni tito Liam.

"Get out of here! Dahil sainyo ng nanay mo, nawala samin si Mamang!" Gigil na pantataboy ni tito Liam, "umalis kana kung ayaw mong mag tawag ako ng pulis!"

My tears flowed even more because of what I heard. Ayaw ko ng marinig ang tungkol kay Mamang! Sawa na akong marinig na wala na siya! Ayaw ko na... ayaw ko na.

"Hindi! Hinding-hindi ako aalis hangga't hindi ko kasama ang mga anak ko!" My father shouted again, "kukunin ko sila sa ayaw at sa gusto nila."

I shook my head before I could faced him, "anak mo? Sino?" Sarkastiko kong tanong.

Wala siyang anak! Wala siyang anak dito. Hindi ako... hindi si Levi! Wala samin!

"Lahari, tara na anak. Aalis na tayo dito," maamong saad niya na akala mo ay may dumaang anghel dahil sa mabilis na pag-amo.

"Pasensya na ho, wala po kayong anak dito. Naliligaw po ata kayo," I muttered. Hindi niya kailangan ng respeto mula sakin! Kahit sabihin niya pang ama ko padin siya.

Bagsak balikat siyang umiiling matapos marinig ang sinabi ko. Totoo naman... wala siyang anak na andito.

"Wala kayong magagawa, isasama ko kayo ni Levi sa probinsiya namin!" Patuloy niya na naman habang nag pupumiglas.

"Sino ka ba!? Bakit ba ang kulit mo, ha!? Hindi ka ba makaintindi na wala ka ngang anak dito?" Sigaw ko, wala na akong pake kung maraming tao ang andito. Galit ako... galit na galit! "Hindi mo manlang ba rerespituhin ang burol ng pinatay ng nanay mo!?" Sagad na sagad na ang galit ko, tangina... hindi manlang niya nirespeto ang gabing ito para kay Mamang.

"Hindi pinatay ng nanay ko ang lola mo!" Sigaw din niya, "matanda na ang lola mo kaya mabilis ng bumigay ang katawan niya."

Natatawa akong umiling habang ang mga luha ay patuloy na naman sa pag-agos. Potek! Hindi padin ba nauubos ang luha ko?

"Tangina! Maski matanda o bata! Kung may demonyong gagawa ng alam niyang makapapahamak sa tao talagang makakapatay at makakapatay siya!"

Walang pasabi akong tumalikod doon bago muling pumasok at tumabi sa coffin ni Mamang. Pagod na pagod na ako! I don't want this anymore.... suko na ako.

"Mang, gumising kana kasi jan. 'Di ba ayaw mong kuhanin kami ng ama namin?" I whispered, "protektahan mo kami laban sa ama namin, ohh. Sabihin mo na dito lang kami sayo. Sabihin mong... wala silang karapatan samin ni Levi."

Para akong tanga na kinakausap ang walang buhay na lola ko. Wala na talaga siya... hindi na siya lumaban.

"Lahari saan ka pupunta? Madaling araw na," tito Liam asked.

I looked at him for a moment and smiled bitterly, "may pupuntahan lang po." Paalam ko, ubos na ubos na ako... kailangan ko si Ethan para magkaroon ng kahit papaanong lakas para mag patuloy sa buhay.

Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan bago ko iyon paandarin. Para akong lingaw habang nag mamaneho, lumilipad ang utak ko.

Mabilis lang ang oras na ginugol ko para makarating sa unit ng lalaki. Wala naman gaanong bumabyahe ngayon kaya maluwag ang daan.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now