24

110 5 0
                                    

Tulala akong kumakain habang nasa malayo ang paningin. Miss na miss ko na siya. "Tumawag na po ba si Ethan sainyo?" I asked.

Nung gabi na sinabi niyang tatantanan niya na ako pag tapos niyang mag paliwanag ay tinupad niya. Gumising akong wala ng katabi, wala ng nakayakap sakin. Gumising akong mag-isa sa higaan. He did not even say he was leaving!

"Wala Lahari, eh. Nag chat ako pero wala ding reply," mahinang sagot sakin ni tita Ali.

I just nodded before smiling, mabilis kong pinunasan ang isang butil ng luha nang tumulo ito. "Tapos na po ako, excuse me." Saad ko bago tumayo at tumalikod, ang isang butil kaninang tumulo ay sunod-sunod na ngayon.

Limang araw na ang nakalipas, bukas ay b-byahe naman kaming patungong Baguio. Hindi ko manlang na-enjoy ang pananatili namin dito!

Pana'y nalang akong naka-kulong sa kwarto, kung hindi natutulog ay umiiyak naman. Kailan ba ako magiging masaya? Yung saya na tuloy-tuloy na, iyong wala ng darating na problema.

Mukha akong miserable, namamayat dahil sa ilang araw nang walang matinong kain.

Lahari:
Miss na miss na kita.

Message ko sakaniya kahit na alam ko naman na wala akong reply na matatanggap.

Lumuluhang nahiga ako sa kama bago mag talukbong ng kumot. Gabi naman, kaya't itutulog ko nalang ito.

Nagising ako dahil sa kumakatok sa pinto ko. "Ate, kain na daw po para makapag check out na din." Boses iyon ni Levi.

Umaga palang ay parang pagod na pagod kaagad ako. Nag tungo ako ng bathroom para maligo at nag-ayos ng sarili, nag suot lang ako ng sleeveless na pinatungan ko ng cardigan outer jacket at maong short.

Alam kong maga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak pero wala na akong pake. Paglabas ko ng kwarto ay kamuntikan pa akong ma-out of balance dahil sa naramdamang hilo. Buti nalang ay nasa gilid ng pinto si Levi na nag hihintay.

"Okay ka lang ba ate?" He asked, frowning.

Tipid akong kumiti bago tumango. Saba'y kaming nag lakad patungo sa pwesto kung nasaan ang mga kasama.

"Kumain ka nga ng marami, Lahari! Tignan mo ang sarili mo ohh, namamayat ka." Seryosong saad ni tito, bumuntong hininga pa at imiling.

"Okay lang ako tito, wag mo akong alalahanin." Saad ko bago mag umpisang kumain, hindi nadin naman ako kinibo ni tito Liam.

Nang matapos ay bumalik muli ako sa kwarto bago ayusin ang mga gamit. "Ate ok na mga gamit mo?" Tanong ni Levi na kapapasok lang ng kwarto, tumango ako bago ngumiti.

Walang pasabi niya iyong isinukbit sa kaniyang balikat bago sabihin na sumunod na ako. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ko ng tingin ang buong silid.

"Lahari sa pinakalikod kana umupo, tatabi daw sayo ang dalawang bata." Bungad ni tita Lia sakin pagpasok ko sa van.

Napangiti nalang ako ng makita si Aliza na prenteng naka-upo sa pinakalikod habang si Nadia ay nasa car seat niya, may hawak na cellphone. Siguradong nanonood iyon ng little baby bum.

Tumango lang ako kay tita Lia bago maupo sa pwesto ng dalawang bata. "Hi po, ate Lahari." Aliza said happily then hug me.

"Excited kanang pumunta ulit sa Baguio?" Tanong ko dito na siyang kina-tango niya.

"Sobrang excited po... sana andito din si tito Ethan para happy kana." Biglang lumungkot ang boses niya.

"Ako din, excited na ulit pumunta sa Baguio." Saad ko, iwas sa pangalawang topic.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now