27

117 5 0
                                    

Kinabukasan, pag bukas ni Ethan ng pinto ng kwarto ay hindi namin sinasadyang marinig ang usapan sa ibaba. "Pag bigyan niyo na ako. Gusto kong maka-usap si Lahari." Pag mamakaawa ni mama.

"Ate, intindihin mo muna ang kalagayan ng anak mo. Buhay na buhay pa yung mga ginawa mo sakaniya... sakanila ni Levi noon." Tita Lia replied while shaking her head a bit.

When I felt Ethan holding my hand I smiled a little. "I'm here, just hold my hand." He whispered kaya walang pag aalinlangan ko iyong hinawakan ng mahigpit.

"Ngayon lang, Lia. Ngayon lang. Kahit... saglit lang," sabi muli ng mama ko, ako iyung nasasaktan dahil sa pag mamakaawa niya.

Nanghihina kong isinara ang pinto bago mag tungo sa kama at umupo doon. Tinabihan naman ako ni Ethan bago niya ako yakapin. Parang may kung anong bumato sa puso ko dahil sa naramdamang sakit.

"E-Ethan," naiiyak na tawag ko sa lalaki.

"Shhh... I'm here. I'm here, mahal. You can lean on me. Just cry all you want." Sabi niya bago haplusin ang likod ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang yumakap sakaniya at umiyak. It hurts. Ang sakit-sakit sa dibdib. Ang mama ko... yung mama ko nag mamakaawa na makausap ako.

"E-Ethan... yung mama ko, n-nag mamakaawa siyang maka-usap ako. Ang sakit-sakit dito," humahagulgol na sabi ko bago ituro ang dibdib kung nasaan ang parteng puso, "a-ang hirap, hindi ako sanay na m-makita siyang mag maka-awa. Kasi, dati sana'y ako na ako ang g-gumagawa nun, eh. Ako yung nag mamakaawa dati, pero wala siyang p-pake." I tried to laugh at that part but my tears just flowed again.

"It's okay, ilabas mo lang lahat. Umiyak ka lang," he whispered.

"Nasasaktan ako. K-Kasi, hindi ko kayang makita na nag mamakaawa si mama. Pero si mama, a-ayos lang sakaniya iyun." Saglit akong tumigil para punasan ang mga luha, "ayos lang s-sakaniya na mag makaawa ako. S-Sabi pa nga niya noon, 'kahit umiyak ka ng dugo, iiwan at iiwan ko kayo ng kapatid mo'. Thirteen lang ako noon... pero n-naranasan ko ng abandonahin ng sarili kong pamilya."

Umiyak lang ako ng umiyak kay Ethan. Nilabas ko lahat ng sakit. Nang huminahon ako kakaiyak ay niyakap ako ni Ethan.

"I'm so proud of you," sabi niya na ikinangiti ko.

"Ethan, hindi ko alam ang gagawin ko." Pag-amin ko, naguguluhan ako. May parte sakin na gusto ko ding kausapin ang mama ko pero may parte pa sakin na ayaw kasi natatakot.

"Kung ano ang tama Lahari, iyon ang gawin mo. Pero wag mong biglain ang sarili mo," he said then smile. "Gusto mo ba siyang kausapin?" He asked gently.

Umiling ako bago yumuko at pinag laruan ang daliri, "n-natatakot ako, Ethan. B-Baka saktan niya ulit ako," nanginginig na sabi ko.

"Kausapin mo siya kapag ready kana. Maiintindihan niya iyon, okay?" Tumango ako sa sinabi niya, "pero huwag mo patagalin, kasi hindi umaatras ang oras."

Muli akong nahiga sa kama nang mag paalam si Ethan na bababa saglit para kumuha ng pagkain. Ipinag pahinga niya nalang muna ako dahil daw baka napagod ako kakaiyak.

While alone in the room I smiled bitterly as I remembered what had happened before.

"M-Ma, b-bakit po hindi na u-umuuwi si papa dito satin?" Tanong ko kay mama habang naglalaba ito.

"Bakit? Gusto mo ba na andito ang babaero mong ama?" Malumanay na sagot niya.

"B-Babaero po?" Naguguluhang saad ko, si papa babaero?

"Oo, iyang babaero mong ama pumatol sa malandi kong kaibigan!" Napa-atras ako nang tumaas ang boses niya, natatakot ako.

"Ikaw at ang kapatid mo ang malas sa buhay ko! Sana hindi ko nalang kayo ipinanganak! Wala kayong mga kwenta, sinabayan pa ng magaling mong ama." Turan niya bago hilahin ang mahaba kong buhok.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now