26

102 5 0
                                    

"Ayusin niyo na ang mga gamit niyo at maaga tayo bukas," sabi ni tito Liam bago kami pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto.

Pag pasok palang sa kwarto ay doon na tumulo ang mga luha ko. Uuwi na kami bukas hindi na ako makakabili ng strawberry taho dahil maaga ang byahe namin. Punyawa naman!

Iyak-tawa kong hinaplos ang tiyan ko. Medyo may umbok na iyon na aakalain mong natural na busog na ako. "Pahirapan tayo ngayon, anak, ahh." I said with a low voice, sana naman mag iba ang pagkain na pag lilihian ko.

Dahil sa sobrang pagod kakagala kanina ay maaga akong natulog. I just woke up again because of the cellphone alarm. Hindi na ako naligo dahil sa sobrang lamig, nag palit nalang ako ng t-shirt at leggings dahil hindi naman malamig sa van.

Habang nasa byahe ay pilit kong pinipigilan ang antok, successful naman dahil nang makarating sa bahay ay mulat na mulat ang mga mata ko.

Excited akong bumaba pag park palang ng sasakyan. Patakbo akong sumunod na pumasok sa loob ng bahay, pero ang excited na nararamdaman ay unti-unting nag laho dahil sa nadatnan.

"Lahari," saad ng babae na ngayon ay nakaharap sakin habang may luha ang magkabilang pisnge.

Sa loob ng labing-tatlong taon, ngayon lang siya umuwi dito. Ngayon lang nag pakitang muli samin ni Levi.

I shook my head before turning to the person holding my hand. Ang taong tatlong linggo kong hinihintay.

I disrespectfully turned my back on them all before running into my room. Bago pa ako makalayo ay narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko at ang pagsigaw ni tita Ali na huwag akong tumakbo.

Pabagsak akong dumapa sa higaan bago umiyak ng umiyak. Nakakainis! Bakit ang sakit-sakit padin? Why do all the painful memories come back to me?

Bakit ngayon lang siya nag pakita samin ni Levi? Sa loob ng labing-tatlong taon bakit ngayon lang niya kami naalala? Pero naalala nga ba... o mag kailangan?

Ang daming tanong... gulong-gulo ako. I feel like I'm going crazy because I'm still scared. Natatakot akong baka kuhanin niya kami ni Levi. Ang laki-laki ko na, twenty-seven na ako pero yung takot, trauma andito padin sa sistema ko. Hindi naalis at sa tingin ko ay hindi na maaalis pa.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto pero hindi ko iyon pinansin. Hindi ko nai-lock ang pinto kaya hindi na ako nagulat nang maramdaman kong gumalaw ang hinihigaan.

"Lahari," boses iyon ni Ethan pero tulad kanina ay hindi ko siya pinansin. "Kausapin mo naman ako."

I smiled bitterly without even looking at him, "sapat na bang tatlong linggo tayong hindi nagkita? Hmmm... ayos lang naman sakin Ethan kung dagdagan mo pa, I won't mind." Noong nakaraan ay gusto ko siyang makita, pero parang ang bilis mag bago ang kagustuhan ko. For now I want only to be alone.

Nang haplusin niya ang likod ko ay doon ako maayos na umupo paharap sakaniya. Wala akong pake sa mga luhang nasa pisnge ko.

"Bakit mo ako iniwan kunabukasan ng pag-uusap natin?" I asked, walang emosyon ang nababakas sa boses.

"Bakit?" tanong din niya, "simple lang... nung araw na nag paliwanag ako, kitang-kita ko sa mga mata mo ang nararamdamang awa dahil sa ginawa ko walong taon ang lumipas dahil sa pagpili ko na lumayo para lang hindi makadagdag sa problema mo. Kahit na alam kong masasaktan ako sa desisyong ginawa ko," paliwanag niya bago i-abot ang kamay ko at ipagsiklop iyon kasama ng kamay niya. "I don't want you to say that you love me because of the pity you feel. Kasi hindi ko naman deserve na kaawaan."

Hindi ko pinigilan ang pag tulo ng aking luha sapagkat ay binawi ko ang kamay sa pag kakasiklop noon at idinala sa pisnge ng lalaki.

"Alam mo ang gusto ko?" He asked, hindi ako sumagot at umiling na lamang. "Gusto kong mahalin mo ako dahil iyon ang nararamdaman mo. At hindi kita iniwan Lahari, lumayo lang ako saglit dahil gusto ko na makapag isip-isip. Sa loob ng tatlong linggo, iniisip ko kung sakaling bigyan mo pa ako ng chance ay hindi ko na ba iyon masisira. Kung hindi na ba kita mabibigyan ng problema."

Mahina akong natawa, "naisip mo na ba?"

Natatawa ding tumango siya, "oo, bakit? Kasi naisip ko na part ng pagmamahal... buhay ang problema, pero sabi ko nga kung sakaling bigyan mo ako ng isa pang pag kakataon, syempre mas pipiliin ko nang mag stay. We can go through our problems... together."

Naka-ngiti akong lumuluha bago hawakan ang dalawa niyang kamay at idala iyon sa tiyan kong may munting umbok. Hinaplos-haplos ko iyon gamit ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Ethan.

"Wag ka po mangako, Dada. Gawin mo po," ngising saad ko nang makita ang gulat niyang mukha, literal na naka-awang ang kaniyang bibig habang ang mga mata ay nanglaki.

"B-Bun... shit! B-Buntis ka!?" He shouted then I nodded, napailing ako nang tumalon-talon siya. "Shit! Magiging daddy na ako, magkakaroon na ako ng anak. Whooo! Ang saya-saya ko! Fuck!" Sigaw niya dahil sa saya, maluha-luha pa ang mga mata. Nang maka-recover ay mabilis siyang yumapos sakin at isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Opo Mimi. I'll do my best po to be a perfect Dada and Lu-luv."

Nakakatunaw ng puso ang salitang 'Mimi'. Hindi na joke ito, totoo na talaga. Matutupad na ang gusto namin na magkaroon ng sariling pamilya.

"Natupad na iyung pangalawa mong inaasam para sating dalawa. Magkakaroon na tayo ng sarili nating pamilya," saad ko dito habang hinahaplos ang likod niya dahil umiiyak na talaga siya habang nakayakap padin sakin.

"Sobrang saya ko, Lahari, sobra-sobra. I love you, mahal kita, kayo ng baby natin." Saad niya at suminghot-singhot pa.

We quickly parted in a hug as the door opened. Nag aalalang nakatingin samin sila tito, tita, Levi at si... mama.

"Bakit? Anong nangyare? Bakit ka sumisigaw?" Alalang tanong ni tita Ali.

Natatawang tinuro ko si Ethan na abot tenga padin ang ngiti.

"Hoy! Sumagot ka,---" he quickly interrupted what tito Liam was going to say.

"Mag kakaroon na kami ng anak, kuya. Shit! Shit! Buntis si Lahari." Muntangang turan ni Ethan, kumembot-kembot pa!

Napuno ng tawanan at kasiyahan ang buong silid ko dahil sa nalaman at pag kembot ni Ethan. Pigil tawa kong kinuhanan siya ng video bago ipost sa instagram.

@I'mLahari_T: When he knew he was going to be a father. <3

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now