22

108 5 0
                                    

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong humahaplos sa pisnge ko kaya't agad kong idinilat ang mga mata. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Inis na singhal ko sa lalaki bago umayos ng upo, napansin ko din na wala na kaming kasama.

He quickly looked away from me before speaking, "a-ano,---"

Walang pasabi akong lumabas ng sasakyan nang mapansin na andito kami sa parking ng bahay. I hurried inside and headed straight to my old room.

Pag pasok ko palang ay ang dating amoy ng pabango ko ang pumuno sa aking ilong. Walang nagbago sa ayos ng aking mga gamit. Pero malinis padin ang buong silid.

Sa loob ng isang taon, naka-uwi ulit ako dito. Sobra kong namiss ang mahiga sa sobrang lambot na mattres.

"Lahari, come on gumising kana para makapag almusal na ng maaga!" Mabilis kong idinilat ang mga mata nang marinig ang sigaw at kalampag ni tito Liam sa labas ng pinto.

Ang agang nangbubulabog ng tito ko. Tsk! "Gising na po!" I shouted back.

Mabilis kong inayos ang higaan bago mag tungo sa bathroom upang makapag shower at toothbrush, nag suot lang din ako ng floral white dress at tinernuhan ko ito ng flat sandals.

"Levi, ang baho ng pabango mo." Saad ko pagbaba ng hagdan, ang tapang kasi ng pabango. Hindi ko alam kung ipinang paligo ba niya sa buong katawan.

"Wew! Parang dati lang bangong-bango ka sa amoy ko." Sagot ng kapatid ko bago ako ikutan ng mata kaya natawa ako, "baka naman buntis kana, ate." He added.

Gago! Anong buntis ang pinag sasasabi niya?

"Wala nga daw siyang boyfriend, eh." Saba't ni tita Lia.

Napailing nalang ako bago mag sandok ng pagkain. Hindi na naman kami makakausad ng mabilis nito kung patuloy silang mag kukwentuhan.

"Ethan, galaw-galaw. Napag iiwanan kana. Huwag mong hayaan na maunahan ka, ohh." Tito Liam said, parang wala ako dito sa paligid nila para mag kwentuhan ng ganyan, ah.

"Tama na ang kwentuhan hahaha... tatanghaliin tayo sa byahe," pag iiba ko sa usapan. Ayaw ko ng humaba pa ang usapan tungkol jaan, maski ang sagot ni Ethan ay ayaw ko ng marinig.

"Sige na Ethan, tabihan mo nalang si Lahari sa likod. Kami na bahala ni Niel na mag salitan sa pag d-drive," rinig kong saad ni tito Liam kay Ethan nang balakin nitong maupo sa shotgun seat.

Mabilis akong tumayo at uupo na sana sa one seater nang maunahan ako ng kapatid ko. "Oops! Nauna ako ate hahaha." He said before laughing.

Letchugas na iyan! Talagang pinag lalapit kami ni Ethan. Langya! Nang mapansin na paakyat na ng sasakyan si Ethan ay agad kong nilagay sa gilid ko ang shoulder bag.

Wala akong choice kung hindi ang payagan siyang tumabi sakin, dahil wala naman na siyang pwede pang upuan. Pero hangga't maaari ayaw na ayaw kong nag didikit ang parte ng katawan namin.

"Ano okay na ba? Lalarga na tayo." Saad ni Levi na ngingisi-ngisi nang lumingon sa pwesto namin ni Ethan.

"Humanda ka talaga sakin mamaya." I mouthed, pero ang loko dinilaan pa ako.

Habang nasa byahe ay nasa labas lamang ng bintana ang paningin ko habang naka-suot ang headset sa dalawang tenga.

Todo iwas ako sa katabi ko lalo na kapag nadadaan ang sasakyan sa malubak na kalsada. Masyado marami kaming nadadaanan na may nag gagawa ng daan.

"Hon, ilang room ang nirent mo?" Tito Liam asked tita Ali.

"Apat, kaso nag request kasi si Levi na gusto niyang isa niya lang sa kwarto." Sagot ng asawa ni tito Liam.

Napaisip ako saglit bago kunot noong nag salita, "what? Tita dapat lima na po ang nirent mo."

Sa unang kwarto sila tita Lia at tito Niel kasama si Nadia tapos sa pangalawang kwarto naman sila tito Liam kasama si tita Ali at Aliza, sa pangatlong kwarto naman nag request si Levi na isa niya lang. So ang ending ay dalawa lang kami ni Ethan sa iisang kwarto?

"Kahapon nag message ako sa stuff ng resort na kung pwede pa mag rent ng isang room pero wala na daw dahil fully booked na." Saad ni tita Ali pero hindi nakatakas sakin ang maliit na ngisi niya sa huli.

Napatampal nalang ako sa aking noo. Pinag tutulungan nila ako! Pinag lalapit talaga kami ni Ethan.

"Oh, bakit mukhang disappointed ka, Lahari? Dati naman na kayong nagtatabi sa higaan." Saba't ni tita Lia.

"Tita, iba naman na ngayon, ehh." Maktol ko.

Nakakainis naman! Bwiset, sana hindi nalang ako sumama.

"Ilang bed ang meron sa isang kwarto?" I asked, I almost bit my lip.

Wag ko lang talagang marinig na isa lang ang kama--- "Isa lang," tita Ali said sparingly.

Nalintikan na talaga! Jusko! Wala akong magawa kung hindi ang ihilig ang ulo sa bintana bago pumikit ng mariin.

Nang makarating sa parking lot ng resort ay agad kaming bumaba bago kaniya-kaniyang kuhanin ang mga bag.

Iba ang mga damit kong nakalagay sa shoulder bag kumpara sa maleta. Ganun din ang sakanila.

Nang makapasok sa entrance ay kaagad akong namangha sa ganda ng place. Ang linis pa. Parang nawala ang inis ko kanina nang malaman na magkatabi kami ni Ethan matutulog sa iisang kwarto.

Inilabas ko kaagad ang camera at cellphone bago kami makisuyo sa stuff ng resort na kung pwede ay kuhanan kami ng litrato.

Matapos ng isang picture ay agad na kaming nag tungo sa kaniya-kaniyang room. Pero ako ay sumunod muna kay Levi. Papakiusapan ko muna ang kapatid ko.

"Levi, tabi nalang tayo please?" I pouted, "hindi mo ba na-miss si ate?"

Napaawang ang labi niya ng mapagtanto na sumunod ako sakaniya, "ate gusto ko isa ko lang. Nasanay akong isa ko lang sa kwarto kahit saan tayo magpunta. Ikaw sanay ka naman na katabi si kuya Ethan noon pa man. ehh." Mahabang saad niya.

Bagsak balikat akong lumabas ng kwarto niya bago mag lakad patungo sa kwarto namin ni Ethan.

Pag pasok ko ay nakita kong inaayos ng lalaki ang bag, nakapag palit na din siya ng damit. Padabog kong inilapag sa sahig ang bag bago lumabas, mag lalakad-lakad nalang muna ako kaysa naman ang pagmumukha ni Ethan ang makikita ko.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now