25

104 5 0
                                    

Positive.

Tulala akong lumabas ng banyo bago umupo sa higaan. Hindi ko alam ang sasabihin, wala akong masabi.

I literally couldn’t move my lips because of what I found out.

Mabilis na kinuha ni tita Ali ang hawak kong pregnancy test na mayroong dalawang pulang linya. Wala sa sarili kong hinawakan ang aking tiyan bago iyon hinaplos. Hindi ko manlang alam na mayroon na pala akong buhay na dapat pang ingatan.

"Ohmyghad! Congratulations, Lahari!" Medyo pasigaw na bati niya.

Ngumiti lang ako habang ang luha ay nagsisimula ng tumulo. What am I going to do? We're not okay, we don't talk. Tatanggapin niya ba ang anak ko? Paano... paano kung itakwil niya? Paano kung hindi na niya pala ako mahal. What if, he just explained then because he felt sorry for me... guilt?

Ang daming tanong ang umiikot sa utak ko, hindi ko alam ang gagawin. I'm afraid of what might happen.

"Hindi kaba masaya na mag kakaroon na kayo ng baby?" Tita Lia asked.

Masaya ako. Masayang-masaya, pero hindi ko alam kung haggang kailan itong sayang nararamdaman ko.

"Masaya po ako tita, kaso... paano ko sasabihin sa kapatid mo kung hindi niya sinasagot mga tawag ko. Even replying to my texts." Sagot ko.

She gently stroked my back. "Magiging ayos din ang lahat," she smiled. "Basta ngayon just focus on yourself, okay? Nakasalalay sayo ang magiging kalagayan ng anak mo," then she hugged me.

Gusto kong umuwi ng Zambales o kung nasaan mang lupalop si Ethan. Gusto kong makita siya at masabi kung ano ang dapat na sabihin. I don't want to hide it because I'm not the only one who has the right.

"Tita, si Ethan... dapat niyang malaman ito." Humahagulgol na sabi ko, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko bago iyon pisilin ng bahagya.

"He will know that too. Kailangan niyo lang muna siguro ng time." Ngumiti siya bago ako muling yakapin, "mahal mo pa ba siya sa kabila ng nga nangyare sainyo walong taon ang nakalipas?"

Lumingon ako sakaniya bago ngumiti at tumango, "mahal na mahal ko padin siya tita. Sobrang mahal na mahal." Saglit akong huminto bago yumuko, I can't stop my tears from falling! "Sadyang n-nilamon lang ng sakit at... at galit ang puso ko sa loob ng w-walong taon tita, kaya halos isumpa ko na siya sa isip ko. Tuwing... tuwing nakikita ko siya, palagi akong lumalayo, kasi... kasi bumabalik lahat ng sakit, eh. I loved him more despite the pain and anger when I heard his explanation."

Ngayon lang ako nag open sakaniya ng nararamdaman ko. For eight years, I just kept everything to myself. Breakdown, heart break, self blaming, insecurities... lahat-lahat, walang nakaka-alam na nararanasan ko ang lahat ng iyan. Pero sobrang gaan ngayon na kahit papaano nasabi ko sakaniya.

"I'm so proud of you, Lahari."
She said then kissed the top of my head, "Kaya kadin siguro minahal ng sobra ng kapatid ko dahil sa sobrang tapang mo, you go through all your problems."

"You think so, tita?" I asked, sana nga mahal padin niya ako.

She nodded in response, "oo naman, ramdam ko iyon."

"Tita, pwede po ba na tayong dalawa nalang muna ang nakaka-alam ngayon?" I asked, referring to my pregnancy.

Tumango siya at ngumiti, "oo naman, its not my story to tell."

Ayaw kong mag kita kami ni Ethan dahil lang sa buntis ako sa anak niya. Gusto kong bumalik siya sakin dahil mahal niya ako... dahil mahal padin niya ako.

Matapos kumain ng gabihan ay nag tungo na muna ako sa kwarto upang makapag pahinga. Bumaba nalang ulit ako nang makaramdam ng uhaw.

Nakapatay na lahat ng ilaw hudyat na nasa sari-sarili na silang kwarto. Alam kong maaga pa dahil ala-siyete palang ng gabi pero mukhang sobrang pagod sila sa mag hapong pag gagala.

Matapos uminom ay naisipan kong tumambay sa hagdan. Palapit palang ako nang maaninag ko ang dalawang bulto ng tao.

"Jusko kayong dalawa! Ge a room!" I shouted when I saw the two kissing.

Jusme! Napaka walang hiya. Talagang pinakita pa sakin! Dali-dali silang nag hiwalay sa pag hahalikan bago ko marinig ang salitang 'sorry' ng kapatid ko saka niya inakay ang babae na nasisiguro kong si Dail iyon.

Napapailing nalang ako bago maupo sa pinaka-babang bahagi ng hagdan. Hindi ko na kailangang problemahin ang kapatid ko at si Dail. Malalaki na sila, alam na nila ang tama sa mali. Kung may gawin silang  hindi maganda, sana lang ay kaya nilang harapin ang consequences ng ginawa nila.

Sinabihan ko na si Levi tungkol sa bagay na ganiyan. Alam niya na ang dapat na gagawin. May tiwala ako sakaniya.

Ang pinoproblema ko ngayon ay ang tatay ng anak ko. Kamusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang yakapin.

Nang maramdaman ang antok ay bumalik na din ako sa kwarto upang matulog. Nagising nalang ako dahil sa alarm ng cellphone ko.

Simula nang mag punta kami dito sa Baguio ay nag set na talaga ako ng alarm ng pag gising ko dahil ayaw kong maubusan ako ng taho.

Mabilis akong nag punta sa banyo upang maligo kahit na lamig na lamig ako, buti nalang ay mayroong warm water. Nang matapos ay nag tungo naman ako sa kusina para manguha ng taper ware na medyo malaki.

Ngayon alam ko na kung bakit sobrang nag c-crave ako sa taho. Tumubo na pala ang tanim ng magaling na Ethan!

Pagkalabas na pagkalabas ko ng transient ay saktong may dumaang magtataho. "Pabili po," nakangiting sabi ko bago lumakad palapit.

"Isa pong tag-twenty pesos sa baso," saba'y abo't ko ng baso na hawak. "Magkano po sa ganito kalaking taper ware?" Nahihiyang tanong ko.

I heard the old man laugh before he answered. "One-fifty, iha. Pero gagawin ko nalang na one-hundred para sayo."

"Talaga po? Naku! Maraming salamat po, 'tay." Masayang turan ko, grabe ang bait niya.

"Wala iyon," sabi niya habang nag sisimulang lagyan ng tofu ang taper ware, "pinag lilihian mo ang taho, ano?"

Gulat ako habang tumatango, "opo 'tay. Paano niyo po nalaman?" I asked.

"Noong nag buntis din kasi ang anak ko ay pinag lilihian din niya ang taho," Sagot niya habang nakangiti kaya wala sa sarili din akong napangiti.

Matapos bumili ay muli na akong umakyat sa taas, naabutan kong kompleto na sila sa harap ng hapag kaya nag madali na din akong maupo.

"Unti nalang Lahari magiging kamukha mo na iyang taho." Natatawang saad ni tito Liam, tipid lang akong ngumiti bago mag sandok ng pagkain.

"Last day na natin dito ngayon sa Baguio, hindi ka ba sasama mamaya?" Tita Lia asked with a smile on her face.

Saglit akong huminto sa pagkain bago sumagot, "sasama po ako, tita." Gusto kong bumili ng mga pwedeng pang pasalubong sa mga katrabaho ko.

"Okay sige. Sa Strawberry Farm lang naman tayo at sa Wright Park." Sagot ni tita Ali

Ngumiti ako sakaniya bago ulit kami magpatuloy sa pagkain. Alam niyang mabilis akong antukin kaya buti nalang dalawang tourist spot lang ang pupuntahan namin.

Sana lang makisama ang anak ko at hindi agad ako antukin habang nag gagala.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now