23

124 5 0
                                    

"Tita si Nadia po?" Katok ko sa pinto ng kwarto nila tita Lia.

Hawak ko sa kabilang kamay si Aliza, balak naming mag swimming. Three p.m palang naman ng hapon.

"Tulog pa siya," saad niya bago pag masdan ang suot ko. "Naku Lahari, bakit naka bikini ka?" she drew her lower lip between her teeth.

Kunot noo ko siyang tinignan, anong mali sa suot kong bikini?

"Pangit po ba, tita?" I asked before pouting.

Umiling naman siya, "sobrang bagay nga sayo, kaso naku Lahari... mag suot ka ng short."

"Ayaw ko tita, ootd ko ito for today hahaha." Pinag handaan ko ito kaya walang makakapigil sakin, "sige po pala tita maligo lang po kami ni Aliza." Paalam ko bago kami patakbong pumunta ni Aliza sa tabing dagat.

"Gusto mo bang kuhanan kita ng litrato?" I asked the kid, tumango naman siya kaya agad ko siyang tinuruan ng magandang pose.

"Perfect!" Saad ko bago ilapag sa lupa ang sliper at towel naming dalawa, pinatong ko doon ang camera bago kami lumusong sa tubig dagat.

Natatawang sinabuyan ko siya ng tubig, hindi naman malamig. "Ate, si tito Ethan po, ohh." Turo niya sa likod ko kaya napalingon ako sa papalapit na Ethan.

Madilim ang mukhang tumingin siya sakin kaya ginantihan ko siya ng irap. Anong problema ng lalaki na iyun?

"Aliza, laro tayo. Takbo kana dali, hahabulin kita," saad ko sa bata.

Dali-dali itong tumakbo kaya lumubog ako sa tubig bago lumangoy patungo sa bata. Napatili pa ito nang buhatin ko siya.

"Ang hirap po tumakbo sa tubig. Doon nalang tayo, ate." Saad niya tinutukoy ang buhanginan kaya tumango ako.

Ako ulit ang taya kaya natatawang hinabol ko siya, pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdam kong tumaas ako sa ere.

"Shit!" Saad ko nang may maramdamang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko, "t-tangina Ethan, ibaba mo ako!"

"Lahari naman! Ang daming nakatingin na lalaki sayo!" He said while his jaw are clenched.

"Wala kang pake! Ibaba mo ako ano ba!?" Mahinang sigaw ko nang maramdam na nag lakad siya patungo sa tubig.

"Diba ayaw kong nakikita kang ganyan ang suot?" Seryosong saad niya nang mailubog sa tubig ang katawan namin.

"Unang-una hindi na tatalab ang rule mo na iyan dahil matagal naman na tayong hiwalay." I said then give him a lopsided grin, "pangalawa, ibaba mo ako dahil ang gaspang ng balat mo." I lied.

"Pano kung ayaw ko?" He plastered a smile on his lip.

"Ibaba... hmm!" Pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitang ng labi niya.

Sa sobrang gulat ay hindi kaagad ako nakareak sa ginawa niya. Mabilis kong pinadapo ang palad sa kabilang pisnge niya nang huminto siya sa pag halik ng madiin sakin.

"How dare you!? Tangina, napaka bastos mo!" Singhal ko bago patakbong umahon at kinuha ang mga gamit.

Nang makarating sa kwarto nila tito Liam ay agad kong inabot kay tita Ali ang towel ni Aliza bago pumunta sa sariling kwarto.

Mabilis kong inilapag sa kama ang camera at kumuha ng tshirt at pajama sa bag bago pumasok sa banyo.

Pagpasok ay napasalampak nalang ako habang ang luha ay tumutulo na. Tangina! I can't imagine what he did. He kissed me without any permission!

Mabilis akong naligo at nag bihis bago lumabas ng banyo. Tulala akong naupo sa kama habang sinusuklay ang buhok.

"Lahari.... s-sorry," mabilis akong nag kumot nang marinig ang boses ni Ethan.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now