14

104 5 0
                                    

"Love, naka-uwi kana?" Tanong ni Ethan sa kabilang linya.

"Hindi pa, ano andito kasi ako kila Aria. Dumalaw lang saglit." Sagot ko, hindi ako nakapag paalam kanina dahil sa excited akong makita ang kaibigan.

"Okay, tawagan mo nalang ako mamaya kapag naka-uwi kana. Mag ingat sa pag da-drive, hmm? Love you." He said, I also said goodbye before dropping the call.

Agad akong nag lakad muli papasok sa bahay nila Alex at Aria. Dahil nga dito na naka-tira si Aria ay parang sakanilang dalawa na nga talaga ito.

Pagdating ko sa sala nila ay bumungad sa akin ang masungit na si Aria. "What?" I asked bago ma-upo sa tabi niya.

"Sinong kausap mo?" She said while raising an eyebrow.

I shrugged, "si Ethan."

Tumango naman ang babae bago mag lakad patungo sa kusina. "Kukuha lang ako ng meryenda."

Wala siyang online class ngayon dahil may seminar ang professor niya. Kami lang naman at ang dalawang katulong nila ang nandito sa bahay nila.

Nang mailapag na niya ang food tray sa center table ay tumabi na muli siya sakin ng upo.

"Kamusta ka naman dito?" I asked her.

Ngumiti siya sa tanong ko, "masaya ako dito, panatag ang loob ko. Sobra mag alaga si Alex." She answered, trace the happiness in her voice.

Wala sa sariling napangiti din ako. Atleast ngayon maayos at na-aalagaan sila ang anak niya ng mabuti.

"Ikaw ba kamusta?" Balik na tanong niya.

"Maayos naman, sa bahay wala naman akong problema. Sa school wala din, pero kay Adva parang meron. I know she has a problem but she doesn't say it. Maski sa pag-aaral napapabayaan niya, nung nakaraan hindi siya nakapag pasa ng report tapos kanina sabi niya feeling niya ang dami niyang mali dahil hindi daw siya nakapag review kahapon." Mahabang kwento ko bago i-sandal ang ulo sa sofa, "wag mo ng intindihin, ako na ang bahala kay Adva. Basta ikaw kailangan mo mag palakas para sainyo ni baby," bumawi ako ng ngiti bago haplusin ang munting umbok ng tiyan niya.

"Hmm, kaya natin ito. Tuloy lang ang buhay," masayang sabi niya bago ako yakapin, ginantihan ko din siya ng yakap. "Kamusta ang buhay may boyfriend na? Ghadd! After eighteen years of your existence, nagkaroon na din ng jowa." She said again before laughing.

Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya, "ang sama mo." I said before pouting.

Natatawa padin siyang lumapit at halikan ang dalawa kong pisnge. "Sorry na, bibi."

Takte, ganito ba talaga siya kapag buntis? I mentally thought. Sana buntis nalang siya palagi.

"Maayos naman sa loob ng tatlong buwan, hindi ko din akalain na ganun kabilis ako mag kaka-boyfriend hahaha. Atleast diba may makakasama at may isa pa akong mapag sasabihan ng mga kabaliwan ko?" Sagot ko bago ngumisi.

Madami pa kaming napag-usapan bago ako mag paalam na uuwi na dahil may gagawin pa akong assignment.

Pag dating sa bahay ay inayos ko lang muna ang mga gamit ko bago mag palit ng damit. Nang matapos ay kaagad ko ng tinawagan si Ethan sa messenger.

"Naka-uwi na ako."

"Good, may home works ka ba?" He asked immediately, hindi manlang nangamusta ang loko.

"Meron, isa lang. Mamaya ko na gagawin madami pang time." I replied habang nag lalakad palabas ng kwarto, "kamusta ang first day of school ng second year college?"

"Hmm, okay lang naman. Wala gaanong ginagawa, ni-re-ready ata kami para sa mga ibibigay nilang lessons na masakit sa talampakan hahaha."

I just shook my head. "Mag advance reading ka," suggestion ko.

Missing the Wildwaves [Province Series #01] ✓Where stories live. Discover now