five

1.1K 53 2
                                    

"Ate Telly." I groaned when I felt someone shaking my leg, pero hindi ko na lang pinansin. "Ate Telly... may pasok kayo 'di ba?" I opened my eyes halfway to see one of my dormmates in her pajamas while holding a bottle of water.

"Gising na ate, male-late ka na." I nodded my head at umikot pa para yakapin 'yung unan ko sa gilid, hanggang sa bigla na lang ako napabalikwas nang ma-realize ko 'yung sinabi ng dormmate ko. Nanlaki naman 'yung mata ko nang makita ko sa relo na 6:40 AM na.

Hala.

Mabilis kong kinuha 'yung phone ko at tinignan 'yung alarms. I was sure that I set-up an alarm naman kagabi after reviewing some notes pero—

I sighed.

"Pero 5:00 PM," I said to myself at ipinatong ulit sa study table ko 'yung phone at mabilis na bumaba ng deck. Maybe the universe knew I was going to be late today kaya naisipan kong plantsahin na agad 'yung uniform ko kagabi. I was racing against the clock as I fix myself in front of the mirror after literally sprinting to the shower room and finishing my morning rituals within five minutes. Muntikan pa'kong madulas! Bakit ba naman kasi ang shunga kong mag-set ng alarm.

Hindi naman aayon sa'kin ang universe na maiintindihan na sobrang duling na'ko kaka-aral kagabi kaya mali 'yung alarm ko.

It was already 6:55 nang makalabas ako ng dorm—I was speed-running hanggang sa makarating ako sa building namin. Thank God talaga dahil sa building namin 'yung lectures ngayon at hindi sa Arts and Sciences. I'll literally die sprinting just to race against the clock kapag do'n. Medyo may kalayuan pa naman 'yung building na 'yun. Tapos ang daming estudyante na pumapasok do'n pag ganitong oras! Baka mag-breakdown talaga ako pag nagkataon.

I sighed in relief when I got into the elevator on time. It felt like I was going to join the Olympics—it was a matter of life and death. When the elevator stopped on my floor, I still had two minutes to process.

"Oh my god, Telly!" Rene exclaimed when I got inside the classroom. Kasama niya 'yung ibang students instead na sila Bianca, pero hindi ko na lang pinansin 'yun. Hindi rin naman bawal na maki-mingle sa iba... tsaka mukha naman talagang people-person si Rene. "I forgot to wake you up..."

Nginitian ko naman si Rene habang binabawi ko pa 'yung hininga ko mula sa pagtakbo kanina, tapos biglang ang lamig-lamig sa loob ng classroom. Pakiramdam ko nga araw-araw nasa refrigerator kami. Palakasan na lang talaga ng loob kapag nakalimutan mong magdala ng jacket.

"Okay lang," I said nang maramdaman kong sumunod sa'kin si Rene. Corrine was looking at me and back to Rene as if she wanted to tell me something. Bianca did the same pero nginitian ko lang silang pareho.

Newsflash and our class monitor announced na 8:00 pa darating si doc for our Principles in Med Lab Sci class. Nagulat na lang ako nang bigla akong hinila ni Corrine papalabas kasama si Bianca... tatawagin ko pa sana si Rene pero may kausap naman siya at pinigilan din ako ni Corrine.

Ayaw ko namang mag-overthink. Kaso... ewan. Siguro sa iba sasabihin nila na ang babaw lang ng rason at tsaka kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako nagising nang maaga. Naiintindihan ko naman, ang petty ko lang din siguro... pati rin naman ako naiisip kong ang petty, pero hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko may ginawa akong mali.

"Sa'n tayo?"

"Kumain ka na ba ha?"

Natawa ako at nilabas 'yung isang packet ng biscuit na bawas na, na hinugot ko sa locker kanina, "Medyo," sambit ko at ngumiti. Sumimangot naman si Corrine at Bianca.

"8:00 pa naman daw si doc. Kumain muna tayo." Pagkabukas ng elevator ay mabilis akong hinila nina Corrine papasok sa canteen. Bigla akong nakaramdam ng gutom pagpasok namin. Kung hindi pa nila ako hinila, siguro ginutom ko na naman ang sarili ko.

at long last, peace (medtech series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon