nine

910 32 1
                                    

"Ba't ka tulala?" Pinaningkitan ko ng mata si Olly nang bigla siyang lumapit sa'kin sa library. Anaphy lab kasi ng iba naming kaklase kaya imbes na umuwi sa dorm, nagpunta na lang ako ng library para tapusin 'yung iba assignments namin. Sayang din kasi 'yung oras since 6 hours din 'yung vacant namin. Kung babalik lang ako ng dorm, matutulog lang din ako. Kaso kanina ko pa sinusubukang intindihin 'tong ginagawa ko sa Math, kaso wala yata akong ma-gets talaga.

"Wala kang kasama?"

Napatingin naman siya sa likod pati sa gilid niya at nag-kibit-balikat, "Meron ba?" 

Napairap ako, "Ang pilosopo mo, alam mo 'yun?" Natawa naman siya pero hindi ko na lang pinansin at binalik 'yung earphones ko sa tenga ko. Nagiging hobby na yata niya pangungulit sa'kin—pero hindi lang naman sa'kin! Sa'min namang lahat gano'n siya. Hindi naman sa defensive ako, pero sobra mang-asar si Olly. Pero nabigla nga ako one time na may recit tapos sobrang coherent at composed ng mga sagot niya, parang sinasapian siya ng ibang tao kapag klase. 

"Sa'ng subject 'yang ginagawa mo?" Pinakita ko naman sa kaniya 'yung tinatapos kong homework sa Math. Hindi naman kasi malakas 'yung volume no'ng pinapakinggan ko tsaka instrumentals lang kaya naririnig ko pa rin. Kung maraming naniwala na walang Math sa MedTech, isa rin ako sa nauto. Akala ko rin noon puro tech stuff and science, pero okay lang naman din kasi naiintindihan ko naman nang slight since okay naman magturo 'yung prof. Pero, 'yun na yata pinakamalaking misconception sa degree program ko. Akala ko rin matatakbuhan ko Math, kaso naalala ko marami nga palang Chemistry... although mas okay naman 'yung Math sa Chem, more on Algebra lang kaysa naman kung may Calculus. Tsaka may calculator naman, kaya na rin.

Napatango naman si Olly. Kukunin ko na sana pabalik pero bigla siyang napakunot at tinuro 'yung isang number, "Mali yata 'to," sambit niya at tumingin sa'kin bago ngumiti. "Wait try ko." He slid the notebook back to me at gumilid para kumuha ng calculator sa bag niya. No'ng nakuha na niya , tumayo siya palapit sa'kin, pero uusog na sana ako since may upuan naman sa gilid ko, kaso tumayo lang siya sa gilid. He didn't seem distant, pero he'd always allot this distance between people.

"Upo ka kaya. Ako nangangalay sa'yo."

Natawa naman siya, "Ma-issue," sambit niya dahilan para paningkitan ko siya ng mata. Known naman na raw since highschool 'yung pagiging mabait niya. Isang beses nga lang daw siya na-issue--no'ng may nakita siyang nang-ha-harrass kaya sinapak niya raw agad. Ang kaso anak mayaman pala kaya pina-guidance siya.

Ang daming kinu-kwento sa'min ni Isaac! Pero nagku-kwento lang naman siya pag magkakasama kami, lalo kapag in the line ng jokes ni Olly sa'min—biglang may maisisingit talaga si Isaac.

"Joke lang," nakangiti niyang sambit. "Okay lang ba sa'yo? I just maintain safe spaces between people so I ask if it's okay."

Natawa ako, "Okay, valid 'yun," sambit ko. Hindi ko na lang sinagot 'yung tanong niya kasi ang weird naman kung directly kong sasabihin na medyo awkward nga ako kapag may katabi akong guy. I mean okay lang naman if kaibigan, kaso ayaw ko namang ma-issue kasi may point nga naman kahit joke lang. Baka magulat na lang ako bigla ko na lang makasalubong 'yung ex niya.

I got a little side-tracked while I was looking at him as he explains my miscalculation. He looked so passionate habang pinapaliwanag sa'kin 'yung mali ko kaya napailing ako at ibinalik 'yung tingin sa notebook ko. Kung anu-ano na lang iniisip ko.

"Okay ba? Try mo, tapos tignan natin pag magkapareho na tayo ng sagot sa calcu."

Napangiti ako at tumango, "Thank you," sambit ko. Sobrang coherent no'ng paliwanag niya na kahit 'di niya directly sinagot 'yung tanong at tinuro lang sa'kin 'yung tamang formula at calculation, nagawa ko na nang mas maayos. Medyo nakulangan pala kasi ako ng step, kaya no'ng ginawa ko na at pinakita na sa kaniya 'yung sagot, nakuha ko na 'yung tama.

at long last, peace (medtech series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon