twenty one

561 16 0
                                    

"Ang ganda naman niyang halaman mo, Telly." Napangiti ako nang marinig ko iyon mula kay Tita Luz--kamag-anak namin na nagtatrabaho rito sa dorm kaya kampante rin si mama kasi may kasama ako dito. Hearing compliments from other people wasn't easy for me since I've always been consistent with thinking that I don't deserve any of it--pero sa ngayon, siguro pwede ko namang tanggapin. I don't know what's with my mind... kahit kasi alam kong pinaghirapan ko naman 'yung output no'ng ginawa ko, parang ang hirap pa ring tumanggap na nag-excel ako, kasi dumadating sa point na iniisip ko na baka hindi enough, o kaya iniisip ko na baka mag-expect naman sila sa'kin sa susunod.

Ang gulo. Ang dami kong iniisip. Hindi ko na nga alam kung ano'ng pakiramdam na walang sumasagi sa utak mo all of a sudden. When I even learned that other people can just shut off their own internal monologues, I just felt indifferent--as if I'm leaning towards the stray part of light. Imagine having to go through a day by just telling your mind to shut up and then it obeys you? It gives me chills.

Kasi ako... kahit ano'ng gawin ko. Kahit anong Harry Potter spell pa yata ang isipin ko para lang tumigil 'yung utak ko, ang ending bigla na lang bubulong ulit. 

Kung pwede nga lang makipag-swap ng utak, gagawin ko talaga.

Grabe, ang corny ko talaga. Hindi ako pwede maghanap ng sideline as joker. Ang weird ng humor ko, baka imbes na matawa sila bigla pa silang lumapit sa'kin at tanungin kung ayos lang ako.

Ayan ka na naman.

Napa-mental facepalm na lang ako sa kung ano-anong naiisip ko.

"Thank you po," nakangiti kong sabi. "Binigay lang po ng friend ko."

She nodded and walked nearer as she inspects the plant, "Healthy, ha! May green thumb ka pala."

Natawa ako, "Hala, wala po. Chamba lang po 'yan," natatawa kong sabi kahit natuwa ako sa sinabi ni tita, feel ko tuloy plant enthusiast na'ko at pwede ko na siyang gawing bio sa Facebook. "Akala ko nga po mamamatay agad kasi wala naman akong alam sa halaman, pero sinubukan ko na lang."

Ngumiti siya at napatango, "Kung gusto mo bumili ng halaman na malago, pwede mo naman sigurong ilagay sa likod ng dorm. Malawak naman 'yung lugar do'n."

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pagkarinig ko no'n. Gusto ko tuloy yakapin si Tita Luz, kaso baka masyadong over naman na 'yun, kaya puro ako thank you kay Tita. Wala pa naman akong balak na dagdagan 'yung halaman ko, tsaka mas sigurado na rin kung pa-isa-isa na lang muna. Tapos bibili na lang siguro ako ng wooden stand para do'n na lang nakalagay laht ng halaman. Marami namang halaman si mama, pwede naman siguro ako mang-arbor sa kaniya para lang may ginagawa-gawa ako rito sa dorm kahit pa paano.

Ang hirap kasi sa dorm, literal na aral-tulog-kain lang ang ginagawa ko. Tapos kapag sinusumpong ako ng attacks, nakahiga lang ako tsaka natutulog. Pero kapag hindi ako makatulog, wala lang... nakatunganga lang ako at nakatitig sa kisame--parang tanga kung isipin, pero 'yun lang talaga ang alam kong gawin kasi kahit pilitin ko mang bumangon, wala pa rin. Wala naman kasi masyadong ginagawa rito sa dorm. Gustuhin ko mang mamasyal, wala rin naman akong kasama paalis kasi siyempre busy rin 'yung mga kaibigan ko sa mga pamilya nila, or nag-aaral din, tapos hindi ko naman kabisado 'yung QC kaya baka hindi na rin ako makauwi ng dorm kung aalis lang ako mag-isa. Baka imbes na umuwi ako na may diploma, St. Peter pa maiuwi ko.

Pagkatapos kong i-spray-an at linisin 'yung lugar ng halaman ko, nag-ayos na rin ako ng sarili. Inayos ko lang 'yung pwesto no'ng plant para kapag mataas na 'yung araw, masisinigan kahit pa paano. Maaga pa naman, pero may experiment kasi kami sa Chem Lab kaya inagahan ko na 'yung pag-aayos.

Habang naglalakad ako papuntang canteen, tinawagan ko na lang si mama para naman hindi mag-alala. These past few days, medyo nagkakausap naman na kami araw-araw kada umaga kasi medyo na-guilty ako na hindi ako tumatawag man lang dahil sobrang busy ng ganap sa college. In-anticipate ko naman 'yung pagka-busy, pero masyado talaga akong na-overwhelm, idagdag pa 'yung condition ko. I'm even surprised na kahit pa paano nakaka-survive ako kahit minsan sobrang lala talaga ng breakdowns ko. Mas na-guilty lang talaga ako no'ng binisita nila ako dito sa dorm last weekend tapos hindi rin sila nagtagal kasi may emergency sa papa. Ang ending, iyakan kami sa phone kasi hindi naman ako talaga umiiyak kapag nandiyan si mama personally.

at long last, peace (medtech series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon