fifteen

677 18 0
                                    

I'd consider Wednesdays as my "tired days," one, kasi third day siya sa class schedule and tired sounds like third (I know it sounds like a lame joke, but forgive me for that), and second is that--gigising akong pagod at mag-aaral ulit. Literal na every week may quiz kami kay doc sa PMLS, tapos hindi pa sigurado kung ano'ng tanong na makakasama sa quiz kasi ang daming terms, kaya dapat sauluhin talaga kasi ang hilig magpa-essay ni doc! O kaya minsan concept map. Totoo talaga 'yung mag-aaral ka nang 30 pages for a 10-item quiz. Minsan nga i-ni-skim ko nga lang 'yung mga key people sa PAMET and MedTech kasi ang iniisip ko baka wala, kaso biglang lumabas sa quiz na magbigay ng names at ambag nila. Medyo may naalala naman ako, or baka swinerte lang, ewan.

 Masaya naman 'yung subject kasi parang introductory na talaga siya sa degree namin, kaso hindi rin naman talaga maiiwasan na mapagod. Totoo naman kasing kahit ginusto mo talaga 'yung ginagawa mo, darating ka rin sa certain point na mabu-burn out at mapapagod ka, which is valid--and 'yun din naman lagi sinasabi sa'kin nila mama, pati no'ng dati kong therapist kaya naka-survive ako kahit pa paano sa high school. Ang funny siguro para sa seniors namin kung marinig 'yung ganitong rant.

Pagkapasok ko ng room namin, natawa ako nang bahagya kasi ang familiar no'ng scene--Corrine's acting like there's some information diffusion going on kapag nilagay niya 'yung libro sa ulo niya nang nakabuklat, sila Darren at Isaac naman nag-re-review ng terms kasama sina Olly at Toby. Si Bianca nakaharap sa iPad niya kasi do'n siya nag-aaral, pero maya-maya nagbukas na rin ng Instagram. It's always been like this kapag may exam kaya nasanay na rin kami, pero minsan nakakatawa rin.

Nakaka-overwhelm sa una, pero habang papatagal, nasasanay ka na rin naman, although nando'n pa rin naman talaga 'yung kaba. Hindi naman 'yun mawawala, lalo kung medyo sumiksik nang slight sa utak mo na sana maging Cum Laude man lang. Ang joke time siguro, pero no'ng mga unang araw pa lang ng quizzes na ang tataas pa ng nakukuha ko, biglang sumagi 'yun sa isip ko, tapos no'ng as in sunod-sunod na talaga tapos parang karamihan pa ng scores ang baba, biglang never mind na lang. 

Basta maka-graduate.

'Yun lang din naman talaga ang gusto ko.

Maka-survive lang.

Tapos if ever na kaya ko pang igapang sa medschool, kakayanin ko naman siguro...

"Lesson 4 hanggang Lesson 5, 'no?" I asked habang binubuklat 'yung libro ko at hinihila 'yung upuan palapit sa kanila. Last time kasi na nag-review ako sagad na sagad pala ng isang lesson 'yung naaral ko kaya ayun, umuwi akong may sama ng loob kahit na-perfect ko 'yung quiz. Sayang kasi 'yung oras! Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nagtanong. Kaya medyo may trauma sa nangyari, although hindi naman sobra kasi nagkaro'n din naman ng quiz the following week about do'n kaya hindi na masyadong intensive 'yung reviewing.

Corrine chuckled, "Quiz trauma?"

I frowned, "Magtatanong na'ko next time," sambit ko. 

"Ten minutes?" Darren asked, opening his book. Sobrang amazed talaga ako kapag nakakakita ako ng libro na hindi gano'n karami 'yung highlight. Ewan ko ba, feel ko kasi hindi pumapasok sa utak ko kapag hindi ko ginagawang coloring book 'yung libro ko. 

"Fifteen? Daming pages, e," tawad ni Toby habang binibilang kung ilang pages ang kailangang balikan. It has been our practice ever since quizzes started kasi--magbabasa kami for ten minutes, pero more on skimming na lang, kaya one hour before lagi ang pasok namin kapag may quizzes para may time para makapag-review at magtanungan. Para 20 minutes before the quiz, relax na lang kami para hindi ma-mental block. 

Kami pa lang 'yung tao sa classroom kaya no'ng nagsimula kaming magbasa, tumahimik na 'yung buong room, except no'ng biglang naglabas ng stick o si Davis sa bag niya tapos mabilis na nahablot ni Corrine kaya hindi na siya nakapagreklamo. We were laughing and munching on the piece of stick o we got from Davis' habang nagbabasa--medyo helpful naman, or siguro medyo buraot lang talaga kami sa pagkain. 

at long last, peace (medtech series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon