Prologue

27 1 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales, businesses, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious matter. Any resemblance to actual events is purely coincidental.


Chasing Destiny #1 - Sa Hindi Pag-alala 

Chasing Destiny #2 - Loving You Since 15



Good day, readers! I advised to read CD #1 and first. This story contains spoilers from the story Sa Hindi Pag-Alala.


Enjoy reading!




**


"Tara mag kape tayo sa labas." Inaantok na sabi ni Mercedes.



"Sira ka, kita mong naka duty tayo." Natatawa kong sabi habang chinecheck ang vital signs ng pasenyete.

 


"Wala pa naman tayong gagawin e, saka andiyan naman yung ibang nurses e." Inaantok na sagot ni Mercedes. Twenty four hours na nga pala siyang naka duty. Mamayang gabi pa ang uwi niya.



"Marami rin silang ginagawa, hayaan mo pagkatapos ko sa trabaho kong 'to, magka kape tayo." Tumango naman siya at iniwan akong mag-isa ward area.



Natanaw ko naman si Cassandra na lumabas mula sa laboratory at may hawak na mga papel.


Mabilis kong tinapos ang pag check ng mga vital signs ng mga pasyente sa ward area.



"Nurse Camilla, Kumusta ang mga pasyemte?" Bigla namang sumulpot sa kawalan si Doc Lars.



"Maayos naman po lahat, Doc." Tumango naman ito sa'kin.



"You can have your break time, Nurse Camilla. Dumating na yung mga magdu duty. Forty eight hours ang duty mo, hindi ba?" Napatingin naman ako sa relo ko. Isang oras nalang at out ko na. Makakatulog na rin sa wakas!



"Rest well, Nurse Camilla." Ngumiti si Sir Lars sa'kin bago naglakad paalis. Mabilis naman ang ginawa kong kilos at pumunta sa isang kwarto sa hospital kung saan lahat ng mga gamit naming mga nurse ay doon nakalagay.


 

Kinuha ko ang bag ko at pumasok sa banyo para magpalit ng damit. Sa wakas ay makakapag palit na rin ako.


 

Hinubad ko ang scrub dress ko at nagpalit ng jogger pants at loose shirt. Ipinusod ko naman ang buhok ko. My hair is kinda messy, pero it looks good naman. I also changed my footwear into a crocs.


Isinabit ko naman sa shoulder ko ang malaking totebag ko at inaantok na lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si Mercedes na salubong ang kilay habang diretsong nakatingin sa akin.


Loving You Since 15Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ