Chapter 18

5 0 0
                                    


Alas-tres na ng hapon at kasalukuyan akong naghahanap ng maiiregalo kay Jihan. Puyat pa ako dahil kakagaling ko lang sa trabaho pero kailangan kong hanapan siya ng regalo. Nirecommend ni May na sa Planet Perfume raw ako magtingin ng mga perfume para kay Jihan. At hindi ko maitatangging mababango nga ang perfume dito. 


Medyo pricey ang mga perfume dito pero lahat ay mababango naman at magaganda ang packaging. Napili ko ang Weekend for Women Perfume Spray. Okay na ang isa dahil mahal! Hindi naman magrereklamo si Jihan. Swerte niya at binilhan ko siya kahit na sobrang mahal.


Nang makarating sa bahay namin ay naabutan ko sila Cheonsa, Cassandra, May at Mercedes na kumpleto. Nag day-off siguro ang mga ito para sa birthday ni Jihan.


"Shala! Planet Perfume." Pagpansin ni Mercedes sa paper bag na hawak ko. 


"Matulog ka na muna. Seven pm pa naman ang party ni Jihan, makakapag pahinga ka pa." Pagpapaalala ni May.


"Si Marie? Hindi ba talaga makakapunta sa party ni Jihan? Si Shean?" Tanong ni Cassandra.


"Hahabol daw si Marie dahil nasa prescon siya sa Cavite. Si Shean daw ay pupunta, didiretso nalang daw siya doon sa condo ni Jihan. Baka nga andoon na iyon ngayon." Si Cheonsa ang sumagot. Tumango nalang ako sa kanila at umakyat na para matulog. 


Nang makapag freshen up ako ay humiga na ako saka binuksan ang cellphone at doon binasa ang isang text message. 


"I'm coming come this christmas, Babe." 


Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa at ibinaba na ang cellphone ko para makatulog. 



Fifteen minutes nalang at seven o'clock na pero nagbibihis palang kaming magkakaibigan. At kakagising ko lang din! Napili kong suotin ang long sleeves turtle neck v-cut top ko at ang niregalo ni Mercedes sa'kin na skirt. I tied my hair up at naglagay lang ng light make up. Sinuot ko na rin ang black heels ko at kinuha ang regalo ko kay Jihan.


"Uy! Andito na si Marie!" Dinig kong sigaw ni Cassandra mula sa baba. Napatingin naman ako kay Mercedes na naka ready na rin at nagsuot ng one sleeve black top at black mini skirt. Sobrang ganda ng kaibigan ko!  Sabay na kaming bumaba at nakita ang mga kaibigan namin na akala mo may fashion show at bongga ang mga suot! Lalo na si Marie! I didn't expect na magsusuot s'ya ng sleeveless fitted dress. Palibhasa'y medyo tumaba na s'ya at total glow up talaga, bumagay sa kaniya.


"Tara na. Dala ko sasakyan ko." Pagyaya ni Marie. Sabay-sabay na kaming sumunod sa kaniya at sumakay sa sasakyan niya. 



Nang makarating sa building ng condo ni Jihan at naabutan namin si Shean na kakababa lang din ng sasakyan niya. Bongga ang suot ng ante mo! 


"Guys! Namiss ko kayo!" Takbo n'ya papalapit sa'min. ISa-isa naman kaming bumeso sa kaniya. 


"Alam n'yo ba kung anong floor ng condo ni Jihan?" Tanong ni Marie.


"Sabi n'ya ay 16th floor daw. Pero ang club ay nasa 17th floor." Si Shean ang sumagot. 

Loving You Since 15Where stories live. Discover now