Chapter 20

7 0 0
                                    

"Congrats on your engagement, Mercedes." 

Nakita akong bumeso kay Mercedes.  Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat. Huling kita ko kay Ash ay noong nag propose ang fiance ni Mercedes sa kaniya. Hindi na siya sumama dito sa Batanes para sa engagement celebration. Napaka kapal talaga ng mukha, pinsan niya ang na engaged pero wala siya. 

"Susunod ka na siguro ma-engage saakin." Nangingiting Sabi ni Mercedes.


"Two years pa siguro. Hindi pa ako ready na ma-engaged." Natawa ako sa sariling sinabi at niyakap siya. 

Nang matapos ang engagement party ni Mercedes sa Batanes ay hindi na siya umuwi sa bahay naming magkakaibigan. Nakakagulat dahil may biniling bahay ang magiging asawa niya. Nakakatuwa lang dahil tumatanda na kami. 

"Ikaw? Kelan ka magiging ready magpakasal?"  Napatingin ako kay May habang inaayos ang maleta niya. Hindi sila natuloy ni CAssandra na bumyahe abroad three years ago. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. 

"Atat nang lumipad si Cassandra kaya nauna na siyang umalis. Gustong-gusto na makalayo eh noh?" Pag-iiba ko. Nahihiya ako dahil hindi ko man lang iniisip ang engagement namin ni Ayson. 

"Mmm, asahan mong sampung taon pa ang hihintayin natin bago umuwi 'yon." Natatawang sagot ni May bago binuhat palabasa ng bahay ang mga maleta niya.

"Are you sure na hindi na kita ihahatid sa airport? Mamaya pa ang duty ko." Alok ko kay May habang pinaparahan ng taxi.

"Baka hindi ako makaalis. Buti nalang at busy ang mga shunga, hindi madrama ang pag-alis ko." Napailing nalang ako kay May at tinulungan siyang isakay ang mga maleta niya.

Muli kong niyakap si May bago siya sumakay ng taxi. Pinanood kong makalayo ang sinakyan niya bago muling pumasok sa bahay.  I did my routines bago nagmadaling pumasok sa trabaho. Napabuntong hininga nalang ako nang maalalang naka leave na si Mercedes at nasa Canada na si Cassandra. 

"Nurse Camilla, busy ka ba?" Nalingon ako sa kasama kong Nurse. Itinigil ko naman ang ginagawako at humarap sa kaniya. 

"May naghahanap kase sa'yo sa labas, Nurse." Kumunot ang noo ko at tinanaw ang entrance ng Hospital. 

"Sige, thank you." Ngumiti ako sa kaniya at nagmadaling lumabas ng Hospital. 

Napahinto ako sa paglalakad nang makita si.. Ari. 

"Hi, Camilla." Lumapit siya sa'kin at bumeso. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil sa gulat. Ngumiti nalang  ako sa kaniya. 

"Ikaw ba yung naghahanap sa'kin?" Nahihiya kong tanong. Natawa naman siya ng bahagya at tumango. 

"Coffee?" 

I found ourselves having a cup of coffee. Hindi na rin naman ako makakahindi sa kaniya. Nakakahiya naman kung hindi ako papayag. 

"Ang layo ng binyahe mo para lang puntahan ako at... yayain ako magkape." Galing pang Zambales si Ari. Ganoon ba kaimportante ang gagawin niya para lang bumyahe ng limang oras papunta dito?

"Gusto kitang makausap." Ibinaba ko ang kape ko at itinuon ang atensyon sa kaniya. Napansin ko namang hinahawakan ng isang kamay niya ang isa niya pang kamay. Kaagad kong napansin ang ginagalawa niya. 

"You're engaged." Iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa hitsura palang ay halatang engagement ring na.

Natawa pa siya at hinawi ang buhok. "Mm, nakakagulat nga. Nagproposed si Ash sa'kin last year." NAkangiti niyang kwento at humigop ng kape. Last year pa?

Loving You Since 15Where stories live. Discover now