Chapter 5

12 1 0
                                    

"Kanina ka pa tulala?" 


Napakurap ako ng mata ng biglang magsalita si Mercedes. 


"Ha?" Taka kong tanong. 


"Sabi ko, kanina ka pa tulala. Anong nasa isip mo?" Tanong niya. Ganoon ba ako katagal na naka tulala?


"Sa'kin na nga lang 'yang pagkain mo." Bigla niya namang inagaw ang kinakain ko. Ano bang nangyayari sa'kin?


"May problema ka noh? Hear it out." Tinusok ni Mercedes ang tagiliran ko. Sasabihin ko ba sa kaniya?


"Uh..." Umubo ako at lumapit sa kaniya. 


"Kasi..." Nagkamot pa ako ng ulo at yumuko. 


"Nagulat kasi ako sa sinabi ni Ash kahapon." Sabi ko at huminga ng malalim. 


"Oh, anong meron sa sinabi niya?" Tanong ni Mercedes. Nag-angat naman ako ng ulo at ngumuso sa kaniya. 


"Sabi niya.. Ang ganda ko raw." Nabulunan naman si Mercedes dahil sa sinabi ko dahilan para irapan ko siya. 


"Anong nangyari kahapon?" Ibinaba niya ang kinakain niya at nakipag titigan sa'kin. 


"Nagpapalipad kasi kami ng saranggola kahapon, tapos bigla siyang lumapit sa'kin tapos inayos yung buhok ko tapos sabi niya ang ganda ko na raw ulit dahil inayos niya yung magulo kong buhok." Tuloy tuloy na sabi ko. Napatakip naman siya ng bibig dahil sa sinabi ko. 


"Anong na feel mo?" Tanong ni Mercedes. 


"Syempre para akong nawalan ng hininga! Nagulat ako! Tapos after n'yang sabihin sa'kin 'yon, tinalikuran niya lang ako pabalik saclassroom natin." Sagot ko kay Mercedes. Bigla niya namang kinurot ang pisngi ko at ngumiti. 


"Confirmed! May feelings s'ya sa'yo!" Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Mercedes. Piningot ko siya at muling inirapan. 


"Sira ka ba?Feelings feelings ka d'yan!" Napailing ako at natawa. 


"Wala ka man lang naramdaman na spark sa inyong dalawa?" Tanong niya. Nakaramdam ba ako?


"Or hindi mo lang talaga siya bet?" Natawang tanong ni Mercedes. 


"May iba akong crush." Pagtatapat ko sa kaniya. 


"Sino?" Napakunot ang noo ni Mercedes. 


"Si Dale.." Mahina kong sagot. 


"Gago ka! Yung lower grade?" Natatawa naman akong tumango kay Mercedes. 


"Ang cute niya kasi!" Napangiti naman ako dahil sa sinabi ko. 


"Nako, ingat ka. Masyado maangas yung hitsura niya e, baka paglaruan ka lang sige ka." Tinakot pa ako!

Loving You Since 15Where stories live. Discover now