Chapter 4

10 1 0
                                    

Magdamag akong gising at paikot ikot sa kama dahil sa sinabi ni Ash. Hindi ko alam kung nag iinarte lang ba 'yon o hinaharot lang ako. These days nagiging madrama s'ya!


Sa magdamag na gising ako ay si Dale ang kausap ko. Hindi ko naman akalaing magiging ganon kapalagay ang loob ko sa kaniya dahil ang chill niya lang kausap at pakiramdam ko ay hindi ako nahihiya. Kahit kwento ako ng kwento ay parang ayos lang talaga. Not bad na rin na nakausap ko siya dahil masaya naman siyang kausap.


Pagpasok ko kinabukasan ay sinalubong kaagad ako ng nakasimangot na Ash. Ano bang problema nito? Ang aga aga parang nascam dahil sa hitsura niya. 


"Hoy, aga aga bakit naka simangot ka?" Pagtawag ko sa kaniya mula sa kaniyang upuan. Tumayo naman siya saka umirap sa'kin! Ay wow, attitude 'yan?


"Probelama n'ya?" Natatawang bulong ko. 


Naisipan kong mag cr para makapag salamin kaya dali dali akong bumaba sa hagdan, sakto namang labas ni Dale mula sa cr ng boys. Magkatabi kasi ang cr ng girls and boys.


"Hi ate Camilla" Bati niya sa'kin. Ngumiti nalang ako sa kaniya saka tuloy tuloy na pumasok sa cr ng girls. 


I looked myself in the mirror. Ang sabog ko pala! Hayop, kakapasok ko lang sabog na kaagad ako! 


Inayos kong saglit ang buhok ko saka muliong lumabas sa cr. Aakyat na sana ako nang napansin ko  na nasa hagdan si Dale nakaupo kasama ang mga tropa niya. 


"Kaya pala ayaw mo pang bumalik sa room natin dahil may hinihintay." Pang-aasar ng mga tropa niya. 


Napailing nalang ako saka nagsimulang naglakad paakayat. Napatigil lang ako nang bigla siyang humarang sa harapan ko. Nasa mas mataas na step siya. 


"Magulo" Nanlaki ang mata ko ng iabot niya ang kamay niya sa ulo ko at inayos ang buhok ko. What the heck...


Naramdaman ko naman ang agkabog ng dibdib ko dahilan para mapalunok ako. 



"Sheeesssh!" Dinig kong sigaw ng mga tropa niya. 


"Tabi" Napa-ayos naman ako ng tayo at lumayo kay Dale ng biglang sumulpot si Ash paakyat. 


"Grabe na talaga sa Earth, dami nang nakaharang pati sa daanan." Napapailing niyang sabi. 


Hindi ko nagets ang sinabi niya. Pero, alam kong kami ang tinutukoy niya sa sinabi niyang nakaharang. 


"Ah, sorry. Inayos ko lang yung buhok mo, ate Camilla." Napalunok ako ng biglang magsalita si Dale. Tumango nalang ako sa kaniya saka nagmadaling umakyat pabalik sa classroom ko. 


Naabutan ko naman si Ash na kasama ang mga kaklase naming lalaki. 


Loving You Since 15Where stories live. Discover now