Chapter 9

6 0 0
                                    

Sino ba namang mag-aakala na may lalaki pa palang hindi tumitingin sa basta maganda. Hindi ko rin akalain na ganoon ang sasabihin ni Ash. Sa totoo lang, natuwa ako sa mga sinabi niya. Pero, hindi ko pa rin maiwasang isipin ang tunay na intensyon niya. Ino-overthink ko pa rin lahat ng mga sinabi niya. NAtatakot na kasi akong.... masaktan ulit. 

Sa edad kong 'to, alam kong ito, alam kong hindi pa dapat ako nasasaktan ng ganito dahil ang sasabihin lang naman ng iba ay masyado pa nga akong bata at hindi pa dapat seryosohin ang mga ganitong bagay. Pero paano? Paano mo masasabi na totoong pagmamahal na yung nararamadaman mo? Paano mo maipapaliwanag sa lahat yung sakit na nararamdaman mo sa tuwing iniiyakan mo yung lalaking gustong gusto mo o mahal na mahal mo?

Hindi ko maiwasang mag-isip ng ganiyan.

Ano nga ba dapat kong asahan sa edad kong ito? Fifteen. TEEN. Teenager ako. Teenager palang ako. 

Normal na magkagusto sa edad ko. Sino ba naman kasing hindi magkakaroon ng crush o natitipuhan sa ganitong edad? Pero pwede ring mali ang pagkakaintindi ng iba sa INFATUATION at inaakalang ito ay love. Gaya nalang ng, kunyari, nagustuhan mo ang laruang binigay sa'yo, at  mahal mo ang sports mo. 

KUng ang pinagkaiba ng infatuation sa love ang pag-uusapan.. Malamang ay infatuation lang ang pwede kong maramdaman kay Ash. DAhil ang infatuation ay naa-attract ka lang sa taong 'yon o nakaramdam ka ng matinding connection. Dahil kung love man ang mararamdaman ko,ibig sabihin niyon ay kahit na sa better or worst niya... mahal ko pa rin siya. MAgkaibang-magkaiba. 

"Eh, ano pa bang gusto mong patunayan ni Ash? Umamin na pala siya sa'yo." Tanong ni Cheonsa. Ngayon ko nalang ulit siya nahagip kaya susulitin ko nang kasama ko siya. Tutal ay absent naman si Aleina, makakasama ko si Cheonsa. 

"Alam mo? Hindi ko rin alam. Parang hindi kasi kapani-paniwala na umamin siya at ganoon ang mga sinabi niya. PAkiramdam ko ay niloloko niya lang ako sa mga sinasabi niya." Sabi ko habang nakayuko at pinapatunog ang mga daliri ko sa kamay. 

"Sira ka talaga. TAwagin ko nga siya." Magsasalita pa sana ako para tumanggi pero nakatayo na si Cheonsa at lumapit kay Ash. 

Pinanood ko silang dalawa na maglakad pabalik sa pwesto ni Cheonsa kung saan ako nakaupo.

"Oh ayan na si Ash tangina n'yo ang dami ninyong problema." Hayan na naman si Cheonsa sa palagiang mura niya! 

Automatiko akong napaupo ng maayos nang biglang umupo si Ash sa tabing upuan ko. 

"Bakit?" Tanong ni Ash habang nakatingin kay Cheonsa habang pinapaikot ang panyo niya.

"Itong bebe mo ewan ko ba ang daming problema tinatanong ako bakit gusto mo siya." PAsimple naman akong natawa dahil sa sinabi ni Cheonsa. 

Pakiramdam ko ay lahat ng hiya ay sumanib na sa'kin! Ang lakas lakas pa ng pagkakasabi ni Cheonsa! Sana ay hindi narinig ng mga kaklase namin.

"Bakit?" Natatawang tanong pa rin ni Ash. Wala na ba 'tong ibang masabi kung hindi 'bakit' nalang palagi?

"Tanga mo naman hayop." Hayan na naman ang bunganga ni Cheonsa.


Napailing nalang ako at tumayo. Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Ash ang braso ko. Automatiko naman akong napahinto at napatitig sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.


"Gulo n'yo." Reklamo ni Cheonsa saka tumayo para sagiin ako. Aksidente namang na out of balance ako at napaupo sa lap ni Ash.

Nanlaki ang mata ko sa nangyari kaya kaagad akong tumayo at tinulak si Ash dahilan para mahulog siya sa upuan niya!


Loving You Since 15Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt