Chapter 17

5 0 0
                                    


"Nasisid na ba?" 


Halos mapakurap ako ng ilang beses dahil sa pagsulpot ni Jihan. Hindi ko rin alam na andito pala s'ya. Nang dumating ako kagabi ay tulog na ang mga kaibigan ko. 


Tinitigan kong mabuti si Jihan at napansing naka pajamas pa s'ya. Dito pala siya natulog? 


"Sa sobrang lalim ng iniisip mo feeling ko may nasisid ka na." Natawa ito at inabutan ako ng iniinom niyang beer. Napapadalas yata ang pag beer niya?


"Napagod lang ako sa lakas ko kagabi. May pasok na ako mamaya kaya nirerelax ko lang sarili ko." Ngumiti ako sa kaniya at ibinaba ang beer na inabot niya kanina.


"Sinabi nga nila sa'kin kung saan ka nagpunta." Hindi ko siya nilingon at nanatili lang ang paningin sa labas ng bahay. Kasalukuyan kaming nakatambay sa balcon.


"Paano mo nagagawa 'yan?" Doon ay napatingin na ako kay Jihan. "He's your ex. Sinaktan ka niya. Pero bakit sumama ka pa rin sa kaniya kagabi?" 


Ngumiti ako nang tipid kay Jihan. "Hindi ko rin alam. Siguro ginawa ko na rin 'yon para magkaroon kami ng closure." 


"Nag sorry ba s'ya sa'yo? Ipinaliwanag n'ya ba sa'yo yung reason kung bakit ka niya sinaktan?" Umiling ako sa tanong ni Jihan. 


"Birthday ko nga pala bukas baka nakalimutan mo." Pagpapaalala ni Jihan. "Ramdam na ramdam ko ang december cold nights ngayong birthday ko." Napapailing siyang iniwan ako pabalik sa taas. 


Nakarating na ako lahat-lahat sa trabaho pero ang isip ko ay nasa nangyari pa rin kagabi. Ash stole my first kiss! Sinong hindi makaka move on kapag first kiss na ang pinag-uusapan? Gusto ko pa na magpaliwanag siya kagabi, pero hindi ko alam kung bakit gusto ko na kaagad na makalayo sa kaniya. Dahil siguro iyon ang tama? Nararamdaman kong iyon ang tamang gawin. 


"Anong ireregalo mo kay Jihan?" Bigla ay narinig ko ang boses ni Mercedes na nasa tabi ko na. "Doon daw ang venue sa club sa baba ng condo building ni Jihan. Feeling ko tuloy bongga ang birthday niya! Nag-invite rin daw siya ng ilang mga friends niyang abogado. Bawal tayo magloko bukas, maraming abogado sa paligid natin!" Natatawang sabi ni Mercedes. 


"Out ko naman bukas ng after lunch. Makakadaan pa ako sa mall para bumili ng regalo sa kaniya. Siguro perfume nalang." Tinanguan ako ni Mercedes bago muling bumalik sa kaniyang station. 


"Camilla?" Napalingon naman ako sa boses ng tumawag sa'kin. 


"Geoff! Anong ginagawa mo dito?" Bumeso ako kay Geoff at binigyan siya ng ngiti. 


"Dadalhan ko ng pagkain si Cassandra. Alam mo ba kung nasaan yung lab?" Nalipat naman ang paningin ko sa paper bag na bitbit niya. 


"Sus! Ayon oh, dire-diretso ka lang na lumakad doon tapos turn right. Makikita mo sa unang pinto ng left side mo, nakalagay Laboratory." Tinapik ko ang balikat niya bago tinulak paalis. 

Loving You Since 15Where stories live. Discover now