Chapter 19

5 0 0
                                    

Read at your own risk. 



"Why did you do that, Camilla?" 


Kasalukuyan kaming nakaupo ni Ayson sa likod ng sasakyan niya at nakatanaw sa city lights. Patuloy ko lang din na pinupunasan ang mga luha kong hindi na matapos sa kakapatak. 


"I was so excited to come home dahil makikita na ulit kita. Makakasama na kitang magpasko." Hindi ko magawang tignan si Ayson. Nahihiya ako.. 


"Anong nangyari, Camilla? Where did we go wrong? Maayos tayo noong umalis ako. Pero bumalik ako na parang may mali na at hindi ko man lang alam kung anong problema." Dinig na dinig ko ang pagkabasag ng boses niya at ang pag inom niya ng alak. Tinignan ko si Ayson at pinunasan ang mga luha niya.


"Hindi ko alam kung siya pa rin ang mahal mo, Camilla. Nalaman kong dine-deny mo ako kapag may nagtatanong sa'yo kung may boyfriend ka na. Bakit ganon? Ano ba ako sa'yo, Camilla? Tatlong taon na tayo, Camilla.." Napayuko si Ayson at humagulgol. Doon ay lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. 


"Nung umalis ka... hindi totoong ayos lang sa'kin." Sa wakas ay nagsalita na ako. "Gusto kong mag stay ka, pero hindi ko pwedeng hayaan na ako yung maging rason para hindi mo matupad ang mga pangarap mo, Ayson." Ngumiti ako at pinagmasdan ang city lights. 


"Handa akong i-give up lahat, Camilla.. makasama ka lang." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin. Dahan-dahan naman akong kumalas sa pagkakayakap niya at tinignan siya nang diretso.


Hinawakan ko ang mga kamay ni Ayson. "I'm not worth the risk, Ayson.." 


"You are more than what you think, Camilla. So please tell me... mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam pero sa tanong na iyon ni Ayson ay bigla akong napabitaw. Gusto kong sabihin na hindi na.. Pero bakit ba yung nararamdaman ko? I saw him nod. 


"Alam ko na ang sagot." Halata sa mga ngiti niya ang sakit at ang pilit na ngiti. "All these years alam ko naman na you never unloved him. Kahit ano yatang gawin ko, hindi mo s'ya makakalimutan." Napaitlag ako dahil sa biglang pagbaba niya ng kotse at tumayo sa harapan ko. 


"Thank you for everything, Camilla. I'll wait, don't worry. I'm just one call away." Ginulo niya ang buhok ko. Bumaba rin ako at niyakap siya ng mahigpit. 


"Thank you, Ayson.. Thank you.." 



Nang maihatid ako ni Ayson sa bahay ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Pero hindi pa rin maaalis sa'kin na naaawa ako kay Ayson at natatangahan ako sa sarili ko. Paano ko nagawang iwan at talikuran ang taong naksama ko sa ilang taon at nagmahal sa'kin ng totoo?


"I hope you're worth the rish, Ash." Wala sa sariling bulong ko. 



Kinabukasan ay hindi ko inaasahang pupunta si Ash sa party ni Juan Arceo. Tanaw na tanaw ko si Mercedes na parang naiilang na nakaupo sa gitna. Hindi ko rin alam kung para saan ang party na ito. Basta ang sinabi sa'kin ay celebration lang. 

Loving You Since 15Where stories live. Discover now