Chapter 13

4 0 0
                                    


"Uy sira ka, isang linggo na kayong hindi nagpapansinan ni Ash. Anong nangyare?" 


Automatiko akong napalingon sa gawi ni Ash kung saan kasama niya ang mga kaibigan niya sa kabilang classroom na nagtatawanan. Tumatawa s'ya. Masaya s'ya. Pero paano? Paano mo nagagawang ngumiti at tumawa? 


Pilit ang ngiti kong humarap kay Mercedes. "Ayos naman kami. Sa message kami nag uusap." Pagsisinungaling ko. 


"Shala, ano 'yan lowkey type na kayo ngayon? Classmates in public, lovers in private? Shala!" Napapailing na sabi ni Mercedes. 


Palihim akong tumingin muli kay Ash na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa cellphone niya. Pinagmasdan ko rin ang mga kaibigan niya na sobrang lapad ng ngiti habang nakatuon sa cellphone ni Ash. 


"What if may iba na s'ya?" Agad akong nagbalik ng tingin kay Mercedes. "Hindi naman sa pinag ooverthink kita, medyo lang. What if lang naman." Natawa siya saka iniwan akong mag-isa sa corridor. 


Nang muli kong ibaling ang paningin ko kay Ash ay halos lumuwa ang mata ko nang maabutan siyang nakatingin na sa'kin. Hindi ko maipaliwanag kung anong reaksyon niya. Halo-halo. Pero isa lang ang nasisiguro ko... 


Hindi siya natutuwa. 



"Uy ano? Punta tayo kila Geoff bukas?" Pagyaya ni Cassandra sa'min ni Cheonsa. Si Geoff ang isa sa mga kaibigan ni Ash na matagal na ring kaibigan ni Cas. 


"Sige, putangina anong oras tayo pupunta bukas?" Tanong ni Cheonsa. 


"Hmm, ayaw kong magsabi ng oras. Lagi kang late e." Hindi ko naman napigilang matawa sa sinabi ni Cassandra. Totoong laging late si Cheonsa, minsan lang yata 'to maaga. 


"Tangina mo talaga, Cas." 



Kinabukasan, tulad ng inaasahan ko ay naroon din si Ash kila Geoff kasama ng iba niyang mga kaibigan. Pero dahil magkakasamakami nila Cheonsa at Cassandra dito sa kwarto ni Geoff ay hindi makapasok ang mga kaibigan ni Geoff dito.


"Uy mag-usap na kaya kayo?" Bulong ni Cassandra na ang paningin ay nakay Andrei. Tss. 


"Oo nga, Camilla. Parang sira kase itong si Ash." Napapakamot pang ulo na sabi ni Cheonsa.


"Geoff, tawagin mo nga si Ash mag-usap sila." Pag-utos ni Cassandra kay Geoff na kaagad naman nitong sinunod. Maya-maya pa ay pumasok ng kwarto si Ash.


"Mag-usap kayo." Pinandilatan ako ni Cheonsa ng mata bago sila sabay sabay na lumabas ng kwarto at iniwan kami ni Ash. 


Nasa magkabilang dulo kami nakaupo, hindi nag-uusap, hindi nagtitinginan. Nasa cellphone n'ya lang ang atensyon niya. Parang multo ako na hindi niya makita dahil hindi bukas ang third eye niya. 

Loving You Since 15Where stories live. Discover now