Chapter 11

4 0 0
                                    


"Nasaan na si Ash?"

Inip na tanong ni Cheonsa. Kasalukuyan naming hinihintay si Ash sa labas ng simbahan.


"Andito na." Sabay kaming napalingon ni Cheonsa sa nagsalita mula sa likuran namin.


"Putangina mo talaga Ash napaka tagal mo naman pre anong oras na oh magpapasko na." Napailing ako sa sinabi ni Cheonsa bago lumapit kay Ash na natatawa pa.

"Pasok na tayo?" Pagyaya ko. Sabay-sabay kaming umupo malapit sa choir kung nasaan si Cassandra.

Iginala ko ang mata ko nang mapansing walang kasama si Ash. "Hindi nakasama si Andrei?" Tanong ko.


"Ayaw n'ya." Dahan-dahan akong tumango kay Ash at muling tinanaw si Cassandra na kasalukuyang kumakaway na sa'min at halatang may hinahanap.


Kawawang Cassandra.


Inilabas ko ang cellphone ko dahil konti palang naman ang tao at mabilis lang naman. "Picture tayo." Bulong ko kay Ash at pinindot ang camera ng cellphone ko. Selfie.

"Ang haba na pala ng buhok ko." Sabi niya saka sinuklay pa likod ang buhok n'ya gamit ang kaniyang kamay. Pogi.

"Ayos lang, bagay mo naman." Ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin bago tumingin sa cellphone n'ya.

"Bakit hindi mo nayaya si Andrei?" Tanong ko. Para may mapag-usapan kami. Nakakapanibagong hindi ako gaano kinakausap ni Ash.

"Tinatamad daw s'ya, baka mag grind 'yon." Sagot ni Ash nang hindi man lang tumitingin sa'kin. Pasimple nalang akong tumango at tinuon na ang atensyon sa buong misa. 


Nang matapos ang misa ay kaagad na rin kaming lumabas ng simbahan at nagtungo sa pinaka malapit na convinience store para samahan si Ash na hintayin ang papa niya. Medyo kabado dahil ito ang first time na makikita ko ang papa niya, at baka kung ano ang sabihin niya. 


"Gagi picture nga kayo." Pagpapasimuno ni Cheonsa. Hindi ko alam pero lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niyang iyon.


"Magpaliit ka nga konti." Natatawang bulong ko kay Ash. Sobrang layo ng pagitan ng height naming dalawa. 


"Sana all puta." Lumapit sa'min si Cheonsa at ipinakita ang picture namin ni Ash. 


Napangiti ako nang makita ang litrato namin ni Ash. Sabi na at magmumukha akong kapatid niya dahil sa sobrang tangkad niya! Hanggang balikat n'ya lang ako!


"Hoy ano 'yan patingin!" Biglang sulpot ni May. Nagsimba rin pala siya?


"Hala mga gago kayo sana all." Naiiyak na sabi ni May nang makita ang picture namin ni Ash.


Nalipat naman ang paningin ko kay Ash na nakatuon ang atensyon sa kaniyang cellphone. Hindi kayo ito naboboring?


"Ayos ka lang?" Tanong ko. 


"Oo, tagal ni papa." Medyo nasaktan ang sinagot niyang iyon. Siguro ay ayaw niya akong makasama pa ng matagal. 


"Ayan na yata." Pagtuturo ko sa paparating na kotse. Ibinulsa niya naman ang cellphone niya at tinanaw din ang tinitignan ko. 

Loving You Since 15Where stories live. Discover now