Chapter 6

9 0 0
                                    


"Broken ka, ano?" Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ang boses ni Ash mula sa tabi ko. Ano na naman bang ginagawa nito dito?


"Chismoso ka, ano?" Tanong ko sa kaniya pabalik. 


Isang linggo na ang nakararaan magmula noong kinompronta ko si Dale. Pakiramdamko hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari. Parang wala pa ring glow up, grow up at character development na nagyayari sa'kin! HIndi naman kasi mawala sa isip ko yung mokong na 'yon.


Ginayuma mo ako!


"Ano? Broken ka nga?" Pag-uulit na tanong ni Ash. Bakit ba gusto niyang malaman? Aasarin lang ako nito e. 


"Ikaw kasi e, masyado kang nagtiwala sa mas bata sa'yo. Akalain mo 'yon? MAs bata sa'yo iniiyakan mo." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. 


"May age limit na ba ngayon kung hanggang anong age mo lang pwedeng iyakan ang isang tao?" Sarcastic kong tanong. Umakto pang nag-iisip ang loko!


"Wala naman. Pero yung batang loko-loko na 'yon iiyakan mo? Wala kang taste sa mga lalaki." Napanganga naman ako sa sinabi ni Ash.


"Siguro nga wala akong taste." Tumango nalang ako at napabuntong hininga sa mismng isinagot sa kaniya.


"Ano bang type mo sa mga lalaki?" Tanong niya. Tinignan ko naman siya ng masama at nag-isip. 


Ano nga bang type ko sa lalaki? Basta pogi! Charot.


"Yung mabait, tapos funny." Nag-iisip kong sagot.


"Kaya ka umiiyak e! Sino ba namang tanga na gusto sa lalaki ay mabait at funny?" Natatawa niyang sabi. Tumayo naman ako at umupo sa lamesa bago muling humarap sa kaniyang naka upo sa upuan.


"Grabe! Ano ba dapat hanapin ko sa lalaki?" Seryosong tanong ko. Ngumiti siya at tumayo. 


"Maghahanap ka pa, eh andito na nga ako sa harapan mo.." 


Para akong nabingi sa sinabi niya. Nanatili lang akong nakatitig sa singkit niyang mga mata na sobrang seryoso ngayon. 


"Hoy, masyado mo naman akong tinititigan. Crush mo ba ako?" Napakurap naman ako dahil sa tanong niya at kaagad na nag-iwas ng tingin.


"Feeling!" Tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng classroom at pababa ng hagdan.


Maglalakad na sana ako papuntang banyo nang biglang sumulpot si Dale sa harapan ko na mukhang masaya naman. 


"Balik ka na raw Ate Camilla." Panunukso ng tropa niya. Ngumisi lang ako at dinaanan lang sila na parang hindi ko kakilala at pumasok na sa loob ng banyo. 


Natatawa akong pumasok sa isang cubicle at inilabas ang cellphone para magsalamin. Sa mismong bathroom mirror sana ako magsasalamin, pero pakiramdam ko nasa labas pa rin sila Dale at nakakahiya naman kung panuorin pa nila akong nagsasalamin.

Loving You Since 15Where stories live. Discover now