Chapter 10

5 0 0
                                    


"Camilla." Napalingon ako sa likod ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Ash." Pag tawag ko sa pangalan niya. Pinanood ko siyang tumakbo papalapit sa'kin.

"Tara, sabay na tayo." Hingal niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko at natawa.

" 'Wag mo sabihing bumaba ka sa sasakyan ninyo para sabayan akong maglakad papasok?" Natatawang tanong ko. Tumango naman siya.


"Sa susunod 'wag mo nang gagawin 'yon. Pwede namang hintayin mo nalang ako sa gate, o sa classroom." Sabi ko habang nagsimula nang maglakad.

Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niyang kunin ang bag ko. "Ako na." Ngumiti siya sa'kin bago inilagay ang bag ko sa harapan niya.

"Alam mo? Ang weird mo." Natatawang sabi ko.

"Naglalakad ka lang 'pag papasok ka?" Tanong ni Ash. Malapit na kami sa gate ng school namin. At nagsisimula na rin kaming pagtinginan ng mga kaklase naming dumarating.

"Oo, exercise rin sa umaga." Sagot ko at ngumiti sa guard ng school pagpasok namin ng gate.

Nakayuko kong itinap ang id ko sa machine ng school namin at hinintay si Ash na matapos ding mag tap.

Tumingala ako para tanawin ang iba Kong kaklase na nasa corridor ng classroom namin sa taas na tinuturo kaming dalawa ni Ash. Pakiramdam ko tuloy ay namula ako!

"Tara." Yaya niya. Tumango lang ako at sumunod sa kaniyang maglakad.

Kahit na gusto kong kunin ang bag ko ay hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa'kin. Siguro dahil gusto ko rin na s'ya ang magbuhat.

Natanaw ko naman si Dale na makakasalubong namin kaya kaagad akong kumapit sa braso ni Ash. Nagkatinginan pa kaming dalawa at halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Baka mareport tayo, sabihin PDA." Yumuko si Ash para ibulong sa tenga ko ang sinabi niya. Pasimple ko naman siyang kinurot sa braso niya. Sakto namang nakalagpas na kami kay Dale.


Nang makarating kami sa classroom namin ay sinalubong kaagad kami ng mga usyuserang mga kaklase namin. Napapailing nalang akong kinuha ang bag ko kay Ash at inilagay ito sa upuan.


Mabilis akong kumilos at lumapit sa pwesto nila Marie, Mercedes at May. Ang triple M ng circle ko.


"Ano 'yon Camilla ha." Bungad sa'kin ni Marie pagkalapit na pagkalapit ko.


Natawa naman ako saka kumandong kay Mercedes. "Wala 'yon, Marie! 'Wag mo nang ioverthink." Pang-aasar ko sa kaniya.


"May something na sainyo, ano?" Bulong ni Mercedes.


"Malamang meron na 'yan, 'te!" Singit naman ni May dahilan para mapatawa ako.


"Mga gago wala! Sakto lang na nakasabay ko siyang pumasok." Pagdepensa ko.


"Nakasabay daw pero may pagbitbit ng bag?" Boses iyon ni Caden na nasa likod namin. Chismoso talaga kahit kailan!


"Umalis ka nga aga-aga!" Pagtataboy sa kaniya ni May.


"Iyong dambuhala na 'yon talaga chismosa." Natatawang sabi ni Marie.


"Yung sa bag, sabi niya siya na raw magbitbit e. Edi syempre para hindi ako mahirapan, siya nalang magbitbit. Ginusto n'ya 'yan e." Muli Kong pagdepensa.


"Eh, kailan mo ba kasi sasagutin?" Tanong ni Mercedes.


Kailan nga ba? Kakasimula niya palang naman manligaw.


Loving You Since 15Where stories live. Discover now