Chapter 1

15 1 0
                                    

Today is the day! Grade eight na ako. Sabi nila, sa grade na ito mo mararanasan ang hirap nang isang junior high school. Pero, para sa'kin? Walang grade level ang masasabi kung saan ang pinaka mahirap o pinaka madali. Pare-pareho lang naman na mahihirapan pero kakayanin at kinakaya.


Kasalukuyan kaming naka tayo sa may hallway para panuorin ang mga members ng dance troupe ng school namin. Sila ang mga nagsasayaw tuwing mayroong program sa school, pero hindi katulad nang sayaw na hiphop, at kpop. Mga sayaw na tugtog ay pang simbahang kanta Since ang school namin ay isang Catholic school.



Pinanood naming lahat ang pagsayaw ng dance troupe at ang doxology ng mga ate sa high grades.



"Calling all the students to please fall in line according to your grade level for the flag ceremony." Anunsyo ng isang teacher sa stage.



Gaya nga nang sinabi ay nagkagulo lahat ng mga estudyante papunta sa kaniya kaniyang pila.  Pumwesto ako sa may harapan dahil by height. Hindi ko naman siguro kasalanang hindi pa ako ganoong ka tangkad?



Nagsimula ang pag-awit nang Lupang Hinirang ang pagpapanatang makabayan. Kasunod ay ang school hymn namin at ang hymn ng bayan namin. Bago kami tuluyang makapasok sa mga classrooms ay nagbigay muna ng speech ang madre naming principal.



"Enjoy your back to school, students!" Masayang bati ni Principal bago kami pinapasok sa mga classrooms.



Nang makarating sa tapat ng room sa second floor ay pinapili kaming muli ni Sir Jom para ianunsyo ang seating arrangement.



"Camilla, Pauleen" Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ang pangalan ko. Kaagad naman akong pumasok sa classroom at umupo sa iturong pwesto namin ni Pauleen. Sa harap na harap pa talaga! At buti nalang ay sa mismong pintuan ako Naka pwesto.




"Mercedes, May, Marie" Sabay-sabay namang pumasok ang mga kaibigan ko at nagtuloy tuloy na nagtungo sa pinakalikod. Ang layo naman nila.




"Jihan, Axl, Ven" Kumaway naman sa'kin si Jihan pagkapasok niya sa room. Sa likod din siya Naka pwesto, sa harapan nila Mercedes.




"Kyline, Gaile, Cassandra" Gulat na gulat naman ang hitsura ni Cassandra nang makapasok sa classroom. Binigyan ko lang siya nang ngiti.




"Cheonsa, Aleina" Napailing naman ako nang marinig ang mga pangalang sinabi ni Sir Jom. Magkatabi na naman 'tong dalawang 'to! Hindi na mapaghiwalay.



"Ash, Allys, Lyka" Sunod na anunsyo ni Sir Jom. Pinagmasdan ko naman ang tatlo na pumwesto rin sa pinaka harap, sa mismong gitna sa harapan.




"Caden, Rhoyde." Nginitian ko lang Si Rhoyde, dahil pinsan ko siya!




"Kemp, Marc"




"Shean, Angela"




Pinagpatuloy ni Sir Jom ang Pagtawag sa iba naming mga kaklase. Inip na inip naman akong nakatunganga habang nilalaro ang ballpen sa kamay.



"Goodmorning, class." Pag bati ni Sir Jom sa amin.



"Goodmorning, Sir Jom" Sabay-sabay naman naming sagot. Ngayon palang namin magiging adviser si Sir Jom, naging subject teacher lang namin siya noon last year sa science. AMabait at bibo si Sir, kaya nakaka excite na siya ang adviser namin.



Loving You Since 15Where stories live. Discover now