Chapter 2

16 1 0
                                    

"Ayusin n'yo pila ninyo." Rinig kong paalala ni Sir Jom sa mga kaklase kong lalaki habang naglalakad para icheck kami.

 

Nakuha naman ng atensyon ko ang lalaking nasa stage na mag re-recite ng Panunumpa ng katapatan sa watapat nang Pilipinas.

 

Hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya. Napaka ganda ng ngiti niya. I wonder what grade he is. Hindi siya ganoon ka tangkad, pero nakakaagaw atensyon ang appeal niya.

 


"Sinong tinitignan mo?" Rinig kong bulong mula sa likuran ko.

 


"Yung lalaki doon sa stage, yun oh yung medyo makapal yung buhok." Pasimple kong tinuro ang lalaking kanina ko pa pinagmamasdan.

 


"Ah, si Kuya Flor. Ikaw ha." Hinarap ko ang bumubulong sa'kin mula sa likod. Napailing nalang ako at muling pinakatitigan si Kuya Flor.

 


"Grade ten siya. Magaling sumayaw 'yan." Hindi ko pinansin ang kaklase ko at nanatili pa rin ang tingin kay Kuya Flor.




Nang makapasok sa classroom ay kaagad akong lumapit kay Mercedes.

 


"May crush na ako." Nakangiti kong sabi kay Cedes.

 


"Wew, sino?" Nagtataka naman niyang tanong.

 


"Si Kuya Flor." Confident kong sagot. Naalala ko na naman ang mukha niya, grabe! Lakas nang dating!

 


"Ay shala mo naman beh." Singit ni Marie. "Magaling sumayaw 'yon." Lumapad naman ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon.

 


"Dancer pala ang nais." Natatawang sabi naman ni Mercedes.

 


"Slight lang!" Kinikilig kong sagot sa kanila.

 


"Hindi na ako  magugulat kung sa susunod na linggo nahulog na 'yan si Camilla." Napapailing na sabi naman ni Marie.

 


"Grabe naman kayo! Hindi naman isang linggo..." Ngumiti ako ng malapad. "Mga tatlong araw lang" Piningot naman ako ni Mercedes dahilan Para matawa ako.



Honestly, sa edad kong ito, normal lang naman na magka crush ako lalo na sa higher grade. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Kuya Flor? He's damn attractive and talented. Sa sobrang galing niyang sumayaw, maglalaway ka nalang talaga sa panonood. 



"Hoy,natulala ka na!" Halos mapatalon namanako sa pagkagulat nang sumigaw si Mercedes at hampasin ako sa braso. 



"Baka pinapantasya na si Kuya Flor" Natatawang sabi naman ni Marie. 



"Sira talaga kayo. D'yannalang nga kayo!" Umirap ako sa kanila saka bumalik sa upuan ko. 

Loving You Since 15Where stories live. Discover now