Chapter 15

3 0 0
                                    


"Goodmorning." Pagbati ko kay Mercedes na nagkakape sa kusina. 


Anong oras na ako nakatulog pero sobrang aga kong nagising. Kailangan ko pang matulog lalo na't may duty pa ako mamaya. 


"Oh, kape." Inabutan ako ni Mercedes ng kape bago muling sumubo ng kinakain niyang fried rice. 


"Alis muna ako." Sabay kaming napalingon kay Cassandra na bihis na bihis na. 


"Sama ako." Sabi ko at ibinaba ang kapeng ibinigay sa'kin ni Cassandra. Nalipat naman ang paningin ko kay Cheonsa na kakagising lang.


"Huwag ka nang sumama. Bibili lang naman ako ng maleta." Sabi niya at dumiretso sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.


"Matulog ka nalang, Camilla. Kulang ka sa tulog." Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na umupo sa dining table. 


"Ingat ka, Cas." Pagpapaalala ni Cedes. 


Nang magising si May ay sabay sabay na kaming kumain. Hindi namin alam kung kumain na si Cas dahil umalis na kaagad. May date 'yon malamang. 


"Nabalitaan ko na hinatid ka ni Ash kagabi ah." Hindi ko natuloy ang pagsubo ko ng friedrice dahil sa sinabi ni Cedes. Masama akong tumingin kay May at kaagad naman niyang itinaas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko. 


"Not me! Kakagising ko lang!" Pagdepensa niya. Inilipat ko naman kay Cheonsa ang paningin ko na napapailing na ngayon. 


"Pagkarating ko kagabi natulog na ako, puta wala akong alam d'yan." Napapikit ako nang maalalang maagang nagising si Cassandra.


"Ang daldal pa rin talaga ni Cassandra kahit kailan!" Nabitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at tumingin kay Mercedes na pinagtataasan na ako ng kilay ngayon.


Wala na akong nagawa kung hindi ang ikwento kay Cheonsa at Mercedes ang nangyari. Si Cheonsa ay hindi naniniwala na anak ni Ash ang batang kasama niya. Si Mercedes naman ay naniniwala. 


"Grabe noh? Kasal na s'ya tapos ikaw wala pa ring jowa." Sinamaan ko ng tingin si Cheonsa at nag peace sign naman siya. 


"Sana ay iyon na ang una at huli naming pagkikita. Ayaw ko nang magulo ang buhay ko." Makahulugan kong sabi at muling kumain. Buti nalang at nanahimik na sila. 


Ayaw ko nang makipag kita o makita si Ash. Naaalala ko lang ang breakdowns na naranasan ko habang nagmo- move on sa kaniya. 


Muli akong bumalik sa kwarto namin ni Mercedes pagkatapos kumain at nahiga. Muli kong kinuha ang cellphone ko at pinakatitigan ang text message ni Ash sa'kin kagabi. 


"Sinong tanga ang papayag na makipag kita sa ex niya?" Bulong ko at ibinaba ang cellphone ko sa side table ko saka pumikit. 


"Not me. Never again." 



Loving You Since 15Where stories live. Discover now