Chapter 3

11 1 0
                                    

I woke up early and did my morning routines. Maski si mama ay nahiwagaan na ang aga ko raw nagising. Ang usual time kasi ng gising ko ay six oclock, pero himalang nagising ako ngayong five thirty.


I checked my phone and sat on the couch. I was surprised that Ash messaged me. Nakita ko naman ang oras na nagmessage siya.


"Nakatulog na siguro ako." Natatawang bulong ko sa sarili at sineen nalang siya.


Nang lumipas ang oras ay nagpaalam na rin ako kay mama na papasok na. It's already six thirty. Maaga talaga akong pumapasok. Siguro dahil I love morning walks na rin.


"Sarado pa gate?" Natatawang bungad na tanong ko sa mga kaklase ko. May gate kasi ang hagdan namin papuntang rooms.


"Maaga pa kasi." Inaantok na sagot ng kaklase ko. Sumunod naman na dumating si Jernah, Leslie at Cassandra. My friends.


"Ano ba 'yan sarado pa." Inaantok na reklamo ni Cas. ang coping mechanism niya ay magreklamo.


Sabay-sabay naming inalagay ang mga bag namin sa mahabang lamesa sa may hagdan. Napansin ko naman na bukas na ang canteen kaya nagpaalam ako sa kanila.


"Ante, isa nga pong C2" Pagtawag ko sa tao sa canteen. Maagang C2 it is! Napansin ko naman ang bagong lutong fried rice na inilalagay nila sa cup. Mukhang masarap!


"Ante isa nga pong fried rice." Dugtong ko at iniabot ang bayad.


Nakangiti na naman akong bumalik sa mga kaklase ko habang kinakain ang binili ko.


"Bukas na gate, tara na." Yaya sa'kin nila Leslie. Kaagad ko namang kinuha ang bag ko at nagmadaling umakyat papuntang room para makaka kain na ako ng maayos.


PInagmasdan ko ang mga kaklase ko saka muling kinain ang binili kong fried rice. Kahit na puro magjojowa ang mga nakikitang magsi datingan ay parang hindi ako bad mood ngayon, feeling ko aymay paparating na blessing!


"Goodmorning, Milla." Halos mabilaukan naman ako nang tumambad sa harapan ko si Ash. Natawa naman siya dahil sa naging reaksyon ko.


Hindi blessing ang dumating. Delubyo!


"Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" Sigaw ko sa kaniya. Natigilan naman ako nang maalala na nagmessage pala siya sa'kin.


Tumabi naman ito sa'kin saka sumimangot.


"Hindi mo ako nireplayan kagabi." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Dahan dahan ko namang ibinaba ang kinakain ko saka uminom. Ano ba naman ito?


"N-nakatulog na ako..." Mahina kong sagot ko sa kaniya.


"Ehem ehem" Nalipat naman ang paningn ko sa umubo. Caden.


"Aga n'yo naman lovers." Inirapan ko nalang siya at muling kinain ang kinakaian ko.


"Tangina mo nagseselos ka lang yata eh." Wari ko'y boses iyon ni Aleina. Natawa naman ako dahil doon.


"Tss, 'di ako magseselos sa lalaking 'yan noh.. Ano ka gold?" Mayabang na sabi ni Caden kay Ash. Napatayo naman si Ash at niyakap si Caden. Magsasalita palang ako nang biglang tumili si Jihan.


"Aaahhhhh! Ship omg!" Mas lalo naman akong natawa at muntik pang maibuga ang kinakain ko.


"Mga gago" Napapailing kong sabi at iniwan na sila para pumunta sa corridor.


Loving You Since 15Where stories live. Discover now