Chapter 16

3 0 0
                                    


"Bihis na bihis ka ah." 


Sita ni Cheonsa sa'kin pagkababa ko. Nagtinginan naman sila Mercedes, May at Cassandra sa'kin. Paanong hindi nila ako pagtitinginan? I found myself wearing a light green puff dress. And why? Dahil sa kakulitan ni Ash! Hindi ko rin alam kung paano ako pumayag, at bakit ako pumayag. PAra na rin siguro tigilan niya ako. I swear, last na 'to! 


"Day-off ko, kailangan kong idate ang sarili ko." Pagsisinungaling ko at umupo sa sofa para isuot ang sandals ko. 


"Weh? Idate ba talaga ang sarili o makikipag date?" Natatawang tanong ni May. Umiling ako sa kaniya bago tumayo at humarp sa salamin. Oo! May salamin na nilagay si Cassandra sa salas para raw hindi na siya aakyat sa kwarto niya para lang magsalamin at tignan ang hitsura niya bago umalis. Useful naman.


"Baka may dili---


Pinandilatan ko ng mata si Mercedes bago niya pa matuloy ang hindi dapat na sabihin. Paano niya naisip 'yon samantalang hindi naman ako ganon! 


Nagkatinginan naman kaming bigla nang biglang may pumrenong sasakyan sa labas. Napapikit nalang ako dahil malamang ay si Ash iyon!At lagot ako sa mga babaeng ito! 


"Shala!" Sigaw ni Cheonsa na nakasilip sa bintana. "Gago ka! Si Ash ang kadate!" Natutuwang sabi ni Cheonsa sa mga kaibigan namin. Naramdaman ko naman ang pagbatok sa'kin ni Mercedes kaya kaagad akong napalayo at tumakbo palabas ng bahay at sinarado ang gate. 


"Hoy!" Napahinto ako sa paglalakad nang sumigaw si Cheonsa. Sakto namang nagtama ang paningin namin ni Ash. Napapikit nalang ako ulit nang bigla siyang kumaway at sinalubong ang mga lokaret. 


"Uy! Kumusta!" Batian nila. Dahan-dahan naman akong humarap sa kanila at sinamaan sila ng tingin. 


"Sabi ni CAmilla ide-date niya raw ang sarili niya. Iyon naman pala, kadate ang ex." Panunuksong sabi ni Cassandra at kumaway kay Ash.


"Gusto ko pa sana kayong kakwentuhan, kaso bihis na bihis si Camilla. Kailangan na naming umalis." Napasinghap ako sa sinabing iyon ni Ash! Napaka kapal ng mukha! Over-dressed ba ako? 


"Let me." Bulong niya sa'kin saka binuksan ang pintuan ng kotse niya sa harapan. 


"Tss." Inirapan ko siya saka padabog na sumakay sa kotse niya. 


Bago siya sumakay ay kumaway pa siya sa mga kaibigan ko at natatawang iminaneho palayo ang sasakyan niya. 


"Saan ba tayo? Sabi mo 10pm sharp? Anong oras palang oh? Seven palang!" Sigaw ko sa kaniya at pinagkrus ang mga braso.


"Doon tayo sa condo ko." Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya.


"A-ano? Akala ko ba magkakape tayo? At..." Nagbaba ako ng tingin sa damit ko. "Sayang ang outfit ko!" 


Loving You Since 15Where stories live. Discover now