Chapter 3

2.2K 88 0
                                    


Ilang linggo na mag mula ng si Jaid ang nag handle ng kompanya nila. At iisipin ko na bipolar ang ma attitude na lalaking yun. Minsan ay mabait siya tas mag lalambing at bigla bigla nalang mag susungit at tatarayan ako. Kaunti nalang iisipin ko na kulang ito sa bakuna ng sanggol palang siya.

"What's my schedule for today?" nabalik ako sa reyalidad ng mag salita siya. Nag lalakad kami pabalik sa office niya dahil kakatapos palang namin umattend ng isang meeting with his business partner.

Tinignan ko ang ipad na dala ko para makita ang schedule niya for this whole day. Matapos kong makita ay binalingan ko siya at nginitian. "Isang meeting nalang for Mr. Cerbito, sir" pinindot ko ang elevator at pinauna siyang pumasok. Tahimik naman siyang nag lakad papasok bago ako sumunod at pinindot ang floor ng office niya.

Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Nakatingin lang ako sa numero sa taas habang siya ay seryoso lang na nakatingin sa harap.

Sabay kaming napatingin sa bagay na tumunog. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at doon nakita na tumatawag si Jiel. Agad akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Hindi ugali ni Jiel na tumawag kung hindi importante lalo na't alam niya na nasa trabaho ako.

Napatingin muna ako kay Jaid na napansin ko na nakatingin din sa akin. Iniwas naman niya agad ang paningin at sinagot ko naman ang tawag.

"Babes!" napakunot ako ng noo dahil wala namang iba sa boses niya. "Bakit ka napatawag? Miss mo ako agad?" tumawa pa ako sa huli dahil alam ko na umiikot na naman ang mata niya kahit hindi ko siya nakikita ngayon.

"Whatever. Yung anak mo gusto kang makausap" awtomatiko namang gumuhit ang ngiti sa labi ko ng marinig ang boses ng anak ko "Is that mommy? Give me the phone tita. I want to talk to my woman" hindi ko na napagilan ang matawa sa huling sinabi ng anak ko. He always says that I'm his woman hindi ko alam kung saan niya nakuha ang bagay na yun kaya tinanong ko siya and he said ' You're my woman mommy 'cause Mcervin loves you'

"Mommy? Are you there?"

"Yes baby?" pinalambing ko ang boses ko ng sagutin siya. Nahagip ng mata ko ang pag lingon ni Jaid sa akin. Nag tama ang aming paningin at nagulat ako ng irapan niya ako at bumalik sa harapan ang mata. Abat! Attitude na naman siya! Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito.

"Mommy are you listening? Hindi ka naman nakikinig sa akin e" napangiti ako ng marinig ko ang nag tatampo niyang boses. I can even imagine him now making his cutest gesture... pouting. My my my! My son is really the cutest HAHAHA

"I'm sorry. What is it again baby? Hmm?"

"What time will you be home po? I wanna date you mommy"

"You wanna date me? Say I love you first then" tukso ko sa kaniya at napatawa ng mahina. Narinig ko ang pag hagikhik niya bago tumikhim "I love you more more more more billions of stars mommy!"

"I love you more baby. Wait me there okay?"

"Yey! Noted mom! Love you" pinauna ko siyang pumutol ng linya. Ibinaba ko na ang aking cellphone at ipinasok sa bulsa.

Hindi mawala wala ang ngiti ko sa aking mukha sa napag usapan namin ng anak ko. I'm really luck to have Mcervin in my life.

"Crazy" nawala ang ngiti ko ng marinig ang boses ng ma attitude na boss ko. Tinaasan ko siya ng kilay at nag cross arm at tinitigan siya. He raised his eyebrows at me and rolled his eyes again. Aba! Attitude talaga!

"What did you say?" mataray ko din na tanong sa kaniya kahit narinig ko ang sinabi niya kanina.

"Tsk"

"Wag mo akong masungit sungitang attitude na lakaki ka ah! Baka gusto mong pag lamayan" nag salubong na naman ang makakapal niyang kilay at nanlilisik akong binato ng tingin.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now