Chapter 7

1.8K 65 1
                                    

--

Inutusan ko muna ang anak ko na mag bihis habang hinahanda ang sarili at nag iisip kung paano ko sisimulan ang sasabihin sa kaniya. Kailangan kong ayusin ang mga salita na sasabihin ko dahil iba ang takbo ng isip ng anak ko. At that age,he can calculate and conclude everything. The possibilities and reasons why it happened. At dahil nakilala ko na ang ama niya, alam ko na sa ama niya talaga siya nag mana.

"Need help?" pukaw atensiyon sa akin ni Jiel. Ngumiti ako ng kaunti at umiling. Ayuko nang mag isip pa si Jiel dahil sobrang dami na niyang naitulong sa akin. At saka kaya ko na ito. Tumango siya sa akin at itinuro ang kaniyang kwarto "Doon lang ako. Just call me if you need anything" tumango ako sa kaniya at pinanuod siyang makapasok sa sariling silid.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa kwarto namin ni Mcervin. Naabutan ko naman siya na gumagawa ng homework niya kaya napangiti ako. Natutuwa ako sa pag uugali niyang ito. At kahit papaano alam ko sa sarili ko na naging maayos ang pag papalaki ko sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya. Napatigil siya saglit at tinignan ako bago siya nag patuloy ulit. "May maitutulong ba si mommy, nak?" lumingon ulit siya sa akin at umiling. "I can do this mom" ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pinanuod ko lang siya na gawin ang homework niya habang nag aabang nag tiyempo para sabihin sa kaniya ang tungkol sa kaniyang ama.

Pinanuod ko siya hanggang matapos at tinulungan ligpitin ang mga gamit niya, nilagay namin ito sa bag niya at kinarga siya papunta sa kama. Nakasandal ako sa headboard at nasa gilid ko naman siya.

I patted his head and cleared my throat "May sasabihin sana si mama sayo anak" the curiosity is very visible in his face. Hindi siya nag salita at hinayaan ako na mag salita ulit "May gustong makita ka nak. Matagal ka na niyang gustong makita. Do you want to meet him?"

Kinakabahan ako sa isasagot niya lalo na't natagalan siya bago mag salita "Who is he, mom?" napaayos ako ng pag kakasandal "Y-Your father" kahit saglit lang yun ay nakita ko ang gulat sa mukha niya pero bumalik ito sa normal niyang ekspresyon kaya kinabahan ako sa maaring isipin niya. "For what mommy?" napatigil ako sa tanong niya. Napakurap kurap ako at tuluyan nang napaupo dahil sa sobrang seryoso niyang mukha at boses. "He wants to meet you anak. Gusto niyang mag bonding kayo dahil ngayon ka lang niya makikita" napaiwas siya ng tingin at nag cross arm "I don't want to mama" hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa isinagot niya. Masyado kong kilala ang anak ko kaya alam ko kung kailan siya nag tatampo,tulad ngayon.

Hinanap ko ang mata niya kahit pilit niya iyong iniiwas. Hinawakan ko siya sa mag kabilang braso at nginitian "Don't you want to know him? I know you want to meet him, anak"

"I can manage mom. Ayuko siyang makita dahil alam ko na hindi din naman siya mag tatagal. And if he wanted to know me to bond with me then why he didn't show his self to us when I was a baby?" napanganga ako sa diretsahan niyang sabi "He let you suffer mom. He's not there with you while taking care of me. Hindi ka niya sinamahan noong mga panahon na nag hihirap ka sa pag aalaga sa akin mommy." may hinanakit sa boses niya kaya hindi ko mapigilang mapaluha. Nag simula na din manubig ang mga mata niya na minsan ko lang makita dahil hindi niya ugaling mag pakita ng kahinaan.

"I don't wanna see him mom. I don't wanna."

"M-Mcervin. Listen to mommy first okay?" napasinghot ako at tinitigan siya "Wala siya noon dahil hindi niya alam na nag kaanak kami pero kahit hindi niya alam na may baby Mcervin hinanap niya tayo, anak. Natagalan nga lang dahil nahirapan siyang hanapin tayo"

"Did you hide from him?" napatigil na naman ako sa tanong niya at umiling. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang totoo? "No anak. It's just that, napag laruan kami ng tadhana. Maiintindihan mo din pag laki mo anak, okay?" napipilitan siyang tumango kahit hindi sapat sa kaniya ang sagot ko. Huminga siya ng malalim bago yumuko "Fine. I'll meet him"

"Really?" tumango siya at iniangat ang ulo "If that's make you happy mommy. I'll do it" oh Lord. Hindi ko na napigilan na yakapin siya at napaiyak. I'm so lucky to have him. Kumalas ako at umayos ng upo "Siyempre mommy will be happy if mag kikita kayo ng dad mo pero gusto ko na ikaw mismo,sayo mismong kagustuhan na makita siya. Kung hindi ka pa handa ngayon, baby. Maiintindihan naman ni daddy yun e. Maiintindihan ko din yun anak."

"My decision will remain. I will meet him mommy. May pag uusapan din kami" napanganga ako sa sinabi ng anak ko. Yung totoo ilang taon na ba talaga siya? Jusme. Bakit hindi akma ang pag iisip niya sa kaniyang edad? Napailing na lang ako at tinanguan siya. Nag mana lang talaga ata siya sa tatay. My my my!

"Okay baby. Tara na sa labas at kakain na tayo nila tita ninang" humawak siya sa nakalahad kong kamay at sabay kaming lumabas. Pinauna ko siya sa kusina at pinuntahan ang pintuan ng kwarto ni Jiel para katukin siya. "Kakain na babes"

"Nandiyan na!" nang marinig ko ang sagot niya ay lumakad na ako papuntang kusina para mag handa ng makakain. Nakaupo na si Mcervin sa upuan niya at ready na para kumain kaya wala sa sariling kinurot ko ang ilong niya "Mommy!" napatawa ako sa kakyutan ng pag simangot niya. "Sorry. Can't help it baby. You're so cute e" napanguso siya at tumango. HAHAHAH ang rupok ng anak ko pag dating sa akin. Yun lang ata na mana niya sa akin. Yung karupukan. Jusme.

Bagong ligo na dumating si Jiel sa kusina at naupo sa harapan namin. Nag simula kaming kumain at nag presenta naman na mag hugas ng pinggan si Jiel dahil ako na ang nag luto kanina ng dinner namin.

Nag templa ako ng gatas ni Mcervin bago siya pinatulog. Hinayaan ko siya sa kama ng makitang tulog na ito at lumabas ng kwarto.

Tinabihan ko si Jiel na tahimik na nakatayo sa veranda habang may hawak ng baso ng wine. Napatingin ako sa kaniya dahil hindi niya man lang naramdaman na nasa tabi niya na ako.

Napalingon siya sa akin ng ipinulupot ko ang kanang braso ko sa beywang niya at isinandal ang ulo ko. Nakatingin ako sa harap kung saan makikita ang mga gusali at sasakyan. Ang ganda din pag masdan ang mga maliliit na ilaw. "I'm here babes. Like what you have said, were family. Nandito tayo para sa isat isa."

"I miss him" bakas sa tono niya ang lungkot kaya niyakap ko siya ng mahigpit. "Hindi pa ba kayo ulit nag kausap?" umiling siya at uminom sa baso na hawak niya "I don't have strength to talk to him about us,babes. Dahil in the first place alam ko na wala akong karapatan" hinagod ko ang likod niya at tahimik na nakikinig sa hinaing niya. "Ang gagong yun. Hindi man lang sinauli yung puso ko. Ayon, tangay ng loko. Hindi ko tuloy alam kung paano mag sisimula ulit" umiiyak siyang tumatawa kaya napa buntong hininga ako bago siya niyakap. "Shhh" pag aalo ko sa kaniya. Yinakap niya ako habang tahimik na humihikbi. Wala akong ibang ginawa kundi ang aluin siya at hayaan na ilabas ang lahat ng sakit na dala niya.

Hindi ako sanay na ganito siya pero kahit ang pinaka malakas na tao ay nanghihina din kaya naiintindihan ko siya.

Inakay ko siya papunta sa kwarto niya ng makatulog siya kakaiyak. Kahit pabagsak ko siyang naihiga sa kama ay hindi siya nagising. Napailing na lang ako at hinubad ang pambahay na tsinelas na suot niya bago kinumutan.

Pinatay ko ang ilaw bago binuksan ang lampshade sa tabi ng kama niya. Tinignan ko pa siya ng isang beses bago lumabas ng kwarto.

Uminom ako ng tubig at hinugasan ang baso na ginamit niya bago pumasok sa kwarto ko at tinabihan matulog si Mcervin. Nakatalikod ang anak ko sa pwesto ko kaya niyakap ko ito sa likod at hinayaan na tangayin ng antok.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now