Chapter 13

1.5K 51 0
                                    


--

"Ms. Yvy Lourell Gabez?" napatigil ako sa aking ginagawa at nilingon ang tumawag sa buong pangalan ko. Napakunot ako ng noo nang makita siya.

"Pardon?" nag tataka kong tanong na ikina-ngiti niya.

"Ikaw nga! It's nice to finally see you Ms. Gabez" nag lahad siya ng kamay at kahit naguguluhan sa nangyayare ay tinanggap ko ito. Napakamot ako ng kilay pag katapos dahil naguguluhan talaga ako na siyang nahalata niya siguro kaya nag salita ito ulit.

"I'm Atty. Crever Lluz, your parents personal attorney" napanganga ako sa sinabi niya at mas lalong naguluhan.

"Attorney? Parents? I'm sorry, nag kakamali ka ata ng nilapitan. Wala na akong mga magulang"

"So you are not Ms. Yvy Lourell Gabez?"

"I am"

"Then you're the one I was looking for" may kinuha siya sa kaniyang coat at ibinigay sa akin. "That's my calling card and I can also give you my license card if you still don't believe me"

"I believe in you but being my parents personal attorney? Nah. Dahil wala na akong mga magulang. Lumaki ako sa ampunan"

"I know and to tell you, you still have your parents and they been wanting to meet you" nanigas ako sa aking kinatatayuan at gulat na napatingin sa kaniya. Is it true? Is it really happening right now? I tried to pinch my arms and gulped when I get hurt. So totoo nga!

"Alam ko na magugulat ka at hindi mo agad mapa-process sa utak mo ang nangyayare ngayon but I need you to bring where your parents is. Sila na din ang bahala mag kwento ng lahat. So shall we?" hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko kaya napabuga ako ng hangin at tinignan siya saglit. Dahan-dahan akong tumango kaya napangiti siya at naunang maglakad habang nakasunod ako sa kaniya.

Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon. May pagtataka, kaba,takot, pag kasabik at iba pa.

Paanong pupunta ako sa mga magulang ko kuno kung ang alam ko ay matagal na silang wala sa mundo. Maaga nga akong na ulila diba? Kung nag sasabi talaga siya ng totoo, ibig sabihin lang n'on ay hindi ko tunay na mga magulang ang nag palaki sa akin?

"We're here" nabalik ako sa reyalidad sa boses ni Mr. Lluz. Lumabas na ako ng sasakyan at napatingin sa mansion na nasa aming harapan. Sinundan ko siya hanggang sa huminto kami sa gate at doon kinausap ang gwardya.

"Good afternoon po. Nandiyan po ba sila Mr. and Mrs. Villafler?"

"Uy Attorney! Kayo po pala. Nandito po sila, pasok po kayo" masayang sagot ng guard at binuksan ang gate na maliit. Napadpad naman ang tingin niya sa akin at doon ko nakita ang pag awang ng bibig niya at bakas ang gulat sa mukha "Ma'am Jai?" napalingon din sa amin si Attorney at tinapik ang balikat ni manong "Si Yvy po, kuya. Anak nila Mrs. Villafler"

"Talaga?! Nahanap niyo na po pala kung gan'on attorney! Naku! Matutuwa ang mag asawang Villafler niyan. Ikinagagalak ko po kayong makita sa wakas ma'am Yvy ako po pala si Joseph, kuya Joseph nalang ho"

"Magandang araw po" nginitian ko siya at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

"Mauuna na po muna kami sa loob kuya Joseph"

"Ay naku! Sige attorney. Hehe pasensiya na at natutuwa lang talaga ako na nakita niyo na siya" napangiti ako sa inasta niya at nag paalam.

Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng paligid. Bago mo marating ang malaking mansion ay dadaan ka muna sa isang fountain na gawa sa ginto may nakita nga din ako na mga isdang lumalangoy dito.

May mga nakaparadang sasakyan sa kaliwang kanan at kahit hindi ko alamin ang mga pangalan alam kong mamahalin.

Tahimik ko lang na sinundan si attorney hanggang sa makarating kami sa dalawang malaking pinto na kulay ginto. Hindi ko alam kung tunay nga 'yon o pintura lang.

Sumalubong sa amin ang isang babae na may edad na hula ko ay siyang mayodarma sa bahay na ito.

"Magandang araw po Manang Losing" nag mano si attorney sa matanda at ngumiti pagkatapos. Napansin naman siguro ni Manang Losing na nandito ako kaya napatingin siya sa akin at tulad ng ekspresyon na meron si kuya Joseph gan'on din ang nakita ko sa kaniya.

"Y-Yvy?" nagulat ako ng bahagya dahil alam niya ang pangalan ko. Nag kita na ba kami dati?

"A-Ako nga po. Magandang ara--ack" nabitin ang pag bati ko dahil bigla nalang niya akong sinunggaban ng yakap. Napatingin ako kay attorney pero nakangiti lang ito sa amin habang pinapanuod kami.

"Diyos ko! Salamat sa kaniya at nakita ka din! Namiss ka namin anak lalong lalo na ang mga magulang mo" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napangiti nalang ako at tumango.

Sabay-sabay kaming napalingon sa panibagong yabag ng paa at pag tawag kay manang Losing. Natuon ang atensiyon ko sa isang ginang na hula ko ay nasa singkwento na ang edad. Kahit may edad na ito ay hindi mo pa din maipag kakaila kung gaano ito kagalante kumilos.

The way she move her parts of the body and the way she stand, speak of elegance.

Nag katinginan kami at unti-unting umawang ang bibig niya at nanunubig ang mga mata. "M-My daughter" pabulong niyang sambit pero dahil sa sobrang tahimik ay rinig na rinig namin. Dahan dahan siyang nag lakad palapit habang nakapirme ang mata niya sa akin. Bakas doon ang pangungulila kaya hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako ng mahigpit at nag simulang umiyak sa aking mga bisig.

"Oh god, my daughter! My lovely daughter. How I miss you my baby" hindi ko alam pero sa paulit-ulit na sinabi niya iyon ay tumulo ang luha ko at nauwi iyon sa hikbi kaya napayakap ako sa kaniya ng mahigpit at sinubsob ang mukha sa kaniyang leeg.

Tanging iyak lang namin ang maririnig hanggang sa may sumapaw na panibagong boses "What's with the noice all about?" boses lalaki iyon at kahit hindi mo tignan alam kong ama ko 'yon.

Pareho kaming kumalas ni mama ng yakap at tumingin sa bagong dating. Tulad ng lahat na nakakita sa akin dito ay gan'on din ang kaniyang ekspresyon.

"M-My princess" nauutal na tawag niya at unti-unting humakbang papunta sa akin. Tulad ng ginawa ng aking ina ay gan'on din ang ginawa ng aking ama hanggang sa sumali si mama sa yakapin namin kaya mag kayakap na kaming tatlo habang nag pupunas naman ng luha si Manang Losing na nakatingin sa amin nang mahagip ko ang pwesto nila.

I don't know but all of the sudden I feel complete. Iba pa sa pakiramdam ng dumating ang anak ko. Masyadong masaya ang nararamdaman ko ngayon kahit maraming katanungan sa isip ko saya pa din ang nangingibaw sa puso ko.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now