Chapter 9

1.9K 79 2
                                    

--

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang family dinner na naganap sa condo namin. Naging family dinner 'yon para sa aming tatlo dahil narealize namin ni Jaid na 'yon ang unang pag kakataon na kumain kaming tatlo na mag kakasama, bonus pa na siya ang nag luto ng kakainin naming tatlo.

Umalis si Jiel nang malapit ng matapos si Jaid sa niluluto niya. Emergency 'yon kaya kahit nanghihinayang ay hinayaan ko siya na umalis.

"Cancel all my appointments today" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Nandito ako ngayon naka tayo sa harap niya habang naka upo siya sa kaniyang swivel chair.

Inilipat niya din ang office table ko kung kaya't dalawa na kami na nandito sa loob ng opisina niya. Ayuko ng ganito pero pinairal niya ang pagiging spoiled brat kaya siya ang nasunod sa huli.

"Let them talk about us. Hindi tayo ang mag sasayang ng oras" tanging sagot niya ng sabihin ko na gusto kong bumalik sa dati kong office table na nasa labas ng office niya dahil pinag uusapan kami ng mga empleyado sa buong building.

"May lakad ka?" nag tataka kong tanong sa kaniya dahil hindi niya ugaling mag cancel ng mga meetings niya kung wala lang. He look at me and put his right hand on his chin while still looking at me "My parents wants to meet you" kahit hindi ko na tignan sa salamin ang mukha ko ay alam ko na nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakurap kurap ako at lumunok dahil pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko.

"W-What?"

"They want to meet you...with our son"

Holly mother of yukinam generation!

"Seryoso ka diyan? Di ito prank time?" nangunot ang noo niya at nag salubong ang kilay sa tinanong ko. Nag umpisa na naman ang pag susungit ng mukha niya bago humalukipkip at tinignan ako "What do you think? Teka, ayaw mo ba na makaharap ang parents ko? For all I know, it's not your first time dahil kilala mo na ang parents ko when my father is still the CEO of our company so why acting like this?" napakamot ako ng kilay sa pag susungit ng attitude na lalaking ito.

"Oo. It's not my first time pero Jaid, ito ang unang beses na haharap ako sa kanila bilang ina ng anak mo atsaka---"

"Anak ko? What the hell are you talking about, Yvy Lourell Gabez!? Anak natin,NATIN do you understand?" sabi ko nga, anak namin. "---'yon na nga. Anak NATIN kaya natural na kakabahan ako. Ano na lang ang sasabihin nila diba? At saka hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksiyon nila pag nag kaharap na kami." paano na lang kung hindi nila tanggap ang anak ko? Ako? Pero ayos lang naman sa akin kung hindi nila ako tanggap basta tanggap nila ang anak ko ay ayos na ako doon.

Naagaw ang atensiyon ko ng tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya.

Nakaupo siya sa office table niya kaya naman mas mataas ako sa kaniya ngayon. Natigilan ako ng yakapin niya ako at ipinatong ang baba sa kaliwang balikat ko. Hinahalik halikan niya ang pisnge ko ng paulit ulit kaya nag simulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Lagi niya itong ginagawa sa akin pero hindi pa din ako nasasanay sa tuwing ganito siya.

Nalilito din ako sa inaasta niya at sa kung ano na ang estado namin ngayon. Oo tanggap niya ang anak ko at nag bobonding kami na parang isang pamilya. Sweet din siya sa akin pero never namin napag usapan kung anong label ba kami...kung meron nga ba?

Ayuko naman mag open up sa kaniya dahil baka masaktan lang ako. Hahayaan ko siya na siya ang unang mag open up kung anong meron kami.

"They will like you,baby. Promise"

"Binobola mo naman ako e"

"I'm not. I don't know what is binobola kaya" napahagalpak ako ng tawa dahil sa kakonyohan niya.
"Hey? Why are you laughing?" hindi ko siya masagot sagot dahil panay tawa pa din ako. Jusme! Tinignan ko ang nakabusangot na mukha niya habang nag pipigil pa din ako ng tawa. "Stop laughing!"

"Pfffft h-hindi na HAHAHAHAA" nag dadabog siyang pinakawalan ako at tumayo. Lumapit siya sa glass window na kita ang buong siyudad at doon humalukipkip.

Ang attitude na lakaki, nag tatampo HAHAHAHA.

Tumikhim ako at nilapit siya...siniguro ko muna na hindi na ako matatawa at baka mas lumala ang pag tatampo niya. Daig pa nito ang anak ko kung mag tampo e,kailangan talaga suyuin.

Niyakap ko siya mula sa likod. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa gulat. Alam ko na magugulat talaga siya dahil ngayon lang ako ganito sa kaniya.

"Nag tatampo ang attitude na lalaki ko na yan? Sorry na pwooo" pag bibiro ko at hinalikan siya sa pisnge para mas effective...hindi naman ako nabigo dahil ramdam ko ang pag hugot niya ng hininga bago ako hinarap.

"You really know to handle me,huh?"

"Naman! Ako pa ba?" I winked at him which made him blush and look away. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag kakangiti dahil sa inaakto niya.

Holly mother of yukinam generation, my baby Jaid I'd so cute!

"Kailan daw tayo pupunta?" Pag iiba ko ng usapan kahit kinakabahan ako para mamaya. Bumalik ang tingin niya sa akin at inilagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga "Doon tayo mag hahapunan. Mom's prepared everything and she's really expecting us later" napalunok ako ng laway sa narinig.

Alam ko naman na mabait ang mag asawang Fritinzson pero iba ang sitwasyon namin ngayon kaya hindi ko talaga mapigilang hindi kabahan.Sana naman ay maging maayos ang dinner mamaya.

"You're over thinking again. Stop that habit,babe. Hindi nakakaganda yan" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tiningala ko siya dahil nakayakap na naman siya sa akin "Anong alam mo sa pag papaganda?" nag kibit balikat lang siya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko

"Ang totoo? May babae ka ano?" nagulat siya ng humiwalay ako sa yakap niya at nakapa meywang na tinignan siya.

"Fuck baby! Simula ng iwan mo ako sa gabing 'yon ay wala na akong naisip kundi ikaw. Ikaw lang ang babae ko, wala ng iba pwera na lang kung paiisahin mo ako at magiging babae ang bunga"

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now