Chapter 19

1.2K 45 0
                                    


--

Napangiti ako sa mumunting halik na nararamdaman ko sa aking pisnge. Ramdam ko din ang maliliit niyang kamay na nakahawak sa aking magkabilang pisnge.

"Wake up now mommy. Wakey wakey" nakangiti akong nag mulat ng mata at doon bumungad ang batang bersyon ni Jaid. Mcervin is smiling from ear to eat when he noticed that I'm awake.

"Good morning my!" pinatakan niya ulit ako ng isang halik sa noo kaya mas lumaki ang ngiti ko. Yinakap ko siya at pinangigilan kaya tumawa ito.

"Good morning to my handsome baby. How's your day with your granny's?"

"Fine! Namasyal po kami sa park my hehehe" bumangon na ako at napatingin sa orasan na nasa bed side table. Napatingin naman ulit ako kay Mcervin para tanungin kung nasaan ang tatay nito.

"Where's your dad baby?"

"Work. May emergency meeting daw po sila mom and dad didn't wake you up cause he doesn't want to disturb your sleep"

"Did you eat your breakfast then?"

"Nah. I was waiting for you so we can eat together but daddy cooked us food"

"Alright let's go downstairs" masaya naman itong tumango at patalon na bumaba sa kama. Sinuway ko pa siya dahil delikado ang ginawa niya. Paano nalang kung madulas siya at mabagok ang ulo diba? Ngumiti lang naman ito sa akin at yinakap ako sa beywang. Bandang tiyan ko na ang taas ng anak ko at hula ko namana niya ang height sa tatay. Psh. Puro nalang ata kay Jaid lahat wala man lang namana sa akin ang anak ko.

Hawak kamay kaming lumabas sa kwarto at tinungo ang kusina at doon ko nakita ang pagkain na sa lamesa na tinakpan lang. Pinaupo ko si Mcervin at sinimulang initin ang pagkain bago namin ito sabay na pinag saluhan ng anak ko.

My son is busy watching his favorite show while I'm cleaning Jaid's condo. Hindi naman gaanong marumi ang condo niya kaya nag walis walis nalang ako at inayos ang mga gamit na hindi naibalik sa tamang lugar.

Tumabi ako sa aking anak pagkatapos. Bumaling naman siya sa akin at umusod palapit at isinandal ang sarili sa aking dibdib habang ang paningin ay nakatutok sa tv.

"Are you happy?" natigilan ako sa sinabi niya at nag tagpo ang aming mata ng tumingala ito sa akin. "Are you happy mom? With dad?" napakurap kurap ako sa out of the blue niyang tanong. Am I? Masaya nga ba ako? Ngumiti ako sa kaniya at pinisil ang kaliwa nitong pisnge.

"Ofcourse I am. Lalo na at kumpleto na tayo. That's what you like right? You always dream to have your daddy and have a complete family"

"Yes, but if you're not happy then Its okay not to have a complete family. Kasi sa napapansin ko sa ibang tao mommy, kumpleto nga sila pero ang tanong masaya ba? That's why I'm asking you if your happy with dad 'cause I don't want you to shed tears again like before. I don't like seeing you in pain and miserable mom. I hate it" natigilan ako nang maramdaman ang maliit niyang kamay na may pinapahid sa aking pisnge "...and I hate seeing you crying, mama" sa sinabi niya ay doon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Umiiyak na ngumiti ako sa kaniya at mariin siyang hinalikan sa noo bago niyakap ng mahigpit. Hindi ako mag sasawa na mag pasalamat sa Diyos dahil binigay niya sa akin si Mcervin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabi niya pero isa lang ang emosyon na nangingibaw sa puso ko at iyon ay saya. Masaya ako dahil alam kong mahal at mahalaga ako sa anak ko. And I'm so lucky to have Mcervin in my life. So damn lucky.

"I love you baby" tanging sambit ko habang nakayakap sa kaniya. Ramdam ko ang pag ganti niya ng yakap sa akin at mas hinigpitan pa ang kapit

"I love you more more more more billions of stars mommy"

"Ano ba 'yan! Ang drama naman natin. I thought you hate dramas?" biro ko pa sa kaniya habang pinupunasan ang luha at humiwalay sa yakap. Ngumuso siya "Tsk. Ofcourse I hate it but it's you what is talking about so I'm fine with it" jusme. Kung hindi ko lang anak ito ay baka naging crush ko na ito. Nakikita ko na talaga ang hinaharap na buhay ng anak ko. Hindi na ako mag tataka kung pag aagawan ito ng babae. Ang sweet eh mana sa tatay HAHAHA.

Sabay naman kaming napatingin sa cellphone na nasa mini table nang tumunog ito. Kinuha ko ito at doon ko nakita na si Jaid ang tumatawag

"Hi babe! Kamusta ang mag ina ko?" napangiti ako at niloud speaker ang phone para marinig din ni Mcervin ang tatay niya.

" We're fine here. Ikaw? Tapos na meeting niyo?"

"Isa nalang and uuwi na ako agad so that we can have time together"

"Bring french fries and burger dad!"

"Sure bud. Take care of your mom there okay? I'll get going now. I love you both"

"We love you too dad!" napangiti ako sa tinuran ng aking anak sa tatay niya. Mababakas talaga ang saya sa mukha niya kaya wala akong pinag sisihan sa desisyon ko sa buhay.

Nag luluto ako nang marinig ko ang pag bukas ng pinto. Nilingon ko naman ang anak ko na nakaupo sa sala at napailing nalang ako ng marinig ko ang pag tawag nito sa daddy niya na hula ko ang siyang bagong dating. Ipinag patuloy ko ang pagluluto ng hapunan at hinayaan ang mag ama sa sala.

"What's for dinner tonight?" napapitlag pa ako sa biglang pagpulot ng braso sa aking beywang at ang boses niya na malapit sa aking tenga.

"Huwag ka ngang manggulat. Mabuti nalang at hindi ko naitapon ito sa'yo" tukoy ko sa hawak kong kawale na nag lalaman ng ulam namin. Isinasalin ko kasi ito sa mangkok ng sumulpot siya. He only chuckle and place his face in my shoulder blades. Tangna talaga ang lalaking ito ang lakas manggising ng natutulog kong konsensiya. I suddenly feel something in my private part when he started kissing ang s-cking my skin. Napapikit ako ng mariin at pilit na sinasaway siya dahil jusme, nandito lang sa paligid ang anak namin baka nakakalimutan niya!

"Stop...it Jaid. Mcervin might see us" natauhan naman siya sa sinabi ko at napabuntong hininga ng malalim pero nasa balikat ko parin nakasubsob ang kaniyang mukha.

"Wala bang ibibilis ang oras para kinabukasan kasal na natin?"

"Bakit? Sus. Excited ka lang sa honeymoon eh"

"You're right. Isa na iyan sa rason ko but my main reason is... I can't wait to see your signature using my surname babe. I can't fvcking wait to tell the world that you're my wife and I have fvcking right to be territorial when it comes to you" napakagat ako ng labi para pigilan ang mapasigaw sa kilig sa sinabi niya. Jusme. Confirm. Mag ama nga sila. Pareho nila akong pinapakilig. Haisyt.

"What's with the hugging session? Can't we eat first? I'm hungry" mabilis akong napalingon sa anak namin at kinalas ang braso ni Jaid na nakapulupot sa akin. I akwardly smile at my son and started to continue what I'm doing earlier.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now