Chapter 10

1.9K 70 0
                                    


--

"Mommy where are we going?" tanong ng anak ko habang binibihisan siya. Nginitian ko ito at pinasadahan ng aking daliri ang kaniyang buhok "Pupuntahan natin ang lola at lolo mo, baby"

"Dad's parents?" tumango ako at pinisil ang pisnge niya. Umayos ako ng tayo at hinawakan siya sa isang kamay. " Let's go baby?" tumango siya sa akin at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Naabutan namin si Jiel na nanunuod ng palabas sa sala. Nilingon niya kami ng maramdaman niya ang presensiya namin. "Ang gwapo naman ng Mcervin namin! Pa amoy nga kung mabango" sumimangot ang anak ko pero lumapit naman siya sa tita ninang niya.

Kunwari din ang anak ko e gustong gusto din naman niya na nilalambing siya ng tita ninang niya.

Pumunta ako sa pinto ng marinig kong may kumatok. Nginitian ko si Jaid at inaya siya na pumasok muna. "Nasa sala ang si Mcervin" saad ko dahil kahit hindi ko tanungin alam ko na hinahanap niya ang anak namin.

"Yow dad!" nag bro hug sila ng ama niya na akala mo ay mag kasing edad lang sila. Napansin ko ang pagiging malapit nilang dalawa nitong mga nakaraang araw.

Akala ko ba ay pahihirapan niya muna ang tatay niya pero dinala lang siya sa mall ay close na agad sila. Napailing na lang ako sa karupukan ng anak ko at hinayaan na lang sila.

Mabuti na din na mag kasundo silang mag ama para wala ng problema. Nag paalam na kami kay Jiel at umalis na.

Inayos ko sa backseat si Mcervin bago naupo sa front seat at hinayaan si Jaid na mag maneho ng sasakyan. Walang nag salita sa aming tatlo habang nasa byahe. Tahimik lang na nang mamaneho si Jaid na paminsan minsan ay nahuhuli kong tumitingin sa akin. Busy naman ang anak ko kakapanuod sa mga nakakasabay naming sasakyan sa kalsada at ito ako, nakikiramdam sa kanilang dalawa.

Kinakabahan pa din ako para mamaya pero hindi na tulad n'ong unang sinabi ni Jaid ang tungkol sa family dinner.

Bumusina si Jaid at binuksan naman ng guard nila ang gate. Ipinasok ni Jaid sa loob ang sasakyan at pinarada sa sarili nilang parking lot na sakop ng bahay nila.

Naunang lumabas si Jaid at akmang bubuksan ko na ang pintuan sa tabi ko ng may naunang nag bukas nito sa akin. Napatingin ako kay Jaid na ngayon ay nakatingin din sa akin habang hawak ang bukas na pintuan.. Alanganin akong ngumiti at nag pasalamat sa kaniya para tumango siya at pinag buksan din ng pintuan ang anak namin.

Hinawakan niya sa isang kamay ang anak ko at hinapit niya ako sa beywang pag kalapit nila sa akin. Hindi na ako umalma at nag patinaod na lang sa gusto niya.

Ngumingiti ang mga kasam-bahay na nakakasalubong namin. Hinatid naman kami ng mayodarma nila sa dining area kung saan nag hihintay na daw ang mga magulang ni Jaid.

"Calm down, babe. Just be yourself" parang orasyon na saad ni Jaid sa akin dahilan para mawala bigla ang kaba ko.

Naabutan namin ang mag asawang Fritinzson na nakatingin sa amin. Nakahinga ako ng maluwag ng walang makitang kakaiba sa mukha nila kung hindi ang laki ng pag kakangiti.

"Finally! Omygee! Is this my apo na? Kyaaaaaah ang gwapo!" Parang bata na excited na lumapit sa amin ang mag asawa at lumuhod para mag kapantay sila ng anak ko.

"Hi apo! I'm your gorgeous moma!"

"I'm the poging popa naman!"

Tinignan ko si Mcervin kung ano ang magiging reaksiyon niya pero nakangiti lang ito at bakas sa mata ang tuwa sa kaharap.

"Ohmy! Nasa isip ko na ang mga gagawin natin bukas! I can't wait na hehehe"

"Ano ka ba naman hon? Excited ka masyado. Kami muna ng apo ko ang mag bobonding dahil pareho kaming gwapo"

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now