Chapter 17

1.2K 47 0
                                    


--

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala. Hindi matanggal tanggal ang ngiti ko sa labi habang nakatingin sa singsing na nasa daliri ko.

"Whats going on in my baby's pretty head? Hmm?" malambing niyang tanong at sinubsob ang mukha sa aking batok. Napapikit ako at napakagat ng ibabang labi ng maramdaman ko ang mumunting halik niya do'n. Gumagalaw din ang kamay niya na nakayakap sa akin pababa sa aking puson.

Napasandal ako sa kaniya at tinagilid ang ulo para mas makita ang kaliwang leeg ko. He chuckled and hug me tighter "You little tease. You're making this hard for me, baby. You know that I can resist you" nahihirapang saad niya kaya napatawa ako. Sinusubukan ko lang naman kung bibigay siya sa kaunting pagpapakita ko ng motibo. Nalaman ko kasi kanina kay daddy na may usapan sila ni Jaid na walang lalampas sa halik ang gagawin namin hanggat hindi pa kami kasal. Nag mamaktol pa nga ang ama ko dahil daw wala sanang kasamang halik iyon pero nag makaawa daw si Jaid sa kaniya at dahil mabait daw siyang tao pinag bigyan niya ito.

Natatawa pa din ako sa ekspresyon ng mukha ni daddy kanina. Hindi ko alam na ang akala kong strikto kong ama ay may pagka childish pala.

"Scared for my dad huh?"

"I'm not I just realize that what he said is right. We shouldn't do that thing without the blessings from above"

"Eh bakit humirit ka pa?"

He groan. Mas humigpit din ang yakap niya at sinubsob ang mukha sa leeg ko. "Not touching you is already a torture for me baby. I love kissing and touching you and I know you know that" natawa ako sa sinabi niya at pumihit paharap sa kaniya. Sinapo ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay at hinalikan siya sa tungki ng ilong.

"Thank you..thank you for being you, love. Thank you for coming into our life. I love you"

"Mas mahal kita" napangiti ako sa pag tatagalog niya. Hahalikan na sana niya ako ng may kumatok sa pinto. Natawa ako sa nakabusangot niyang mukha at humiwalay sa kaniya para tignan kung sino ito.

"Mommy!" napangiti ako at binuhat siya. "You done playing with your granny's?" masayang tumango ito at humalik sa pisnge ko. Naramdaman ko naman na may yumakap sa amin mula sa likod ko kaya napatingin doon ang anak ko. "Daddy!"

"Hellow bud" bumungisngis naman ang anak namin at nag pakarga sa ama niya kaya hinayaan ko ito.

"Pinapatawag po kayo sa akin nila lolo, dad" ginulo ni Jaid ang buhok ng anak namin at ang simula kaming bumaba ng hagdan habang karga niya si Mcervin.

Naabutan namin sila mama, tita at Jiel sa sala kaya doon kami pumunta. Naupo ako katabi sa kaibigan ko na nginitian naman ako at sumandal sa balikat ko,iniyakap niya ang kamay sa braso ko at tumingin sa harap namin kung nasaan ang parents ko at parents ni Jaid.

"I can see the bond of your friendship iha. Masaya ako at meron kang kaibigan na katulad ni Jiel dahil sa panahon ngayon ay bihira ka nalang makahanap ng ganiyan"

"Naman! Tama ka diyan tita! Ang swerte swerte ng anak niyo dahil sa sobrang ganda kong ito ay kinaibigan ko siya"

"Maganda ka? Bat ka iniwan?" nanlalaki ang mata niya sa sinabi ko at hinampas ako "Foul 'yon babes!" natawa naman ang matatanda sa asaran namin.

"Iniwan ka tita ninang?" napatingin kami lahat sa anak ko dahil sa tanong niya. "A man left a gold like you tita ninang? Pity him. He doesn't deserves you anyway. I can be your man naman po!" napatawa ng malakas sila daddy at tito Evans sa sinabi ng apo nila.

"What a word, apo. Hahaha manang mana ka talaga sa akin"

"Anong sa'yo? Nang aangkin ka na naman Evans"

At nag simula na silang mag bangayan kung kanino nag mana ang anak ko. Samantalang napailing nalang sila mama at tita Jane sa inaasta ng kanilang asawa.

"I really don't know why I said yes to him" konsemisyon na saad ni tita Jane na sinang ayunan naman ng ina ko.

-

"Masaya ako at natagpuan mo na ang tunay na tahanan na para sa'yo anak" napatingin ako at ngumiti kay mother Shiela. Mainit niya akong nginitian at bakas sa mukha niya ang saya para sa akin.

"Maraming salamat po sa pagmamahal niyo habang nasa puder niyo ako mother. Hindi po magbabago ang katotohanan na isa po kayo sa itinuring kong ina"

Yinakap niya ako at pinisil ang kamay ko. Masaya naming pinanuod ang pamilya ko at sila Jaid na makipag laro sa mga bata dito sa ampunan. Matapos namin kumain kanina ay nakipag laro na sila sa mga bata nalaman ko din mula kay mother Shiela na kanina pa nandito sila Jaid, hinihintay ako na makarating.

Kaya pala maaga siyang umalis kasama ang anak ko dahil may surpresa pala siyang ganito. Mas nadagdagan ang pag mamahal ko dahil sa ginawa niya.

Nabanggit niya din kanina sa akin kung bakit dito niya naisipan na mag propose "Gusto kong hingiin ang oo mo sa lugar kung saan ka lumaki. Gusto ko din na makasama ang mga tao sa ampunan for this special day of our life dahil alam ko na iyon ang gusto mo" that what he said.

--

"Padadalhan ko nalang po kayo ng imbetasyon dito mother Shiela"

"Sige at hihintayin ko. Mag iingat kayo sa byahe" tumango ako at hinayaan naman na mag paalam sila mama kay mother Shiela.

Kasama ni Jiel sa sasakyan niya ang parents ni Jaid dahil wala itong sasakyan na dala. Sa kotse ni Jaid sila kanina nakasakay papunta dito kaya gano'n. May sariling sasakyan naman ang parents ko kaya walang problema at kami naman ng anak ko ay sa sasakyan ni Jaid sumakay.

May isang sasakyan na nauuna at iyon ay ang tauhan ni Jaid kasunod ang sasakyan nila mama, Jiel at kami, nasa hulihan naman ang iba pang tauhan ni Jaid na nakasunod sa amin.

Dahil gabi na at pagod na kaming lahat, nag desisyon kami na umuwi na muna sa kaniya-kaniyang bahay at nasabi din sa akin nila mommy na sila na ang bahala sa preparation ng kasal namin ni Jaid. Mag sabi nalang daw kami kung may gusto kaming ipadagdag o ipabago.

And Jiel being Jiel volunteered to help for the preparation na sinang-ayunan naman nila mommy. I trust my best friend sense of fashion kaya kampante ako sa kalalabasan ng lahat.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now