Chapter 1

94 4 12
                                    

OLIVIA POV

"Ayusin mo nga iyang upo mo, tingnan mo kita na singit mo." saway sakin ni mia.

I raised an eyebrowed at umirap.

"Ano ba naman 'tong pinasuot mo sakin, mukha naman akong pupunta sa bar dito." reklamo ko sa kanya.

"Sino ba pumili niyan, 'diba ikaw? Para ano? Para maka bingwit ka ng pogi." aniya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ba pangit tingnan?" tumayo ako at pilit na binababa ang skirt.

Tinapik niya ang kamay ko at tumayo siya.

"Ano ba! Bagay nga sayo yan, oh." pangungumbinsi niya.

Pumunta kasi ako  sa kwarto niya at pinahiram akong damit at napili ko nga ay yung plaid dark skirt at maroon curls (blouse) mukha akong makiki party sa kung saan, e pupuntahan namin ngayon binyag.

Nahiya ako sa suot ko nang tinitingnan ako ng mga tao, kaya naupo muli ako at kinuha ang phone ko.

Kasama ko nga pala sina Tita Mira, mommy ni Mia nagandahan din naman siya sa suot ko ng tanungin ko siya kanina. Doon kasi ako muna pinatira nila dahil lumayas ako sa bahay namin, hindi naman din ako hinahanap ng mga magulang ko dahil hindi ko pinasabi kina Tita Mira na nandoon ako sa bahay nila.

Lumapit si Tita sa pwesto namin at may kasama itong magandang babae na tingin ko amiga niya.

"Cecilia this is my daughter, and 'yon naman ang kanyang kaibigan si olivia," pagpapakilala niya sa babae. "This is Cecilia, my friends back then." turo niya sa babae.

Ngumiti naman si Mia at nakipag beso din ito, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Kaya ginaya kona lang ang ginawa ni Mia.

"They are both gorgeous." aniya at nginitian kami. "Have you eaten?"

"Ah, yes tita pinag serve naman din po kami." Mia said.

Tumango naman ang babae at nagpaalam muna na may bibisitahin pang iba.

Pag-alis niya nagsalita si Tita Mira.

"How's food? Masarap ba?" biro niya samin.

Natawa naman kami ni Mia sa tanong ng kanyang mommy.

"Mommy naman inimbitahan na nga tayo, wala bang menudo? Hindi ko kasi nakita sa buffet table kanina." ngusong aniya.

"Mahiya ka naman Mia." saway niya sa anak.

Umalis saglit si Tita tinawag siya ng mga kaibigan niya daw.

"Alam mo yung salmon nila ganyan lasa."

May dumaan na lalaki sa harap namin at huminto.

"Edi 'wag kang kumain kung walang lasa." sungit na sabi niya kay Mia.

Tiningnan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa at inirapan ito.

"Excuse me? Do i know you?" maarteng sabi ni Mia sa lalaki.

Humarap ng tuluyan samin at nagulat ako ng makita kong gwapo ito pero mukhang mayabang.

"Tss. No, what i mean is kayo na nga inimbitahan kayo pa may ganang magsabi ng walang lasa ang pagkain namin."

Gwapo

Matapobre

Mayabang

Ekis ka sakin.

"Teka nga sino ka ba?" sabat ko sa usapan.

Tumingin siya sakin at pinagmasdan ang kabuuan ko.

"I don't talk to strangers." yun lang ang sinabi niya sakin at mabilis na umalis.

Hindi naman maka paniwala si Mia sa inasta nung lalaki na 'yon, humarap siya sakin.

"Myghad oli, hindi ka natipuan nung lalaking yun ah."

Umirap ako at tiningnan ang lalaking kausap namin kanina, papunta siya ngayon sa loob ng mansiyon.

"That was the first time na sungitan ka ng isang lalaki oli, ang hambog naman nun." aniya at umirap.

Nagsimula na kaming kumain ng dessert ng biglang maramdaman kong naiihi ako, tumayo ako at nagpaalam kay Mia.

"Restroom lang ako." paalam ko sa kanya at tumango lang siya.

Naglalakad ako papasok sa loob ng mansiyon at ang daming tao. Nakakahiya naman kung magtatanong ako sa mga bisita, tumingin ako at nakita ang isang naka unipormeng babae.

"Ah ate where's the restroom?" i ask.

Huminto naman siya.

"Pasok po kayo sa pinto na 'yon then right po, Ma'am."

Nagpasalamat ako at pinuntahan naman ang sinabi ng babae.

Pumasok ako sa pintuan na sinabi ni ate at pag pasok ko hallway ang nakita ko. Hinanap ko naman ang right na sinasabi ni ate at nakita nga ang rest room, pumasok ako sa isang cubicle at inilabas ang pinipigilang tubig.

Naghugas ako ng kamay at nag retouch ng kaunti, palabas na ako ng magulat ako sa lalaking kausap namin kanina. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nagsalita.

"Are you done?" tanong niya.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya at sinagot naman ang tanong niya.

"Oo. Bakit mo natanong?" tanong ko sa kanya.

Tumaas lang ang kilay niya at lumapit sakin nagulat ako ng hawiin niya ako sa gilid. Tinignan ko siya at laking gulat ko ng isang babae ang hinawakan niya sa siko at inalalayan ito.

"Do you know her?" tanong ng babae sa kanya pagdaan nila sa harap ko.

"No. Maybe she's crazy." dinig kong sabi niya.

Napapahiya naman akong tumalikod at pumasok muli sa rest room, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ugh. Nakakahiya ka Olivia, hindi naman pala ikaw ang tinatanong tyaka ka sumagot." 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nilakasan ang loob na lumabas sa restroom, tumingin muna ako sa paligid baka nandiyan lang sila at pinagtatawanan ako. Nang walang bahid na kahit ano dali-dali akong lumabas at nagpunta sa pwesto namin ni Mia.

"Akala ko nawala kana, e." biro niya sakin.

"Ugggh. Nakakahiya Mia, siraulong 'yon." asik ko sa kanya.

"Haaaaaaaaaa?.. Napano ka?" takang tanong niya.

Tumingin ako sa paligid buti na lang wala sila dito sa labas ng mansiyon.

"Nakakahiya alam mo ba? Bwiset na 'yon akala ko ako ang tinatanong niya, yung babaeng nasa likod ko pala."

"Teka nga... Anong nangyari ba at sino ang nang-away sayo?" parang naiinis na sabi niya sakin.

"Kasi naman nag rest room ako yung lalaking kausap natin kanina dito," turo ko sa pwesto nung lalaki kanina. "Akala ko ako ang tinanong niya na 'Are you done?' e hindi pala ako ang kausap niya sinagot ko naman siya." parang batang sumbong ko sa kanya.

Natahimik siya at....

"Pfttt.. BWAHAHAHAHAHAHHA. Bakit naman kasi sumasagot ka agad. Nakakahiya nga 'yon Oli!" aniya habang natatawa ng malakas.

Sana pala hindi kona lang sinabi sa kanya.

Tinitingnan ko lang siya habang natatawa may pa hampas pa sa lamesa.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now