CHAPTER 15

6 1 0
                                    

OLIVIA POV

"Ano may nakuha ba kayong impormasyon?" tanong ko sa mga kapatid ko.

Kadarating lang nila galing sa bahay namin at agad silang pumunta dito kina Auntie.

"May clip ng video na ibibigay samin mamaya, kaso may pasok ka pala." ani Owen.

Naka bihis na ako ng uniform, nag excuse muna si Mia ng ilang araw dahil sa nangyari kay Auntie at nalaman naman agad ng mga prof niya ito.

"Kayo na muna bahala kay Mia," bilin ko sa kanila at kinuha ang bag ko sa table. "Hindi kase ako pwedeng mag absent  today dahil may exam kame sa bio." sabi ko sa kanila.

"It's okay baby girl, andito naman kame." Orlando said.

Nginitian ko sila pareho at yinakap.

"Thank you mga Kuya." madramang sabi ko.

"Eww.. don't call me Kuya, Owen is enough." tanggi niya sa pag tawag ko sa kanila.

"Me too." sang-ayon naman ng isa ko pang kapatid.

Umasta naman akong sumusuko na sa sinabi nila kaya natawa sila.

"Okay po Owen.. and Orlando." diin na sabi ko sa mga pangalan nila.

Umiling lang sila pareho.

"Hatid na kita, ibababa ko din 'to sa mall." aniya at itinuro si Owen.

"May ka eye ball ka noh?" tukso ko sa kanya.

"Tsk. I'm going to meet Mr. Cabu." depensa niya naman.

"Oo, tapos magd date sila katapos." sabi naman ni Orlando at natawa kami pareho sa sinabi niya.

"Sige pagtulungan niyo ko, parang hindi kayo mga kapatid!" kunwaring inis na sabi niya.

Natawa lang kame sa kaniya.

"Tara na baka ma late kapa." aya niya.

Lumabas na kame at agad na pinaandar ang sasakyan.

Ilang oras ang byahe at nakarating sa mall na babaan ni Owen.

"Ingat kayo, ikaw ayusin mo yang pag-aaral mo." aniya at pinat ang ulo ko.

"Ingat den sa ka eye ball mo." biro ni Orlando.

Inis naman na bumaba si Owen at padarag na sinarado ang sasakyan.

Natawa kame sa ginawa niya, agad na pinaandar muli ni Orlando ang sasakyan patungo sa school.

***
Paghinto ng sasakyan bumaba si Orlando upang pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you handsome!" sabi ko.

Ngumiti siya at yinakap ako ng mahigpit.

"Always welcome, baby girl!" ngiting aniya at bumitaw.

"Ingat ka sa byahe." i said and touched his hair.

"I will baby girl, take care. I'll fetch you later." aniya at tumango ako pagkatapos ay sumakay agad siya sa sasakyan.

I waved my hand, masayang naka ngiti ako sa kanya habang paalis. Nang mawala na sa paningin ko tumalikod na ako at papasok na sana ng makita ko si Cyrus malapit sa pinagbabaan ko.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now