CHAPTER 17

6 1 0
                                    

OLIVIA POV

Ipapakilala ko sana sa kapatid ko si Cyrus ngunit agad itong umalis, nakita kong umalis siya kanina nung nagka salubong kami sa hallway ng room.

"Who is that guy?" biglang tanong ni Orlando pagkasakay sa sasakyan.

"Ahh.. Kaibigan lang." sagot ko at nilagay ang seatbelt.

"I thought he was your boyfriend." aniya.

Pinaandar niya ang sasakyan palabas ng school, ibinaba ko naman ang bag na hawak ko sa back seat.

"Well i introduced him to Daddy, as my boyfriend." sabi ko sa kanya.

Diretso lang ang tingin nito sa harap.

"When?" tanong nito.

"Kamakailan lang yun." sagot ko naman.

Hindi na siya umimik pa kaya mabilis kaming nakarating sa ospital, malakas pa din ang ulan.

Pagdating sa hospital, ang siya naman pagdating din ni Cyrus kasama si Avery. Papunta na din ang mga ito sa elevator, una silang pumasok. Nagkatinginan kame ni Cyrus. Pumasok na kame ng tuluyan ng kapatid ko.

Tumingin naman si Avery sa suot ko, salubong ang kilay na tumingin ito kay Cyrus at may ibinulong.

Nagsalita naman ang kapatid ko.

"Change clothes as soon as we get there baby girl, baka magka sakit ka." aniya.

Tango lang ang isinagot ko.

"Look you're wet." Avery.

"Magpapalit na lang agad ako." sagot ni Cyrus.

Pagbukas ng elevator pasinghot-singhot na ako, nararamdaman ko na din na parang bumibigat ang pakiramdam ko.

Mabagal lang ang lakad ko. Nagpatiuna sina Cyrus sa paglalakad dahil iisa lang naman ang pupuntahin namin.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kapatid ko.

Suminghot ako bago sumagot. Nakita ko pang tumingin sa gawi namin si cyrus.

"Medyo bumibigat ang pakiramdam ko." sagot ko naman.

Lumapit pa sa akin si Orlando at inalalayan ako.

"Kaya mo pa ba?" tanong niya uli.

Tumango lang ako. Pag pasok sa room ni Auntie naka upo na sina Cyrus at Avery sa couch, nakita ko naman si Mia na inaayos ang kumot ng kaniyang ina.

Hinanap ng paningin ko si Owen, mukhang na pansin ni Mia na may hinahanap ako.

"Lumabas siya may pupuntahan daw siya." anito. "You look wet." dagdag pa niya.

"Naulanan siya." sabat ni Orlando. "Do you still have clothes there?" baling na tanong niya kay Mia.

"Meron ako dito. Nadatnan ka ba ng ulan? Akala ko si Cyrus ang nagsundo sayo, si Lando pala." sunud-sunod na sabi niya.

Nanguha naman ito ng damit sa kanyang bag at iniabot sa akin.

"Magpalit kana." utos ng kapatid ko.

Tumango ako at dumiretso sa cr.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, yung tipong babagsak ako sa sahig. Pagkatapos kong makapag palit lumabas na agad ako, nakita ko si Cyrus na nasa gilid.

Paglabas ko agad siyang pumasok.

"Drink this baby girl." salubong ng kapatid ko.

May hawak itong gamot at baso ng tubig sa isang kamay. Agad ko naman itong kinuha sa kaniya, ininom ko agad ito.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now