CHAPTER 13

10 2 0
                                    

OLIVIA POV

Inilapag na ang mga in-order namin at nagsimula ng kumain, tahimik lang kaming kumain hanggang sa nagsalita si Dad.

"How many years have you been in your relationship?" tanong niya.

Nasamid ako sa iniinom ko, agad naman na hinagod ni Cyrus ang likod ko.

"Are you okay, oli?" alalang tanong ni Dad.

"*Ehem* Ahh.. yes dad." i said at nagpunas ng bibig.

Nagsalita si Cyrus na ikinabigla ko.

"Baguhan lang po kami as a couple." aniya na akala mo totoo.

Tumango-tango si Dad.

"That's good. Kung hindi mo naitatanong Mr.Choi, hindi nagpapatagal ng panliligaw yan." kwento niya at itinuro ako.

"Naikwento nga po niya, Doc."

"Don't call me Doc, Daddy na lang." ngiting sabi ni Daddy sa kanya.

Nabigla naman si Cyrus at pinamulahan ng mukha, muntik na akong matawa sa ka kyutan niya.

Sumabat na ako sa usapan baka isipin ni Cyrus na gusto ko ang mga sinabi ni Dad.

"Ahh Daddy, how's my sibling?" pag-iiba ko sa usapan.

"They're fine anak, they are looking for you too." Dad said.

Bigla akong nalungkot ng maalala ko kung paano ka support si Mommy sa kanila, samantalang ako pinipilit na mag doctor kahit hindi ito ang passion ko. I am the only girl in siblings at parehong lalaki sila.

"Daddy, are they both girls too?" tanong ni Cyrus.

Napatingin ako sa kanya ganun din siya sakin na nagsasabing i got you ang tingin, nakuha ko naman ang gusto niyang iparating kaya nagpilit akong ngumiti.

"They are both men, only Olivia is the woman." ngiti ni dad.

"Ganon po ba."

Tumango lang si Dad at pinag patuloy namin ang pagkain.

***

Hinatid kami ni Dad muli sa school.

"Thank you dad." i said and kissed his cheeks.

"You're welcome anak, take care of yourself besides Cyrus is there too to take care of you." aniya at hinalikan ako sa forehead.

"Thank you daddy." Cyrus said.

Nginitian siya ni dad at tinap sa balikat si Cyrus, nagpaalam muli ito sa amin pagkatapos ay sumakay muli sa sasakyan.

Nawala na sa paningin ko si dad kaya humarap ako sa kasama ko.

"Cyrus thank you for this day." ngiting sabi ko sa kanya.

Nagsalubong ang mga tingin namin at matagal na nagtitigan, agad akong bumitaw sa titigan namin kaya kunwaring tumingin ako sa wrist watch ko.

"A-ahh oras na, tara baka ma late pa tayo." aya ko sa kanya.

Akmang tatalikuran ko na siya ng hawakan niya ang braso ko at iharap muli sa kanya. Our eyes met again, nagulat ako ng yakapin niya ako.

Mahigpit ang yakap na iginawad niya sakin kaya napalunok ako at mabilis na tumibok ang puso ko, masuyo niyang hinagod ang aking ulo gamit ang kaniyang palad na nagpakabog ng matindi sa dibdib ko.

"I am always here for you." aniya at nakaramdam ako ng ginhawa sa aking dibdib.

Gumanti ako ng yakap.

The Hidden Love (On going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin