CHAPTER 10

16 4 0
                                    

OLIVIA POV

"Oli, wake up!" gising ni tita sakin.

Umatungol naman ako.

Yinugyog niya ang balikat ko at nagising na ako ng tuluyan dahil sa ginawa niya.

"Po tita?" sabi ko habang humihikab.

"Bumangon kana diyan, your mom is here." aniya na ikinatigil ko sa paghikab.

"Po?! Kailan pa?" nagmadali akong bumangon.

"Kanina lang konte, alam niyang nandito ka kaya hindi na ako nagsinungaling." paumanhin na sabi niya.

Kinabahan ako.

Nandito si Mom at baka kunin niya na ako kina tita, ayoko naman sumama muna kase masama pa loob ko sa ginawa niya sakin.

"Okay lang po tita, maliligo po muna ako." paalam ko sa kaniya.

Lumabas na siya pagka pasok ko sa bathroom, minadali ko ang pag ligo dahil ayaw ni Mommy na nag-aantay. Hindi ko na pansin si Mia baka nasa baba na siya at kausap na din si Mom.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba na, nang pumunta na sa living area nakita ko si Mom na naka upo sa isang couch at nakikipag kwentuhan kay tita Mira, samantalang nasa kabilang couch si Mia at tahimik na nakikinig sa dalawa.

Tumingin sila sa gawi ko, tiningnan ko si Mom yung itsura niya na parang galit lagi saken.

Nagmano ako at humalik sa pisngi niya.

"Good Morning Mom-" nagulat ako ng sinampal niya ako.

Hinawakan ko ang pisngi ko dahil sa biglaang pagsampal niya sakin.

Nakita ko naman sa gilid ng paningin ko na gustong lumapit sakin ni Mia.

"Are'nt you ashamed, Olivia? Nakikituloy ka dito at inaabala ang mga tao." galit na sabi niya.

Sumabat naman si tita Mira.

"Mrs. Faulkerson hindi abala si olivia dito, actually masaya ako dahil may kasama si Mia dito." tita Mira said.

Tumingin ako kay Mom, ganon din si tita.

"Can you leave us awhile?"

Tumingin si tita sakin at tinanguan siya na sinasabing okay lang, tumango siya kay Mom at inakay palabas si Mia.

"Your father is looking for you, aren't you ashamed of what you do?" aniya at lumapit pa sakin.

Hindi ako naka sagot.

"Napaka tigas talaga ng ulo mo Olivia, hindi ka natututo palagi kang sakit sa ulo sa mga ginagawa mo." aniya pa.

"Mom, i'm sorry kung hindi po ako nagsabi." i lied.

Umismid lang siya.

"Hindi ka nakapagsabi or sinadya mo?" sarkastikong sabi niya. "Alam kong sa una palang gagawin mo ang binabalak mong paglalayas, para ano? Para patunayan mo sakin na wala ka talagang kwenta, na hindi mo mahihigitan ang mga kapatid mo?" galit na sabi niya.

"Hindi po sa ganon Mommy." pinipigilan kong hindi umiyak sa harap niya.

"Hindi sa ganon? Pinatunayan mo na ngang wala kang kwenta, lalayas-layas ka sa bahay para maging malaya ka at magawa ang mga gusto mo?!" sigaw niya sakin.

"Hindi po mommy!" hindi ko napigilan ang mga sinasabi niya.

Lumapit siya sakin at sinampal uli ako.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now