CHAPTER 29

7 1 0
                                    

OLIVIA POV

Pagkatapos kumain nagpahinga muna kame sandali maya-maya pa inaya ko na silang pumasok dahil may quiz kame mamaya.

"Let's talk for a moment." ani Steven sa akin.

"What are you going to talk about?" singit ni Cyrus.

Napatingin ako sa kaniya. He looked at me sharply, tumingin din ito kay Steven na parang sinusuri ang kabuuan nito. Natahimik naman ang tatlo.

Tiningnan ko si Mia nagmamakaawang tulungan ako sa sitwasyon ko.

Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.

"Ah. Ah, siguro mauna na tayo sa labas ano?" aniya na parang nililibang ang mga kasama.

"You go first. We need to talk for a moment." Steven replied.

"No. I'll stay." pagmamatigas ni Cyrus.

Naramdaman kong nag-iiba na ang timpla ng itsura ni Steven. Muli kong tiningnan si Mia na nagsasabi ng gumawa ka ng paraan. Nag-uusap ang mga tingin namin. Umirap lang ito sa akin.

Nabigla ako ng matumba ito sa sahig.

Tiningnan niya ako na nangungusap makisakay ka sa pag-arte ko.

Lumapit sa kaniya sina Deniel at Jackson.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ng dalawa sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" kunwaring tanong ko.

Umarte naman itong hinahawakan ang kaniyang ulo, hinihingal din ang kaniyang pag-arte.

"Nahilo ako bigla." aniya habang umaarte.

"Let's go we need to take her to the hospital." mabilis ang kilos ni Deniel.

Siya na ang nag buhat dito, sumunod naman si Jackson. Samantala kaming tatlo na lang ang natira.

Ito yung may emergency pero mas inuna yung usapan.

"What else are you doing here?" tanong ni Steven kay Cyrus.

Hindi ko naman uli alam ang gagawin ko sa dalawa, paano kung magsapakan sila dito. He stared me.

Sasagot na sana ito ng unahan ko siya sa pagsasalita.

"Ahhh. Steven let's talk na lang next time, we need to go na baka ma late kame." sabi ko habang hinahawakan si Cyrus para sana mailabas sa resto.

Napabuga ito ng hangin tyaka tumango.

"Okay. I'll just call you, when you're not busy." he replied.

Hindi nagsalita si Cyrus pero ramdam kong may tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Sige. Mag-iingat ka. Thank you sa libre."

Tumango lang ito at nauna ng lumabas. Doon lang ako naka hinga ng maluwag, sa wakas nakisama si Steven. Pag tingin ko kay Cyrus nakatitig ito sa akin at umiiling. Nagpatiuna na din ito sa paglabas.

Sumunod naman ako sa labas ngunit wala na sila, si Cyrus lang ang nakita ko habang kinakamot ang ulo na akala mo na stress sa buhay. Lumapit ako sa kanya.

"Nasaan sila?" tanong ko.

Tumingin pa ako sa magkabilang daan ngunit wala na ang mga sasakyan nila.

"Don't you see?" masungit na sagot nito.

"Nagtatanong lang baka nakita mo kung saan sila nagpunta."

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now