CHAPTER 26

4 1 0
                                    

MIA POV

Ilang oras akong nagkulong sa kwarto kakapanood ng kdrama, hindi ko naalintana ang oras.

"Do you like messi?"

-Kim Bok Joo in Weighlifting Fairy Kim Bok Joo.

Natawa ako sa kakyutan ni Bok Joo. I took my phone and vinideohan ang pinapanood, pinost ko ito sa story ko sa instagram. Nang ma upload nakita ko ang ibang stories ng mga kaibigan ko.

Nag view ako at nang natapos ang unang viniew ko nanlaki ang mata ko sa nakita sa sunod na lumitaw sa screen ko.

Nasa Airport ito.

'Finally!'

His caption.

Nilipat ko muli at nakitang nasa Mall ito.

'Chillin' with my bros.'

OMG!

Dali-dali kong tinawagan ang numero ni Olivia.

Hindi niya ito sinasagot.

Naka uwi na siya. Pano na si cyrus?

Para akong baliw na hindi mapakali sa pwesto. Tumayo ako at naglakad-lakad sa kwarto. Iniisip kung ano ang mangyayari pag nagkita silang dalawa.

Na stress ako sa lablayp ng kaibigan ko, hindi ko alam kung kanino ako boboto nito. Parehong gwapo pa naman.

"Sana maranasan ko din ang pag-agawan." sabi ko sa sarili.

Humilata ako sa kama hanggang sa naka tulog ako kakaisip sa lablayp ng kaibigan ko.

Nagising ako ng may bumusina sa labas ng gate.

Tumayo ako upang silipin kung kanino ang sasakyan na 'yon.

Pungas-pungas pako habang tinitingnan ito.

Pumasok ang sasakyan ni Cyrus.

Bumaba na din ako katapos.

"Kamusta ang date?" tanong ko pagkababa.

"Nag-enjoy kame sobra. Next time sumama ka, para hindi ka mabagot dito." sagot ni Cyrus.

Tahimik lang si Oli habang naglalakad papunta sa sofa.

"Enjoy ba yang mukhang 'yan?" turo ko kay Oli.

"Well, maybe she wasn't in the mood." aniya.

"Baka nga." sang ayon ko sa kanya. "Manang may dinner na po ba?" tanong ko kay Manang at nagtungo sa kitchen.

"Ready ko lang po ma'am." sagot nito sakin.

Tumango ako at kumuha ng tubig.

Paglabas ko tahimik pa din si Olivia.

Sakto naman na may tumawag sa phone ni Cyrus. Lumabas ito at sinagot ang tawag, lumapit naman ako kay Olivia.

"Oyy alam mo na ba?" chika ko sa kanya.

Humarap naman ito sa akin.

"I saw him with Ian." sagot niya.

Napatakip ako sa bibig ko.

"OMG! Talaga?! " excited na tanong ko.

Tumango lang ito.

Bigla naman lumabas sa kitchen si Manang.

"Dinner is ready na po." aniya samin.

"Thank you Manang!" sabi ko.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now