CHAPTER 22

5 1 0
                                    

MIA POV

Nagising ako na parang gumagalaw ang hinihigaan ko, minulat ko ang aking mata at nakitang nasa sasakyan ako. Hinanap ng paningin ko si Olivia nang hindi ko ito mapansin sa gilid ko. Napa upo ako ng ayos at tumingin sa lalaking nagmamaneho.

"Where's Oli?" tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa rear view mirror.

"She's with Orlando." sagot ni Owen.

Akmang sasagot uli ako nang may bumusina sa likuran ng sinasakyan namin. Dahil nasa back seat ako tiningnan ko ito. Ngunit hindi ko ito makita dahil tinted ang kaniyang sasakyan.

Nag overtake ito sa harapan namin.

"That's Orlando's car." Owen said habang sinusundan ang sasakyan.

Tumigil ang sasakyan ni Orlando sa gilid ng daan, ganon din ang sinasakyan namin.

"Dito mo na lang pasabayin si Olivia." sabi ko kay Owen.

Tumango ito. Bumaba na din sa kaniyang sasakyan si Orlando at pumunta sa amin.

"Did olivia come with you?" tanong ni Orlando.

Naguguluhan naman na humarap ito sa kapatid.

"Teka, don't tell me naiwan si Olivia doon?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Sabay naman silang tumingin sa gawi ko. Kinuha agad ni Orlando ang phone niya at may tinawagan.

"Are you with Olivia, Mom?" he ask. "Okay.. I thought she's with you.... Bye." aniya pa.

"Is she with Mom?" tanong naman ni Owen.

Umiling lang ito at parang hindi mapakali.

"I'll try to contact Cyrus baka kasama niya sina Deniel and Jackson." sabat ko.

Tumango lang sila pareho. Bumuhos ang malakas na ulan kaya agad na sumakay si Orlando sa kaniyang sasakyan. Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan ang numero ni Cyrus.

Ilang rings bago ito nasagot.

~Calling Cyrus~
[Hello?]

[Ahm.. Kasama mo ba si Olivia?]

Narinig kong bumuntong ito.

[No. I thought kasama niyo na siya?]

[Ha? Hinde e. Ngayon lang namin siya napansing wala dito.]

Hindi ito sumagot.

[Okay. I'll try to find her.]

He said and ended the call. Humarap ako kay Owen, nagulat pako ng naka tingin na pala ito sa akin.

"Hindi niya daw kasama." sabi ko sa kanya.

Ngunit hindi ito nagsasalita naka tingin lang ito sakin. Inismiran ko lang ito.

"Magpakita sana sayo si Mommy." biro ko sa kanya.

Natauhan naman ito at pinilig ang ulo.

"A-ahh. Nasaan na kaya yung babaeng yun." sagot niya sakin.

"Balikan kaya natin siya?" suhestyon ko sa kanya.

"Sige-" suddenly his phone rang.

Sinagot niya naman ito, hindi ko na narinig ang mga pinagsasabi niya dahil pinagtuunan ko ng pansin ang litrato namin ni Mommy na nasa wallpaper ng phone ko.

Naalala ko muli si Mom.

I miss you mom.

"Ahm.. Mauna na daw tayo sa inyo." Owen said.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now