CHAPTER 4

18 3 0
                                    

OLIVIA POV

We are here today at the fitness gym with mag-ina session, we left earlier after breakfast.

Pumunta kami sa kanya-kanya naming pwesto, at inumpisahan ng mag work out.

Naka simple gym shorts and a sports bra plus, a towel as a scarf is a kind of chic daw sabi ni Tita Mira kaya ganon ang outfit namin ngayon.

Bakas na kasexyhan pa rin ang katawan ni Tita at hindi mo mahahalata na may anak ito na ubod ng maldita, pero kahit ganon pa man sobrang thankful ako sa kanila dahil pinatuloy nila ako sa bahay nila.

I put the earphones in my ear and started to work out, nilakasan ko ang volume para mas lalo akong mag focus.

Nagsimula na akong tumakbo at pinindot ang mga dapat pindutin sa treadmill.

Nang makaramdam ng pagod huminto ako saglit at pumunta sa bench para uminom, maya-maya lang sumunod si Mia na paupong humarap sakin at kinuha ang kanyang bottled water.

"Bagay sayo lahat ng suot mo." komento niya at uminom.

Nagpunas muna ako ng bibig at umismid.

"Plastikan ba 'to?" biro ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako at pinunas din ang kanyang bibig.

"Oo," tumingin siya sa likod ko at ngumiti ng malapad. "Alam mo araw-araw na akong nakaka kita ng gwapo, sign na ba 'yon para magka jowa ako ng gwapo?" aniya habang nakatitig sa likuran ko.

Tumingin naman ako sa likuran ko at nakita ang gwapong tinitingnan nito, medyo singkit ang mata at mukhang koreano.

"Huntingan mo na habang siya lang mag-isa, landiin mo na." biro ko sa kanya.

Agad naman siyang tumayo at nagpunta sa lalaking kanina niya pa tinitingnan, nagulat naman ako sa ginawa niya ng ilahad ang kamay. Ginawa niya nga sinabi ko kaya napa face palm na lang ako sa ginawa niyang 'yon.

Tiningnan ko ang pwesto ni Tita ganon focus siya sa work out niya samantalang lumalandi na ang anak niya.

Hinayaan ko lang ang kaibigan ko at kinuha ang phone ko, nag story ako sa instagram with caption na 'Papawis time🤧 @gym fitness alabang.

Pagbalik ni Mia parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya, natawa naman ako sa itsura niya.

"Bakit ganyan mukha mo? May girlfriend 'no?" kunwaring sabi ko.

"Sayang siya, ang gwapo niya pero bet niya den gwapo." aniya na parang nalugi.

Natawa ako sa sinabi niya kaya umirap lang siya.

"Basta ka kasi pumupunta,e." sabi ko habang natatawa.

May lumapit na dalawang gwapong lalaki samin at nginitian kami.

"Hello gorgeous, i'm Zoren and this is Henry my best pal." aniya at naglahad ng kamay.

Nakipag shake hands naman kami sa kanila nakakahiya naman kung hindi namin tanggapin 'diba.

"Ah, ngayon lang ba kayo pumunta dito?" tanong nung kasama niya.

"Yes, unfortunately kasama namin yung mom ko," sabat ni Mia."Ayun, yung nasa treadmill section." aniya at itinuro si tita.

"Wow. I thought kapatid niyo din siya." sabi nung Zoren na parang namangha.

Humagikgik naman si Mia kaya ako naman ang nagsalita.

"We're not sisters she's my best friend, parang magkapatid na din." sabat ko.

Tiningnan nila ako pareho at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now