CHAPTER 9

12 3 0
                                    

OLIVIA POV

Nagising ako dahil sa pag-aalburuto ng chan ko, umikot-ikot ako sa kama ko at iniinda ang aking chan. Umupo ako habang kinakamot ang aking ulo, nag-unat at humikab ng matinde.

Pag tingin ko sa paligid nanlalaking mata kong inilibot ang paningin, hindi ito yung kwarto ko.

"OH MY GHOD!" sabi ko sa sarili at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

Pero wala akong matandaan.

Inisip ko din kung may lumapit ba sa akin na lalaki kagabi pero wala akong matandaan.

Paano kung ikinama na ako ng kung sino?

Pinakiramdaman ko naman ang ibabang bahagi ko pero wala naman masakit, iniinda ko lang yung chan ko tapos wala na.

Napa sabunot ako sa sarili ko.

Tumingin ako sa paligid at tumayo, may na pansin ang aking paningin patungo sa bed side table at lumapit doon. May nakita akong larawan ng isang pamilya, unang nakita ng paningin ko si Cyrus.

Napatakip na lang ako sa bibig ko at pilit na inaalala ang nangyari kagabi.

Napakagat ako sa hintuturong daliri ko habang tinitingnan ang larawan ng pamilya niya.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Cyrus.

Natulala ako sa ka gwapuhan niya, simpleng white shirt at jeans ang suot niya pero napaka lakas ng karisma.

"Don't look at me like that," aniya at pumasok ng tuluyan. "this is my condo dito na kita pinatuloy dahil nagwawala kana kagabi. " aniya pa at nanlaki ang mga matang tinignan siya.

"Anong ginawa ko kagabi?" curios na tanong ko.

CYRUS POV

I told her everything she did last night.

~Flashback~

Binantaan ko ng 'wag nang umalis pero dahil makulit siya natakasan niya ako at pumunta sa parking ng mga Cruz, ni anino niya hindi ko makita kaya binilisan ko ang lakad at sinundan siya ngunit walang katao-tao sa lugar na 'yon.

Hinanap ko siya sa mga sasakyang nakaparada pero wala, tinignan ko din ang ilalim ng mga sasakyan sakaling tinataguan ako.

Nang huminto ako malapit sa fountain ng mansyon biglang...

*Splash water*

"Wth?" nang tingnan ko ang fountain nandon siya mismo at sinabuyan uli ako ng tubig.

"Halika dito, swim swim tayo!" masayang aniya at hindi nakuntento umupo pa.

Napa face palm na lang ako sa ginawa niya at linapitan siya para maialis don, sumama naman siya at ng ihahatid ko siya sa loob ng mansiyon tumakbo uli ito.

Napabuga na lang ako sa ginawa niya.

Sinundan ko uli ito at nakitang umakyat sa harapan ng kotse ko, dali-dali ko siyang binuhat pababa sa kotse ko at hinawakan ang magkabilang balikat nito.

"You know what pagod na ako sa kakulitan mo, kanina ka pa." asik ko sa kanya.

Tiningnan niya ako at nag puppy eyes.

"Okie, i want coffee." ngusong aniya.

"Sakay." tipid na sabi ko.

Pinaandar ko ang kotse at nag focus sa pagmamaneho, nagulat ako ng buksan niya ang bintana ng kotse ko at sumilip sa daan.

The Hidden Love (On going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora