CHAPTER 7

18 3 0
                                    

OLIVIA POV

"Mia, hindi tayo pwedeng ma late sa gathering ng mga cruz," tita said habang kumakatok sa restroom namin ni Mia. "ang tagal mo naman na bata ka." umalis siya sa room namin.

Kanina pa ako naka bihis at inaantay na lang namin si Mia, tagal pa namang kumilos ng babaeng yan.

Kinuha ko saglit ang phone ko at nag story sa insta, hinarap ko sa full length mirror ang phone ko para ma picturan ang outfit ko.

Lumabas si Mia galing sa bathroom at tiningnan ang kabuuan ko.

"Wow! You look sophisticated in that pantsuit," aniya sa suot ko. "should i go there too?" biro pa niya.

Natawa naman ako, binaba ko na ang phone ko at inilingan lang siya.

"Dalian mo na diyan." pagmamadali ko sa kaniya.

Pumasok siya sa walk in closet niya.

Nag apply uli ako ng light make up sa mukha ko,lumabas si Mia at nakita ko ang outfit na suot niya.

Naka sleeveless dress siya and pinartneran nang nude heels, nagmukha siyang chix sa suot niya although chix naman talaga siyang tignan.

"Baka matunaw ako,Oli." aniya at nagkunwaring inirapan ako.

"Let's go!" sigaw ni tita.

Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan.

***
Pagdating sa venue ng mga cruz, bumaba na agad kami at sinalubong ng isang magandang babae na tingin ko ay kasing edad lang namin ni Mia.

"Auntie!" masayang aniya at humalik sa pisngi ni tita.

"Margarette!" masayang sabi din ni tita.

Nang matapos sa yakapan pinakilala kami ni tita Mira sa tinawag niyang Margarette.

"Mia this is your cousin Margarette," ani tita habang tinuturo ang babae. "Ito naman si olivia kaibigan ni Mia." pakilala sakin ni tita.

Nginitian ko siya at nakipag kamay.

"They're pretty!" aniya na parang namamangha saming dalawa ni Mia.

"Of course you too, Marga." puri naman ni tita.

Ngumiti naman si Marga at pinapasok kami sa loob, bumungad sa amin ang napakaraming tao. Sa bakuran nila may mga naglalakihang mga speaker, mukhang birthday party ang pinuntahan namin.

Pag pasok sa loob sinalubong kami ng babaeng kasing edad ni tita.

"I thought you weren't going." aniya at hinalikan sa pisngi si tita.

Humarap naman ito sa gawi namin, at namamanghang pinagmasdan kami ni Mia.

"Ang lalaki na nila, ah." aniya sa amin.

Bigla naman natawa si tita.

"Ito yung anak ko si Mia," aniya kay mia at inakbayan ito. "that's her friend, Olivia." sabi ni tita at tinuro ako.

"Oh hi olivia, you're so pretty." komento niya at nahihiyang nginitian ko ito.

Parang napapahiyang natawa ang babae at inaya na kaming maupo.

Ngayon ko lang na pansin na ang daming tao sa loob, mga kasing edad namin. Naka tingin sila sa gawi namin at nginingitian kami, ngumiti naman ako pabalik.

***
Pagkatapos kumain inaya kami ni Marga sa labas, may inuman session daw.

"Take care!" yan lang ang sabi ni tita.

The Hidden Love (On going)Место, где живут истории. Откройте их для себя