CHAPTER 3

16 4 0
                                    

OLIVIA POV

"Mom, where did you put my watch?" tanong ni Mia kay Tita habang may hinahanap sa cabinet.

Lumabas naman si tita sa room niya habang nilalagay ang hikaw sa tenga.

"I put it in your drawer." aniya pagkalapit.

Sinuot ko ang shoes na bili sakin ni tita, aalis na naman kasi ngayon magsisimba kami.

Every sunday nasa church kaming tatlo, bonding na din ng mag-ina.

"I found it,mom." Mia said.

Pagkatapos maisuot ang sapatos tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror, simple lang ang ayos namin. Pareho kaming naka oversized full-over sweatshirt, and syempre same balenciaga chunky sneakers.

Maya-maya lang lumabas muli si tita sa room niya at parang may hinahanap.

"Mommy ano hinahanap mo?" Mia ask while applying liptint.

"The car key, i don't know where I put it." aniya habang nakatayo at parang may iniisip.

Nakita ko naman sa kamay niya ang susi ng kotse kaya natawa ako sa kanya.

"Ano yang hawak mo tita?" turo ko sa kamay niya.

Tumingin siya sakin at sa kamay niya, natawa siya sa sarili niya at nag aya ng umalis baka kasi maraming tao niyan.

Pagdating namin sa simbahan hindi pa gaanong karami ang tao, pagbaba namin sa sasakyan pinagtitinginan kami syempre nakakahiya kaya diretso lang ang lakad namin.

"Doon tayo, Tita Cecilia niyo nandito din." aniya at nanguna sa paglalakad.

Sumunod kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa pwesto nila Tita Cecilia, nagmano kami at umupo.

Nagulat pa ako ng katabi ko si Cyrus, hindi man lang tumingin sa amin diretso lang ang tingin niya.

Tiningnan ko kung nandito si Avery pero wala siya silang dalawang mag-ina lang, nakakalungkot lang na mag-iina ang mga kasama ko samantalang sumama lang ako.

Sa left side ko sina Tita Cecilia,Tita Mira at Mia habang sa right side ko si Cyrus. Hindi ko napansin na dito siya pumwesto.

In fairness ang bango niya.

Nag-umpisa na ang misa pero 'tong katabi ko talagang focus sa pakikinig sa homily, pasulyap akong tumingin sa mga katabi namin at nagulat ako ng makita kong nakatitig ang tatlong babae kay Cyrus at mga tumitili.

Tumingin naman sa gawi ko si Cyrus at nagkatinginan kami, tinaasan niya ako ng kilay.

"Don't stare too much lest you fall in love." bulong niya.

Tumingin agad siya sa harap at ngumisi.

"Kapal naman." bulong ko at umirap.

Ilang oras pa kaming nakinig sa homily at nang oras na para sa kantang ama namin, tinaas ko ang mga kamay ko at nagulat ako ng hawakan niya ito at tinaas din ng bahagya ang kamay niya.

Nanlalamig ang kamay ko habang kinakanta ang ama namin.

Ama namin naway ang gwapong lalaking ito ay aking paibigin.

Pagtapos ng kanta dali-dali kong pinisil ang kamay ko, at nang magbibigay ng ostya tumayo kami at pumila sa gitna.

Nagpatiuna sina Tita Cecilia at Tita Mira sa likod naman niya ay si Mia, tapos ako at sa likod ko si Cyrus.

Hindi ako mapakali sa lalaking 'to.

Habang nasa pila narinig naman namin ang tili ng mga babae sa likuran namin.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now