CHAPTER 6

13 3 0
                                    

OLIVIA POV

"Oli, alam mo na ba ang schedule natin for this first sem?" Mia ask while wearing her uniform.

"Hindi pa, mamaya palang ibibigay ng registrar."

"Let's go." aya ni Tita.

Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan, maya-maya lang nasa parking na kami ng school at agad bumaba.

"Kuhanin muna natin schedule natin this sem." Mia.

Tumango lang ako at naglakad kami patungo sa registrar, ang daming students sa hallway.

"OMG! Ang daming gwapo sa atheneo, Oli." bulong ni mia.

"Nakikita ko." pambabara ko.

Ilang minuto lang ng makarating kami sa registrar at nakuha na namin ang schedule namin, kinuha ni Mia ang papel na hawak ko.

"Grabe naman mga subjects niyo," tiningnan niya ang list ng magiging prof namin. " Mr. Tuazon sa Neuroscience niyo, sa pagkaka alam ko mabait yan." aniya at ibinalik sakin ang papel.

Huminga ako ng malalim at inaya na siyang pumasok.

Dumating na ang unang prof namin.

Biochemistry ang una naming subjects, nagsimula ng mag discuss ang una naming prof.

Biglang may pumasok na panibagong prof sa room namin, may sinabi ito sa amin na siya si Mr. Montecillo kilala bilang striktong prof daw sa DM na hinahawakan niya.

Tiningnan ko ang schedule ko na nasa tabi ng desk ko at tiningnan ang subject na hawak niya.

Gross and Clinical Anatomy ang subject niya samin at pangatlong sub iyon.

Umalis agad si Mr. Montecillo at itinuloy ng prof namin ang discussion about biochemistry.

Bigla naman nag vibrate ang phone ko kaya dali-dali kong kinuha, tiningnan ko ang prof namin pero nasa board ang atensiyon niya kaya binuksan ko ang phone ko at binasa ang text message ni Mia.

From MIA: Oli, sabay tayo mag lunch.

Magtitipa na sana ako ng reply para sa kanya ng maramdaman kong may tao sa gilid ko, pagtingin ko yung prof namin pala, agad kong itinago ang phone ko sa bulsa.

"In general, the bulk of the organic matter of a cell may be classified as.." aniya at itinuro ako.

Tumayo ako.

"Ahh... protein,c-carbohydrates, and fat, or l-lipid, sir." sabi ko at napakamot sa batok.

"Very good, sit down. The next time I see you holding your cell phone again straight to the admission office, clear?" aniya at tumango ako.

Nag focus na ako ng sobra sa pakikinig.

***

Natapos na ang pangalawang subject namin pumasok si Mr. Montecillo sa room namin kinabahan ako kaya sa harap lang ang focus ko.

"You will have a temporary classmate until they stay in your room for 5 months, because our dean moved them temporarily," panimula niya at naglakad-lakad sa gilid ng mga table namin. "they are one of the best students in our university." aniya at pinapasok ang mga students.

Nagulat ako ng naging familiar sakin ang tatlong lalaki.

Hindi ko na narinig ang ibang sinabi ng prof namin dahil naka tingin ako kay Cyrus.

Pinaupo sila sa kabilang table na nasa gilid ko lang pero malayo ng kaunti.

Nag umpisa ng mag discuss si Mr. Montecillo.

The Hidden Love (On going)Where stories live. Discover now